• MOUNT BANAHAW •
“ Okay Good morning Aciaca this afternoon make it ready na kase, this afternoon tayo mag aarive sa Mountain Banahaw. Take note sa dadalhin.
: Appropriate Footwear
: Map and Compass GPS
: Water
: Food
: Rain Gear and Dry- Fast layer
: Safety items (fire, light and whistle
: First aid kit
: Knife ang Multi-tool
: Sun protection
: Shelter
Don't forget to bring all of this cleared?”
“ Cleared “
Kinatanghalian ay handa na ang bus na sasakyan nila. Pero bago sila sumakay nag salita muna si Ms. Ando.
“ Aciaca’s? I need your cooperation. Walang lalayo at walang matigas ang ulo nag kakaintidahan ba? ”
“ Opo. ” tugon nila tsaka sumakay na sa bus.
“ Tabi tayo Andrey ah! ” saad ni Marcus habang nakaupo na.
“ Huh? Ah hindi, hindi may katabi na ako. ” huminto siya saglit tsaka tinignan ang katabing upuan ni Ruehan.
Nakita niyang pasakay na si Andrew kaya tinawag niya ito. ” Andrew? Tabi daw kayo ni Marcus. ” alam ni Andrey na hindi makakahindi si Andrew basta pag kadating Marcus.
“ Segi ba. ” nag mamadali itong umupo sa tabi ni Marcus. Natatawa namang umupo sa tabi ni Reuhan si Andrey.
Actually nasa likod lang sila nito. Tumingin si Andrey kay Ruehan na ikinataka naman ni Reuhan. Well sino bang hindi mag tataka kong tititigan ka ng isang tao. Awkward.
“ Ahm HAHA bakit ka sumama? ” wala nabang ibang matanong si Andrey bukod don?
Well nag mumukha lang siyang tanga sa tanong niya. ASA pa naman siyang sasagutin siya ni Reuhan malamang dahil activities nila iyon.
“ Tumahimik ka! ” matigas na saad ni Reuhan tsaka isinandal sa bintana ang ulo sabay lagay ng Head phone at pumikit.
“ Tsk! Nag tatanong lang naman ako anong masama don. Kainis talaga siya. ” pag mamaktol ni Andrey tsaka nag crossarms.
“ Andrey? Laro tayo? ” pag yaya ni Andrew tsaka umupo sa gitna nang daanan. Nag tataka namang tumingin ang mga kaklase niya pero nginitian lang niya ito.
“ Anong klaseng laro? ” nakakunot noong tanong ni Andrey tsaka umupo sa ibaba.
“ Spin the bottle ” tugon ni Andrew.
“ Okay ako mag papaikot ng bottle. ” saad ni Andrew tsaka inumpisahan nang paikutin ang bottle. Hindi lang silang tatlo ang nag aabang sa pag hinto ng bottle kun'di ang lahat ng kaklase nila.
Ilang Segundo ay huminto sa tapat ni Marcus ang bottle na ikinahiyaw ng:
“ Ohhhwwww ” sabay sabay na saad ng mga kaklase nila. Habang napakabigat naman ng mukha ni Marcus.
“ Well this the consequence. ” huminto muna sandali si Andrew tsaka nag iisip. Maya maya ay may naisip na kalukuhan si Andrew.
“ Sumigaw ka sa bintana ng PAKASAL NA TAYO ANDREW. ” natatawang saad ni Andrew na ikinatawa ng mga kaklase niya lalong lalo na si Andrey.
“ Ano? Ayoko! ” pag tanggi ni Marcus pero tinukso siya ng mga kaklase niya.
“ SISIGAW NA YAN.....SISIGAW NA YAN...” sabay sabay ng mga kaklase niya. Pumwesto na sa may bintana si Marcus ng pinatigil ito ni Andrew.
“ Bakit? ” inis na tanong ni Marcus.
“ Sa banda na maraming tao. ” dagdag ni Andrew na mas lalong ikina usok ng ilong ni Marcus.
Maya maya ay may natanaw nang bahay sa kalayuan si Marcus kaya nag handa na siya.
Nasa tapat na ang bus sa maraming tao at bahay si Marcus.
“ PAKASAL NA TAYO ANDREW!!! ” sigaw ni Marcus na ikinatili ng mga kaklase niya.
“ AHAHA ano ayos na? ” nakarole eye na saad ni Marcus kay Andrew. HAHA like bakit siya ganon ka galit it was just a dare.
“ Okay next! ” pinaikot uli ni Andrew ang bottle at katulad kanina nakaabang na naman ang iba pa nilang kaklase.
Maya maya ay tumapat sa gawi ni Andrey ang bottle.
“ OWHHH...... ANDREY....... ANDREY!! ” sigaw ng mga kaklase niya. Lakas maka vibes ni Andrey ahh...
“ Okay it's your turn Baby Andrey. ” Saad ni Andrew sabay haplos sa pisnge ni Andrey kaya tinapik ito ni Andrey.
“ Gisingin mo si Ice. ” apat lang na salita iyon pero natahimik lahat ng tao sa loob ng bus.
“ Ano? Baliw kaba? Ika nga nila MASAMANG GISINGIN ANG TULOG. ” makatarungan na saad ni Andrey tsaka tumingin kay Ruehan na nakasandal na ngayon habang natutulog.
Obvious namang takot si Andrey kay Reuhan pero sino ba si Ruehan para katakutan? Isa lang siyang hamak na tao na kamag anak ni Elsa.
Ilang minuto ay nahinto ang kanilang laro dahil nakaramdam sila ng antok.
Bumalik na sila sa pag kakaupo tsaka pumikit para matulog alangan naman para gumising diba. Mental na.
Naramdaman ng lahat na huminto na ang sasakyan kaya dinilat nila ng dahandahan ang kanilang mga mata.
“ Aciaca ’andito na tayo. Pick up all your things. ” saad ni Ms. Ando tsaka naunang lumabas. Nasa front seat kasi si Ms. Ando.
Isa Isa at dahan dahang lumabas ang lahat sa bus.
“ Aciaca’s? Tandaan niyo lage ang bilin ko! Cooperation is the most important! Cleared? ”
“ Cleared. ”
Nag pahinga muna lahat sa Venue. Iyong iba nag uusap, kumakain iyong iba naman excited ng umakyat sa bundok.
Ilang minuto ay isinuot na nila ang kanilang Appropriate Footwear tsaka inihanda ang kanilang mga sun protection. Alas tres sila nakarating sa Mount Banahaw kaya may sikat pa ang mainit na araw.
“ Acicas? May mga rescuers tayong kasama susundin niyo kung ano ang sasabihin nila dahil nakakabuti iyon. Cleared? ”
“ Cleared. ”
Nag umpisa ng umakyat lahat nong una mahirap pero nong nagtagal naenjoy din nila ang pag akyat. Maliban kay Andrey na dada ng dada. Well hindi kasalanan ng Guro kung tamad ang estudyante.
Well di naman mahirap umakyat dahil may nakalagay naman na lubid na maari nilang hawakan.
Na eenjoy ng mga studyante ang mga tanawin sa ibaba. Iyong hugis ng mga malalaking bato tsaka iyong kulay ng paligid parang nasa isang fairly tale, tsaka mga dwarf sila ni Snowhite.
Ang kaninang naliligayahan ay nakaramdam na ng pagod. Nakakapagod din palang mag enjoy.
“ Okay five minutes break. ” saad ni Ms. Ando. Umupo muna sila saglit tsaka uminom ng tubig.
“ Hindi ba pwedeng twenty minutes Ms.? ” tanong ng isang estudyante. Actually it's Lara Amor ang dakilang reklamador ng Aciasa na may tinatagong nararamdaman kay Reuhan.
Well she looks like a fool if she wanted to confess her feelings to him. Hindi intiresado ang isang Ice Ruehan sa kanya. Well base of my calculation lang.
“ Hindi! Hindi tayo pwedeng mag tagal aabutin tayo ng gabi. ” ika ni Ruehan tsaka uminom ng tubig sa Ecco bottle niyang dala.
“ Oo nga hindi tayo pwedeng mag tagal aabutin tayo ng gabi. ” nagulat si Andrey ng sinapak siya ni Marcus. Kunot noo naman siyang napalingon.
“ Ba’t mo'ko sinapak? ” kunot noo nitong saad tsaka hinihimas ang ulo. HAHAH well ganon talaga Andrey kapag ka tatanga ka.
“ O segi na kilos na aakyat na tayo. ” utos ni Ms. Ando tsaka nag handa nang tumayo ang iba. Habang nakasimangot namang tumayo si Andrey.
“ Anong mukha iyan Mr. Stephen? Ayaw mo bang umakyat? ” napansin iyon ni Ms. Ando kaya tinanong niya si Andrey.
“ Ah AHAH sinong may sabi? ” masigla niyang saad, tumawa naman ng bahagya ang mga kaklase niya nong nadulas ito.
“ Dahan dahan, ’di ka iiwan. ” panunukso ni Marcus tsaka tinapik ang kanang balikat nito.
• Andrey POV •
Woah!... Ang dito ngayon lang ako nakakita ng mala fairy tail na gubat. Ang gandang pag masdan mula dito sa itaas pababa.
Ang ganda seguro mag skydiving dito. Ang taas at nakakalula.
Naaalala ko tuloy ang Davao, namimissed ko na sila lahat. Hmmm ilang buwan na din hindi ako umuwi doon. Kumusta na kaya sina Mama, at Lola.
Ohmmmm seguro iyong mga nakatira dito tahimik na namumuhay. Hindi kagaya sa ibaba napaka gulo. Kunting pag kakamali gulo, hasyt.
Luhhh meron pa palang alitaptap!? Sa amin kase wala nang kumikislap gabi gabi. Nag sisilbi pa naman sanang liwanag iyon sa mga walang kuryente.
Minsan may mga bagay talagang kailangan iwan. Bakit mang iiwan, eh pwede namang hindi dumating. Kase iyong mga tao na madalas mong kasama at inaasahan mong sasama sayo kahit anong mangyari, sila pa ang mang iiwan.
Ang batong ito, puno ng lumot at kumikislap ang kulay, malamang may nakatira dito. Kung hindi diwata mga duwende. Naniniwala ba kayo sa mag sabi sabi tungkol sa mga maligno.
Alam niyo malaki ang sanlibutan at kung inaakala niyo na tao lang ang naninirahan dito nag kakamali kayo. Syempre tulad ng hayop AHAHA ’di joke nag papatawa lang ako AHAHA.
Katulad ng tikbalang, Ewan ko kong saan sila eksaktong umuuwi, kapre sa malalaking Puno, aswang sa Gabi, mga ‘di pangkaraniwang nga nagaganap na hindi naman dapat maganap.
Alam niyo iyon, kadalasan may mga naniniwala pa din don lalo na sa nga nakaranas. Tsaka sa lugar na ito malabong walang nakatira.
Alam niyo may kwentu ako, story telling muna tayo habang nakatitig sa isang magandang palamuti.
Nong nasa sinapupunan pa ako ng Mama, palagi siyang nagigising ng hating gabi, hindi niya alam kong bakit. Sa tuwing magigising siya mga kaluskus sa bubong ang kanyang mga naririnig.
Kaya dahil sa takot at pangamba ginising niya sina Papa at Lola. Kumuha ng maliit na garapa si Lola sa isang maliit na kaban.
Tinatanong siya ni Mama. “ Ano iyan Ma? ”
Ang sagot naman ni Lola. ” Huwag kang matakot Isa itong langis kapag kumukulo ito may ibig sabihin.
Iwinagayway ni Lola ang langis tsaka ang bilis kumulo. Maya maya ay nawala na ang kaluskus. Manggagamot ang Lola ni Lola noon, nong pumanaw ito hindi niya tinanggap ang pag kamanggagamot.
Naiintindihan iyon ng Lola niya. Kaya lahat ng mga gamit ng Lola niya ay inilagay sa isang kaban. Kung kinakailangan pwede namang gamitin kahit hindi ito tinanggap ang kapangyarihan.
Kinabukasan non nabalitaan namin na lumipat iyong isa nilang kapit bahay na pinag hihinalaan nila.
Kaya kahit ako na hindi pa nakakakita naniniwala ako. Tsaka kapag galing sa ninuno ang mga kwentu dapat pag katiwalaan.
Dahil sila mas nakakaalam. Iyang mga aswang, tikbalang o kahit ano huwag niyong saktan para hindi kayo samain.
“ ANDREY!!!! ”
“ ASWANGGGGGGGGG..... ” bwesit na Marcus.
“ Anong aswang? Aswangin mo sarili mo! ” natawang ani niya. Ayos na sana kong siya lang ang nakarinig eh boung classmates ko.
“ Takot ka sa aswang? ” natatawang tanong ni Adrian, ang sekretarya namin.
“ Hindi. ”
“ Eh bakit ka sumigaw ng aswang anong nasa isip mo? ” tanong niya uli. Imbestigador ba siya?
“ Hindi ako takot sa aswang, ayoko ko lang makakita. ” chill kong saad tsaka nauna ng lumakad.
Nakita ko sa ‘di kalayuan si Ruehan kaya nilapitan ko siya.
“ Ruehan? ” */ click.
“ Burahin mo iyan. ” matigas niyang saad tsaka tumingin ng masama sa cellphone.
“ Huh? Bakit ang ganda kaya ng pag kakakuha, tsaka memories ito dito. ”
“ House Bill No. 3548 o Anti-Intrusion of privacy bill. Hindi ka pwedeng kumuha ng litrato kong walang pahintulot. Maari mo itong pag bayaran ng danyos at makulong, depende sa privacy na nilabag mo. ” makahulugan niyang salaysay.
Tsk may batas bang ganon? Parang wala narin palang walang kalayaan ang mga tao na kumuha ng litrato sa mga nagustohan nila. Hindi ata ito pwede.
“ Ruehan? Kung bawal na ang pag kuha ng litrato na walang pahintulot ipagpalagay natin na wala palang kalayaan ang mga tao/ ako na kumuha ng litrato sa lugar na nalilibangan? Hindi ba unfair? ”
“ Anong unfair? Mahalaga ang privacy. May mga kaso na naganap tulad ng pag kuha ng mga malalaswang litrato ng mga random na tao sa isang tao. Hindi ba dapata aksyonan iyon? ” sagot niya sa akin.
“ Paano kung lugar ang gagamitin? Tulad nito? Saan kami/sila mamamaalam na pwede bang kumuha ng litrato? Naiisip mo ba iyan? ” makatarungan kong saad sa kanya.
“ Gumawa ka ng sariling batas. ” iyan lang ang isinagot niya tsaka lumakad.
Ah basta kong may batas sila, may batas din ako.
“ Andrey? Dito ka pakuha tayo ng litrato Kay Andrew. ” Tawag ni Marcus. Mabuti pa.
“ Okay Andrew? Dapat gwapo ako ah. ” paniniguradong saad niya kay Andrew. Ay sus kahit lagyan ng filter camera niya eh ganon parin mukha niya.
“ Oh heto na. ” binigay ni Andrew kay Marcus ang cellphone nito.
Kunot noo namang nakatingin si Marcus sa kuhang litrato ni Andrew.
“ Anong problema? ”
“ Andrew!!! Humanda ka.... ” sigaw ni Marcus tsaka hinabol si Andrew. What a sweet friends ohw.....
“ Okay? Lestin mag aalas singko na dito tayo nalang mag papalipas ng gabi, lahat ng shelters ilabas na. ” utos ni Ms. Ando.
Ah AHAHA anong malay ko sa pag symbol nitong shelter?!.
“ Ah Reuhan? Ang ganda ng shelter mo ah.. ” AHAHW paano ko sasabihin na kailangan ko tulong niya?.
“ Anong kailangan mo? ” tanong niya pero nakatingin lang sa binuo n'yang shelter. Isa nalang para tuluyan ng tumayo ang binubuo niyang shelter.
Nag taka ako nong binaling niya ang tingin sa shelter ko na nakasalampag pa sa lupa.
“ Anong tinitingin tingin mo? Tulungan mo ako. ” AHAHA sabi ko na nga ba ehh saviour ko ito.
~
“ Daddy my flight was on Saturday morning make it ready daddy. ” tila nakakatakot na boses ang pinakawalan sa kabilang linya.
“ Of course ejo. My plans was planned. ” ngising demonyo ang ipinalabas naman sa kabilang linya.
“ See you there daddy. ” tsaka pinatay ang tawag.
“ Boss? Are you sure about your plan? ” tanong ng kanang kamay nito.
“ Are questioning about my plan? ” naiiba ang boses nito.
“ Nope. Escuse me Boss. ” nag paalam na ang kanang kamay nito tsaka lumabas sa office.
“ Im just in the middle of this game. ” ngising demonyo nito tsaka lumakad.