•| DEFENDING |•
“ Hoi? Saan ka natulog kagabi? ” tanong ni Alfie nong makita ni,ya si Andrey sa Memorial Circle na nakatayo.
Nag aalala ng subra si Alfie buhat nong hindi pag uwi ni Andrey ng isang gabi. Sinong mag aakala na ganon kalaki ang impact ni Andrey sa kanila.
Buong gabi ring hindi nakatulog si Alfie dahil sa pag hahanap, nangako siya kay Calli na hindi siya uuwi hanngat ‘di niya nahahanap si Andrey.
Madaling araw na nong nakita niya si Andrey na nakatayo habang nakaharap sa Memorial circle.
“ Huh? Hindi wala HAHA.. Inikot ko lang itong memorial ang ganda pala no? ” but Andrey is not good at lying. Alfie caught him with his eyes telling that he's not okay.
“ Andrey? Sayang at hindi ka marunong mag sinungaling. Ibig sabihin hindi ka natulog buong gabi? At dito kalang nakatayo hanggang sa mag umaga? ” taas kilay na tanong ni Alfie habang sinapak ang braso ni Andrey.
“ Ohmmmm hindi ka rin pala mabilis mabula ” naka nguso nitong saad at lumakad na, sumunod naman sa likod si Alfie.
“ Alam mo ba na buong gabi hindi rin mapakali si Calli dahil nag aalala siya sayo? ” napabaling naman si Andrey sa narinig mula kay Alfie.
Nag aalala? Seguro dahil sa sinabi ng magulang nito sa kanya o di kayay nag alala dahil malapit na sila sa isat isa at kung tutuusin para na silang mag kapatid.
“ Oo nga pala Alfie nakahanap na ako ng bahay na maririntahan, malapit lang din naman sa Ateneo. Baka sa makalawa lilipat na ako ” nag tataka namang napatingin si Alfie sa kanya.
Bakit naman siya lilipat kong ayos naman don, nag tampo ba siya sa mga masasakit na narinig niya mula sa magulang ni Calli?
O baka napag tanto niya na kailangan na niya ng makahanap ng malilipatan dahil naka abala na siya sa iba.
Masakit ang mga salitang iyon, at kahit ngayon hindi parin iyon nawala sa puso ni Andrey maybe in his mind but on his heart it's still there.
“ Ano? Bakit ka lilipat? Hindi ka naman namin pinaalis ah! Look Andrey about last night I'm very sorry, pero hindi mo kailangang umalis dahil lang don. Malulungkot si Calli lalo na't kamakailan trinato ka na niyang nakakabatang kapatid ” nag susumamo ang boses ni Alfie nong sinabi niya iyon.
Parang gusto niyang ma konsensya si Andrey sa sariling salita.
On this past few months nag bago ang pakikitungo ni Calli kay Andrey tulad ng sinabi ni Alfie kapatid na ang turing nito.
“ Eh ikaw? Malulungkot kaba? ” sinubukan niya si Alfie kung gagana ba.
“ Tsk! Asa ka! ” Alfie's rolled his eyes, and that's Andrey make his laugh.
Kahit na ganon si Alfie he know himself that he misses if Andrey left thier house already.
Sino bang hindi dba? Wala nang makulit na mangungulit, Wala nang tutukso sa kanya either.
“ May pasok tayo diba? Kaya tara na! ” saad ni Alfie at nauna ng lumakad.
~
“ Andrey? Saan ka ba nag susuot? Alam mo bang nag aalala ako ng husto sayo? ” nag aalalang boses ang bumungad kay Andrey nong pumasok ito sa bahay.
“ Huh, ako? Ah Inikot ko lang ang Memorial Circle HAHAH ang ganda pala ano? ” ngumiti siya habang saad iyon para maibsan man lang ang pag aalala nila lalo na si Calli.
Hindi ma attempt na makita ang ibang tao na mag aalala sa kanya, kaya mas lubos niyang naisip na umalis sa bahay para wala ng maisturbo kong sakaling may mangyari sa kanya na masama.
“ Alam mo ba na walang tulog si Alfie mahanap ka lang! ” napalingon si Andrey kay Alfie na gumawa ng caffe para sa kanya, hindi nito narinig ang pinag usapan dahil nasa kusinola ito.
“ Talaga? Hindi siya natulog? Buong gabi talaga? ” reaksyon ay di makapaniwala.
Nagawa tlaga iyon ni Alfie para lang mahanap siya? Hindi bat para nakaka abala na siya ng husto? Dahil seguro parti na siya ng pamilya kaya ganon.
Pero hindi iyon inakala ni Andrey na hahanapin siya buong gabi at hindi man lang natulog.
Kapatid narin kaya ang trato ni Alfie kay Andrey?
“ Heto na. ” nilapag ni Alfie sa mesa ang caffe na ginawa nito para kay Andrey.
“ Papasok kaba ngayon? Wala ka sa kondesyon, mag pahinga ka muna e-excuse nalang kita sa lahat ng teacher. ” mahabang sabi ni Calli.
Andrey's sighed and give her a precious smile.
“ Hindi. Ayos lang kaya ko namang pumasok. ” kinumbinsi niya ito gamit ang nakakaumay niyang ngiti. Na parang batang nag susumamo.
“ O segi ”
~
“ Andrey, Andrey, bakit parang matamlay ka? May iniinda kaba?” may pag aalalang tanong ang bumungad kay Andrey nong pumasok siya sa Class Room.
Napalingon si Ruehan sa tanong ni Marcus kay Andrey. Hindi ba umuwi si Andrey kagabi at buong mag damag siyang nakatayo sa Memorial circle. Iyan ang nasa isip ni Ruehan.
“ Ah AHAHA ako? Ayos lang ako may lagnat lang ako kun-”
“ Andrey? ” nagulat si Marcus ng biglang nawalan ng malay si Andrey. Napatayo ang lahat sa pang yayari pati narin si Ruehan.
“ Tabi! ” isang malamig na boses ang kanilang narinig na nag papa tabi sa kanilang lahat.
“ Tumabi kayo. ” pag ulit ni Marcus, nag aalalang niyang niyug² ito.
Hinawakan ni Ruehan ang bandang pulso ni Andrey para mabatid kong bakit ito nahimatay.
“ Over- ”
“ Over fatigued. ” saad ni Marcus.
“ Dalhin natin siya sa clinic. ” saad ni Marcus tinulungan nilang akbayin si Andrey. Dahan dahan nilang ipinahiga ito sa kama.
“ Aalis ka? ” tanong ni Marcus nong makita niyang tatalikod na sana si Ruehan.
Walang emosyong bumaling si Ruehan kay Marcus sabay tango.
“ Salamat sa tulong mo sasabihin ko sa kanya na tumulong ka. ”
“ Hindi na. ” mabilis nitong tanggi tsaka tuluyan ng lumabas sa clinic.
• Andrey POV •
Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong sumakit. Unti unti kong iminulat ang aking mata, blurred ang mga nakikita ko at may tatlong tao akong nakitang naka upo sa gilid ng kama.
Kinusot ko ang aking mata at bumangon.
“ Ohoiiii????? Anong ginawa niyo dito? ” pinilit kong siglahan ang boses ko para hindi halatang nang hihina ako. Baka kase hindi nila ako payagan na umalis maabala ko pa sila ng husto.
“ Gising kana? Ikaw anong ginawa mo dito? ” pabalik na tanong ni Alfie sabay kunot noo. Sus itong isang ito! Iboboking na naman ako kay Calli tsk! Kainis.
“ Ahah, ako? Humiga, nakita mo namang kagigising ko lang diba? ” sakristik kong saad sabay role eye.
“ Nahimatay ka baliw! Tsaka ililibre mo‘ko dahil ambigat mo! ” huh? Bunuhat niya’ko. Tsk sa payat niyang iyan kinaya niya akong pasanin? Kun’sabagay mabait naman talagang siyang kaibigan.
“ Over fatigued ka Andrey. Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag ko munang pumasok? ” nag aalala na naman si Calli sa’kin paano ba ako makabawi sa kanila. HAYST.
Nag labas ako ng buntong hininga bago mag salita ” ” Ayos na’ko seguro dahil ito ka gabi tsaka ayos na ako HAHAH ”
“ Manhid kaba? Ba’t nakapag tawa kapa sa kondisyon mong iyan? Ano ka bakal? ” Manhid? HAHAH may tao bang ganyan? Seguro kong meron man nasasaktan din sila. May Manhid din dahil nasasaktan na ng husto at dahil sa manhid ine-enjoy nalang nila ang sakit.
“ Alfie? Alfie? Masyado kang halata, ayos lang ako bumalik na kayo sa room niyo. Calli? Ayos lang ako kaya please, huwag ka ng mag alala. ” gamit ang pag mamakaawa kong mukha upang hindi na siya mag aalala sa’kin.
Nagulat ako nong tumawayo siya sabay hawak sa kamay ko. ” Hindi, uuwi tayo hindi ka ayos! Naiintindihan mo ba ako? ” mas lalo akong nakaramdam ng konsensya nong marinig kong umiba ang boses niya.
Umiyak siya? Ga..non... ang..pag a..a..la..la n..iya sa a..kin.?
“ Calli? Calli? Ayos na ako huwag ka ng mag aalala tsaka pinapangako ko kapag pinatulo mo iyang luhang nag babadyang lumabas sa mata mo hindi ako mag papalakas. ” bigla niyang pinahid ang isang butil na tutulo na sana sa pisnge niya.
Napangiti ako sa ginawa niya tsaka tumingin kay Alfie na naka poker eyes. HAHA nag aalala lang ito ehh.
“ Calli? May tanong ako. ” gusto kong bumawi kahit man lang sa simpling corney.
“ Ano iyon? ” naron parin sa kanyang boses ang basag pero pinigilan lang niya ito.
“ Ano ang tawag sa mais matapos mag papakilala? ” tanong ko. Nakita kong nag iisip si Calli pati narin sina Marcus at Alfie. Akala naman kasali sa sasagot.
“ Hindi ko alam ehh ano ba? ” nag hihintay na tanong ni Calli, pati narin ang dalawa.
“ Edi mais to meet you. ” tumawa ako ng tumawa hanggang sa napag tanto kong ako lang pala ang tumawa */pout.
“ Ah AHAHA corney diba? ” nag alinlangan kong sabi. ” Ah segi bumalik na tayo sa room natin HAHA.
“ Talaga? Ayos ka na talaga? ” paniniguradong tanong ni Calli nong nasa lobby na kami.
“ Opo, pasok na ako segi Calli ” kumakaway akong papalayo sa kanila habang ngumingiti. Hanggang nasa lobby na kami ng classroom namin ni Marcus.
“ Andrey? Ayos ka na talaga? ” Isa pa ito. Well hindi ko naman kasalanan kong ganito sila kong mag aalala. Sa gwapo kong ito tsh tsj.
“ Oh Marcus kumusta si Andrey? ” tanong ni Andrew kay Marcus tsaka bumaling sa akin. ” Ah kumusta ka pala Andrey? ”
“ Ah HAHA ayos na namn kunting pahinga lang ” ngumiti ako sa kanya tapos umupo na. Nilingon ko ang upuan ni Ruehan at nakita ko siyang walang emosyon na nag babasa ng libro.
Hmmmm!? Tungkol sa Cops? Mahilig siya sa mga ganyan? Eh hindi ba mahirap manghuli ng mga criminal? Tsk. Paano naman niya iyon gagawin.
“ Class lestin! We have an activities. It's your performance on PE. We do hiking in the mountains of Banahaw. ” saad ni Ms. Ando. Siya ang PE teacher namin ang bait niya sa'min, tsaka maganda HAHA.
“ Ma'am kailan natin iyan gagawin? ” may excited sa tono nito, tsk anong maganda sa hiking? Nakakapagod kayang umakyat ng bundok tsk.
“ Bukas ng Umaga tayo mag arrived sa Bundok Banahaw. Bukas ko nalang sasabihin ang mga dapat dadalhin. ” tapos ay nag paalam ng umalis, tsk ano kaya kong hindi ako papasok bukas?
Nakita Kong bumalik si Ms. Ando hmmm baka may nakalimutang sabihin.
“ Yong hindi makiki participate hindi makakapasa. ” hano? Tsk. Si Ms. Ando kahit mabait pero ang higpit.
“ Andrey? Ano excited kana bukas? ” hasyt sino namang ma e-excite bukas? Nakakapagod kayang umakyat tsk.
“ Ewan sana lagnatin ako bukas. Aray! Bakit mo’ko binatukan? ” kunot noo kong tanong sabay hawak sa ulo ko.
“ Gusto mong lagnatin? Nababaliw kana talaga! ”
“ Oo na hindi na. ” sakit ng ulo ko, nag bibiro lang naman ako bakit ang seryuso niya */ kunot noo.
~
Habang nag lalakad sa may lobby may nakita akong tatlong lalaki behind sa may hagdanan parang may kaaway sila.
Galing ako sa Cr kanina.
“ Ano bang nagustohan ng mga babae sayo! ” galit na saad ng lalaki. Sino bang kaaway nila at parang gusto na nilang manakit.
“ Alam mo ba walang ibang bukang bibig ang girlfriend kun'di ikaw! ”
“ Ano bang meron sayo! ”
Lalakad na sana ako ng makita kong nakasalmpag sa sahig si Ruehan.
“ Ruehan?!! ” sigaw ko at tsaka lumapit sa gawi niya tsaka tinulungan ko siyang tinayo.
“ Anong ginawa mo dito? Umalis kana! ” saad niya habang hawak² ang sikmura niya.
“ Kayo? Anong problema niyo? ” kunot noong tanong ko sabay turo sa tatlo.
“ Ikaw? Sino ka? Pakialam mo? Gusto mo bang madamay? ” taas kilay‘ng tanong nong Isa.
“ Tsk! Narinig ko kanina dahil kay Ruehan kaya kayo nag kalabuan ng girlfriend mo! Kasalanan niya ba na mas magandang lalaki siya kay'sa sa iyo? At bakit ano naman sayo kong habulin siya ng mga babae? ” makatarungan kong saad sa kanila. Hawak ko parin ang kanang balikat ni Ruehan para may balanse siya.
“ Naalala ko pangalan mo! Hindi ba Section A ka? Andrey Nikki Stephen? Tsk! Gusto mo rin bang masikmuraan huh?! ” galit niyang sigaw sa'kin.
“ HAHA! Ang tunay na lalaki hindi nanakit ng lalaki dahil lang sa nagustohan siya ng gusto mo! Baka maliit iyang sayo! ” hindi ko alam kong bakit ko iyon nasabi pati si Ruehan napatingin sa'kin. Napatingin din ang tatlo sa ibaba nila HAHAH.
“ Fu*k you! ” galit nitong saad tsaka binangga ako nong umalis na sila. Hmmm seguro nga talaga.
“ Ah Ruehan? Halika na tulungan kita. ” ani ko tsaka ngumiti hindi naman siya nag reklamo hanggang sa nakarating kami sa Room. Sampo lang kaming nasa Room dahil break namin. Wala si Marcus dahil nasa Library siya, wala rin si Andrew baka sumama na namn iyon.
Pinaupo ko na si Ruehan sa upuan niya ng dahan dahan, tumingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin. Nahihiya ba siya dahil tinulungan ko siya?.
“ Ayos kana? Kamusta? Bakit sila galit sayo? ” tanong ko pero umiwas lang siya ng tingin at may kinuha sa bag na libro. Ayan na naman siya nag babasa na naman siya ng libro. Hayst!
Tumayo na ako ng nag salita siya ” Salamat ” parang nabingi ako sa sinabi niya.
“ Huh? Ulitin mo nga? ” kunot noo kong tanong at nilagay sa may tainga ang kanang kamay ko at lumapit ng kunti sa kanya.
Napanguso ako ng tinigan niya ako ng masama, oh ayan na naman siya.
“ Ah HAHA oo narinig ko walang anuman. ” nakangiti kong saad tsaka tumabi sa upuan nya, kunot noo naman siyang tumingin sa akin.
“ Ah HAHAHA curious kase ako sa binasa mo! Bakit mahilig ka niyan, tapos hindi mo makuhang ipagtanggol ang sarili mo kanina? ” tsk Tama naman diba? Anong silbi ng binasa niya.
“ Hindi ako pumapatol sa makikitid na utak. ” walang emosyong saad niya tsaka tumingin sa akin, sa wakas tumitingin na siya sakin habang nag sasalita.
“ Ah HAHAH ahm may tanong pa-
“ Andrey? Andrey? ” hasyt kainis naman itong dawalang ito! Lumapit silang dalawa sa akin habang habol hininga.
“ Ano? ” inis kong tanong sa kanila.
“ Si Calli n-
“ Anong nangyari kay Calli? ” may pag aalalang tanong ko kay Andrew.
“ May umaway sa kanya! ”
“ Ano? ” Dali dali akong lumabas sa room namin tsaka tinakbo ang isang palapag papuntang room ni Calli. Asan ba kase si Alfie.
“ Tama na Sandra ” naabutan kong inawat ng isang lalaki at ang babaeng hahablutin na sana ang buhok ni Calli.
Kaya Dali dali akong pumunta sa kinaruruunan niya.
“ Calli? Anong nangyari? ” hinawakan ko ang dalawang balikat niya at pinaharap sa'kin. Umiyak siya?
“ Oh nanjan na boyfriend mo! Ba't ‘di ka mag sumbong? ” mataray na saad ng babae habang hinawakan nitong Isa.
“ Tara na. ” umiyak na saad ni Calli at lalakad na sana kami ng magsalita siya uli.
“ HAHA kagaya pala sayo ang boyfriend mo! Mahina. ” natatawang saad nito. Anong problema nito.
“ Tumigil ka! Hindi niya ako boyfriend! Ate ko siya kaya tumahimik ka kahit babae ka papatulan talaga kita! ” galit kong sigaw! Saktan nalang nila ako, saktan nalang nila lahat huwag lang si Calli at ang taong mahal ko.
“ Tama na halika na Andrey. ” nanghihinang saad ni Calli. Nakita kong nag pupumiglas pa iyong babae dahil sa hawak ng lalaki pero hindi siya nag tagumpay.
“ Sa mental niyo iyan dalhin. ” huling saad ko tsaka umalis.
Nandito kami ngayon sa Canteen kasama si Alfie at sina Marcus.
“ Ayos ka lang Calli? ” pag aalo ni Alfie kay Calli. Anong problema ng babaeng iyon.
“ Ano ba ang nangyari? ” kunot noong tanong ko. Nakita kong pinahid ni Calli ang luha niya.
“ Ang butiking iyon! Bakit kase sa dinami daming lalaki bakit siya pa iyong natipuhan mo? ” inis na turan ni Alfie at hinampas ang lamesa.
Napatingin lahat ng mga tao sa canteen pero binaliwala nalang namin sa halip ay sina Marcus at Andrew ang humingi ng depensa.
“ Teka? Ibig sabihin iyong lalaki kanina? ”
“ Tama! ” saad ni Alfie. Tjk! Ang lalaking iyon! Ang babae pa talagang iyon ang kinampihan niya eh nakita niya namang dihado si Calli kanina!
“ Hindi ba alam ng babaeng iyong ang batas ng paninirang puri? ” inis kung saad tsk!