• BIRTHDAY PARTY •
Abala ang lahat sa pag hahanda ng masigabong kaarawan ng nag iisang taga pag mana ng Reuhan family.
Lahat abala sa kani-kanilang gawain, hindi man sang ayon sa si Ruehan sa gagawing pag hahanda pero wala siyang magawa dahil since malaki na siya at nasa tamang edad, kinakailangan niyang makipag halubilo sa ibang negosyante. Dahil sa ayaw at gusto niya siya lang ang pwedeng pag iwanan ng lahat ng kayamanan ng kanyang Pamilya.
Maya maya ay nag pahinga muna ang mga manggagawa. Nong pumasok na si Leo ay bigla silang napa balik sa kanilang mga ginagawa.
“ Ayos lang, mag pahinga muna kayo. ” nakangiting saad nito sa mga manggagawa. Lumapit si Lufi sa gawi nito dala ang isang balita na kinakailangan nitong malaman.
“ Boss? Pwede ba kitang maka usap? ” pag hingi nito ng pirmiso. Tumango ito habang sininyasan ang mga manggagawa na mag pahinga na muna.
Pumasok ang dalawa sa office. May office si Leo sa bahay nila.
“ Sa magaganap na party mamayang gabi malakas ang loob ko na may hindi magandang mangyayari, kaya kailangan natin mag doble ingat boss. Base sa tauhan natin kumikilos narin siya. ”
“ Isa lang ang paraan nito, NO INVITATION CARD NO ENTRY. Ikaw ng bahala sa lahat, huwag kang masyadong lumapit sa akin mamaya. Alam mo na. ” saad ni Leo.
[ CHANGE POV ]
“ Andrew? Gusto mong sumama? ” tanong ni Andrey. Nasa sala sila ngayon nag uusap tungkol sa assignment nila.
“ Saan? ” takang tanong ni Andrew.
“ Mamayang gabi, sa kaarawan ni Reuhan. ”
“ Imbitado ka? ” gulat na tanong ni Andrew.
“ Syempre ako pa. Mag kaibigan na kaya kami. ” pag mamayabang nitong saad.
“ Oh ikaw lang naman pala ang inimbita bakit pa ako sasama? ” kunot noong saad nito habang hawak hawak ang libro.
“ Nag paalam na ako kay Reuhan na isasama ko ang dalawa kong aso ayon puma- ”
“ Anong sinabi mo? ” saad ni Andrew tsaka hinabol ang tumatakbong Andrey.
Kahit papano si Andrew may kasama na sa bahay, hindi kagaya ng dati na mag isa lang siyang kumakain, tumatawa ‘pag may naalalang nakakatawang bagay.
Pero ngayon may tao na siyang nakakasama, kahit minsan hindi niya inaakala na magiging ganito sila ka lapit ni Andrey. Noon pinapangarap lang niyang mag karoon ng kaibigan, iyong pang matagalan at mapag katiwalaan.
Nong una nakita niya iyon kay Marcus pero pakiramdam niya ang layo niya parin para maabot ang isang Marcus Sanchez.
“ Oo na susuko na. ” pag suko ni Andrey tsaka umupo ulit.
“ Pero anong pinag usapan niyo ni Ruehan nong nakaraang araw ha? ”
“ Ah wala lang iyon, pinag uusapan lang namin iyong kaarawan niya. ” tugon ni Andrey.
• Calli POV •
“ Calli? Tara na! ” sigaw ni Mommy mula sa baba. Nandito ako ngayon sa taas nag bibihis dahil pupunta kami sa birthday party ni Ice. Kasama din si Alfie, sana inimbita rin ni Ice si Andrey.
Sana nga, namissed ko na ang mga ngiti niya balang araw mag sasama din tayo ulit sa iisang bahay. Ikaw si Alfie at ako */ngumiti.
Pag katapos kong mag ayos ay bumaba na ako, nakita kong nag hihintay na pala silang tatlo sa akin.
“ You look so beautiful Calli. ” compliment ni Mommy sa akin. Nginitian ko lang siya ng mapait tsaka nauna ng umalis.
Hindi ako sa galit sa kanya pero hindi parin nawala sa akin iyong mga masasakit na salita na binabato niya kay Andrey. Iyong ginawa nila kay Andrey hinding hindi ko sila mapatawad.
“ Ahm Calli dito ka sa kotse namin sumakay. ”
“Kay Alfie nalang. ”
“ Ca- ” ‘di paman siya natapos ay sumakay na ako sa kotse ni Alfie. Hindi kaya ng sikmura ko ang makisabay sa kanila. Pakiramdaman ko kapag kasama ko sila tina-traydor ko si Andrey.
“ Calli? Ayos ka lang? ” tanong sa'kin ni Alfie habang nag da-drive.
“ Ayos lang. ” tugon ko.
“ Anong iniisip mo? ”
“ Naisip ko nitong mga nakaraang araw sa University nag kakalapit na sina Ice at Andrey. ”
“ Ayaw mo ba non? ”
“ Hindi, hindi iyon. Tingin mo may pag asa bang inimbita niya si Andrey? ” saad ko, napaisip siya saglit bago nag salita.
“ Seguro. ” sagot niya.
Nag labas nalang ako ng buntong hininga tsaka tumingin sa mga nadadaanan. Sana nga andon ka, sana inimbita ka niya.
[ FAST FORWARD ]
Marami ng nag labas pasok sa Birthday Party ni Ruehan, tulad ng napag usapan nina Lufi at Leo “ NO INVITATION CARD NO ENTRY ”
Maya maya ay pumarada na sa parking lot ng The Arton ang sasakyan ni Andrew, sakay si Andrey.
“ Nandito na tayo. ” saad ni Andrew, nag taka siya kung bakit hindi kumibo si Andrey kaya kunot noo niya itong nilingon.
“ ANDREY!!! ” sigaw niya na siyang ikagulat ni Andrey.
“ Ba't ka sumigaw? ” pag tatakang tanong ni Andrey.
“ Nandito na tayo, natutulog kaba? ” parang natatawang saad ni Andrew tsaka nanunang lumabas.
Kunot noo naman ding lumabas si Andrey sa sasakyan habang inilibot ang tingin.
“ Ang daming nakaparadang magarang sasakyan, marami din kayang tao sa party ni Reuhan? ” pag sasalita ng kanyang isip.
“ Andrey tara na! ” pag hila ni Andrew kay Andrey.
“ Ay oo na, bakit kaba kase nag mamadali. ” pag mamaktol ni Andrey tsaka lumakad na.
Marami silang mga nakakasakubong na tao na sa hula nilang dalawa puro mga mayayaman.
“ Andrey? Tingnan mo iyan. ” sabay turo sa isang babaeng nakatayo .
“ Ang ganda ‘dba? ” dagdag ni Andrew. Napangiwi nalang si Andrey tsaka nag patuloy sa pag lalakad.
Nasa entrance na sila at papasok na sana sila ng hiningan sila ng invitation card.
“ Invitation card? Hindi ako binigyan ni Reuhan pero siya iyong nag imbita sa'min dito. ” saad ni Andrey.
“ Ah pasensya na pero mahigpit na ipinag babawal ni Boss Leo na kung walang dalang invitation card, hindi makakapasok. ” saad ng guardya.
“ Pero si Reuhan naman kase ang nag imbita sa amin. ” pag sasamo ni Andrey pero epic failed.
Kaya sumuko nalang silang dalawa tsaka tumalikod na. Sa pag talikod nila nahagilap nila ang paparating na Calli at Alfie.
Nong mahagilap ni Calli sina Andrey ay bigla itong napangiti.
“ Andrey? Inimbita ka rin ba ni Ice? ” masayang tanong ni Calli tsaka sabik na niyakap ito.
“ Ah HAAHHA oo sana kaso...kaso wala kaming invitation card kaya hindi kami makakapasok. ” nang hihinayang nitong sagot.
“ Calli? Let's go, ijo? Mauna na kami tsaka umuwi kana rin huwag mo ng ipagpilitan ang sarili ko dito, hindi ka dito nababagay! ” pag uumpisa ng Ina ni Calli.
“ Mom? Hayaan mo na si Andrey, tsaka hinaan ko iyong boses mo! Ang daming tao nakakahiya. ”
“ Bakit? Masama bang malaman ng lahat? Na kapag mahirap hindi nababagay sa ganitong event. Kaya ikaw? ” sabay turo kay Andrey. ” umuwi kana kung saang basurahan ka ngayon nakapwesto! ” dagdag nito.
“ Ma'am sobra naman po kayo, with out due respect ah. Required ba talagang maliitin ng mga mayayaman ang mga nasa mababang antas? Andrey is not a poor. He's rich, richer than you.
“ Mayaman siya sa lahat ng pag mamahal, respeto, pag kalinga, lahat. Kaya kong hindi niyo kayang ibigay ang respeto sa kanya, respetuhin mo ang estado niya. ” mahabang lentinya ni Andrew tsaka hihilahin na sana si Andrey na kanina pang nakayuko, nang dumating sina Leo at Reuhan.
“ Mr. Leo? Ohw god Happy birthday Ice. ” pag bati ni Melisa kay Ice sabay beso.
Sa banda naman nina Andrey.
“ Halika na Andrew, hind tayo nababagay dito. ” mahinang saad ni Andrey tsaka lumakad na. Hindi pa man siya nakalayo ng may tumawag sa kanila na pamilyar ang boses.
” ANDREY? ANDREW? ” sigaw ni Marcus sa hindi kalayuan. Kaya pareho silang napalingon.
“ Saan kayo pupunta? Tara pasok na tayo. ” pag yaya ni Marcus.
“ Ah ikaw nalang! Wala kaming invitation card tsaka takot ako sa mga mayayaman. ” saad ni Andrey.
“ Andrey? Ano pang ginagawa niyo dito? ” nag tatakang tanong ni Leo.
” Mr. Leo. ” wala sa sariling sambit ni Andrew.
“ Mr. Nee? Bakit hindi ka sumabay sa mga magulang mo? ” tanong ni Leo.
“ Ah nandon po ba sila sa loob? ” pabalik tanong ni Andrew.
“ Oo kani-kanina lang. ” tugon ni Leo.
“ Tara? Kanina pa nag hihintay si Ice sayo. ” saad ni Leo.
Nasa entrance na sila nong biglang may tumwag kay Leo kaya nag paalam na muna ito saglit.
“ Stuck na naman ba tayo dito sa labas? ” natatawang saad ni Andrew.
“ Andrew? Negosyante rin din ba ang mga magulang mo? ” may pag aalalang boses ni Andrey.
“ Oo, pero hindi sila nang mamaliit, mabait din sila. Alam mo wala kang dapat ipag aalala hindi ka nila papalayasin sa bahay. ” natatawang saad ni Andrew.
“ Bakit hindi kayo mag kasama sa isang bubong? ”
“ AHAHAH alam mo matatawa ka sa sasabihin ko. Gusto kase nila akong matutong mabuhay na mag isa, nang daw pag wala na sila kaya ko ng alagaan ang sarili ko. Kaya binilhan nila ako ng Apartment. Lahat ng gamit ko sa bahay nilipat na nila don. ”
“ Tsaka ni kahit matulog ako ng isang gabi sa bahay namin, hindi sila pumayag normal paba iyon? ” tanong ni Andrey.
“ Abay iwan. ” kibit balikat na saad ni Andrey.
“ Hoy? Narito parin kayo? Wala kayong invitation card kaya umalis na kayo. ” pag taboy ng isang gwardya.
“ Sandali lang kase i- ”
“ Mga kaibigan ko sila. ” isang malamig na boses ang narinig nila mula sa paanan ng Entrance Hall.
“ Ah Sir. Ice wala po silang in-” naputol ang sasabihin nito ng mag salita si Reuhan.
“ Hindi na nila kailangan ng imbitasyon. ” saad ni Reuhan kaya dumistansya naman ang dalawang gwardya.
• Andrey POV •
Wow! Ang ganda dito sa loob. Kaso parang napansin ko sa'kin lahat ng paningin ng mga tao. Ganon naba talaga ako ka gandang lalaki?
“ Anong iniisip mo? ” tanong ni Andrew. Nasa isang table kami ngayon nakaupo kasama si Marcus.
“ Wala HAHAH oo nga pala Marcus nandito rin ang magulang mo? ” tanong ko kay Marcus.
“ Ah oo si Daddy iyon oh. ” sabay turo niya sa isang may edad na lalaki na may kausap ring may edad na. Seguro negosyo ang kanilang pinag usapan.
“ Ah Marcus? Ang Mama mo? Wala? ” tanong ni Andrew. Bale na sa gitna ako naka upo tsaka silang dalawa nasa gilid.
“ Si Mama, labing tatlong taon ng patay. ” mapait na sambit ni Marcus. Kung ganon? Wala na siyang Ina?
“ Ah pasensya na. ” pag hingi ng pasensya ni Andrew.
Maya maya ay lumapit sa gawi namin si Reuhan tsaka umupo sa katabing upuan ni Andrew.
“ Kumain na kayo! ” saad niya. Oo nga pala may regalo pala akong ibibigay sa kanya. Ah mamaya nalang seguro.
“ Ah oo ikaw? Kumain ka narin. Happy birthday nga pala. ” nakangiti kong saad. Tumango lang siya tsaka, maya maya ay may dumating na pag kain sa mesa namin.
“ Ahm Andrew? Samahan mo muna ako oh. ” Ani ni Marcus tsaka tumayo. Hmm? Saan naman ito pupunta?
“ Saan? ” tanong ni Andrew.
“ Sa comfort room. ” saad ni Marcus, tumayo narin si Andrew tsaka nag paalam muna saglit sa amin.
“ Ah Reuhan? Kumain kana. ” saad ko tsaka sinalinan ang Plato niya.
“ Salamat. ” ika niya, tsaka kumain na.
• Reymond POV •
“ Mr. Leo? Hindi ko alam na may kaibigan na pala ang pamangkin mo. Dati hindi ko nakitang makipag lapit manlang sa iba, ngayon tingnan mo. ” saad ko kay Leo sabay turo sa pamangkin niya kasama ang lalaking kaibigan niya.
“ Ah HAAHHA oo Mr. Sanchez nagulat din ako nitong nakaraan marunong na siyang makipag halubilo. ‘Di na ako mag tataka kong isang araw, siya na ang hahawak ng kompanya namin. ” sagot niya. Tsk!! Hindi iyon mang yayari dahil gagawin ko ang lahat para mapasa akin ang lahat ng ari-arian niyo.
“ Oo nakikita ko nga. ” saad ko tsaka nag cheers sa kanya.
“ Alam mo bang kaibigan din nang anak mo iyang kasama ni Ice ngayon? ” kunot noo akong lumingon ulit sa gawi ng mga ito.
“ Talaga? ” hindi makapaniwala ko saad. Bwesit ka talaga Marcus, balak mo talagang sirain ang mga Plano ko.
” Maiba tayo ng usapan, tungkol sa negosyo naman, kumusta ang kompanya mo? ” tanong ko.
“ Ayos naman, maayos parin ang takbo at lalong lumalago. ” nakangiti niyang saad. Nang iinis ba siya?
“ Maayos. ”
[ CHANGE POV ]
Sa isang Banda nakahanda na ang grupo sa kanilang Plano, isang tawag nalang ng kanilang Amo magagawa na nila.
Sa banda nina Andrey habang nag uusap sila may isang tao ang lumapit sa kanila.
“ Ah sir Ice? Pinapatawag kayo ni Sir. Leo. ” saad ng lalaki, hindi nito ito kilala pero kusa narin itong tumayo.
“ Puntahan ko muna. ” pag papaalam nito kay Andrey tumango naman si Andrey bilang tugon. Nong tumalikod na silang dalawa napansin ni Andrey na parang suminyas ang kasama ni Reuhan na tao gamit ang kamay nito.
Kaya tinignan niya kong saang banda ito nong nakita niyang may tatlong lalaki na sumunod umiral ang kanyang pag dududa.
Kaya sa kanyang pag tataka ay sinundan niya ito.
[ CHANGE POV ]
“ Bakit nandito tayo sa labas? Nasan si Uncle Leo? ” nag tatakang tanong ni Reuhan.
“ Pasensya na napag utusan lang. ” saad ng isang lalaki tsaka sinikmuraan si Reuhan. Walang makakita dahil wala namang tao sa labas, ang lahat ay abala sa party.
Agad namang napaluwa ng dugo si Reuhan tsaka napaluhod.
“ Anong kailangan niyo sa akin? ” kunot noong tanong ni Reuhan.
“ Ikaw! Ang kailangan nang amo namin. ” saad ng isang lalaki tsaka tumawa. Pinag tatadyakan nila si Reuhan tsaka sinuntuk ulit. Ng ipasok na nila ito sa sasakyan ay biglang sumigaw si Andrey na ikinalingon ng Apat ka kidnappers.
“ Hoy? Anong ginawa niyo sa kanya? ” sigaw ni Andrey tsaka lumapit sa gawi ng mga ito.
“ Andrey? U...malis kana, humingi ka....nalang ng tulong. ” nahihirapang saad ni Reuhan.
“ Hindi, Hindi ako aalis. ” saad ni Andrey tsaka nakipag suntukan sa mga Kidnappers. Magaling siya sa pakikipaglaban ngunit ang hindi niya napansin ay ang isang lalaki na may hawak na bakal.
“ Andrey sa likod mo! ” ngunit huli na ng sinabi iyon ni Reuhan dahil nahampas na ito. Pag katapos ay kasamang isinakay ng mga Kidnappers sina Reuhan at Andrey.
Habang sa party naman ay nag kakagulo na dahil sa pang yayari. May isang negosyante ang nakakakita sa pang yayari kaya agad itong ipinaalam kay Leo.
“ Anong nangyari? ” naguguluhan na tanong ni Marcus kay Andrew.
“ Si Ice at Andrey nakidnap! ” pag aalalang saad ni Andrew.
“ Ano? ” gulat na tanong ni Marcus.
Sa banda ni Leo ay tumawag na siya sa mga ka pulisan tsaka pinakilos ang kaniyang tauhan para ma locate ang location nina Reuhan.
“ Seguraduhin mo sa mga tauhan natin na hindi masasaktan ang dalawa. Naiintindihan mo? ” paniniguradong saad ni Leo kay Lufi.
“ Upo Boss. ” tugon ni Lufi tsaka umalis.
“ Ito naba ang umpisa ng Plano mo? Pwes wala ka ng kasunod. ” saad sa isip ni Leo tsaka lumakad na rin.
Habang nag tataka ang lahat at nag aalala ‘di maiwang maiyak ni Calli sa nangyari.
“ Calli? Magiging ayos din ang lahat okay? Makakabalik ng ligtas si Andrey. ” pag aalo ni Alfie kay Calli.
Habang nag tataka ang lahat at nag aalala ‘di mapigilang maiyak ni Calli sa nangyari.
“ Calli? Magiging ayos din ang lahat okay? Makakabalik ng ligtas si Andrey. ” pag aalo ni Alfie kay Calli.
“ Paano kong may mangyaring masama kay Andrey? ” patuloy parin sa pag aalala si Calli.
“ Calli anak! Bakit kaba nag aalala sa walang kwentang taong iyon? ”
“ Walang kwenta? Nakita mo ba ang mga taong iyan. ” turo ni Calli kina Marcus at Andrew pati narin sa ibang kaklase nila ni Andrey na imbitado sa kaarawan ni Reuhan, na nag aalala.
“ Nakita mo? Lahat sila nag aalala sa sinasabi mong taong walang kwenta. Mom? Mag bago kana oh! Kahit para sa'kin lang, mag bago kana. ” naiyak na sabi ni Calli tsaka umalis.
“Diyos ko po, huwag niyo pong hayaan na malagay sa kapahamakan sina Andrey, tulungan niyo po sila at iligtas.
Huwag mong hayaan na masaktan sila pakiusap diyos ko. Hindi ko po kakayanin na muli na namin kaming mag hihiwalay ng kapatid ko. Pakiusap ko po maawa kayo iligtas niyo ang kapatid ko. ” nag susumamong pakiusap ni Calli sa Panginoon. Nasa simbahan siya ngayon umiiyak at nag dadasal.
“ Calli? ” isang pamilyar na boses sa kanya ang tumawag kaya nilingon niya ito habang pinapahiran ang luha sa pisnge.
“ Andrew? Marcus? ” sambit nito. Lumapit ang dalawa sa gawi ni Calli tsaka pinag gitnaan nilang dalawa.
Kanina habang nag aalala sina Marcus at Andrew sa pag kawala nina Andrey at Reuhan nahagilap sa kanilang mata si Calli na nakipag talo sa kanyang Ina.
Alam ni Andrew sa pagitan ng pamilya ni Calli at ng magulang nito dahil ikwenentu na ni Andrew sa kanya ang lahat.
Kaya nag pasya siyang sundan nila ito ni Marcus hanggang sa narating nila ang malapit na simbahan.
“ Calli? Kumusta? ” tanong ni Andrew. Umagos na naman ang mga luha ni Calli, kinuha ni Andrew ang panyo na nasa kanyang pantalon at ibinigay kay Calli.
“ Salamat. ” tsaka inabot ang panyo.
“ Magiging ayos rin ang lahat Calli, huwag kang masyadong mag alala malakas at matatag si Andrey alam kong makakaligtas siya. ” pag aalo ni Marcus.
“ Salamat sa inyo. ”
“ Huwag kang mag aalala mag babayad ang sino mang gumawa nito. ” nanggigiitan saad ni Marcus.