Ang Babae sa Bakery

1297 Words
Matapos nga ng gabing iyon ay pinahingi ng dalaga ang f*******: account ko sa aking pamangkin na isa sa kasama nya ng gabing iyon. Dahil palakaibigan naman ako ay walang pag aaalinlangan kong binigay ito kahit hindi ko sya lubusang kilala. Bigla na lamang nagkaroon ng babae doon sa bahay ni Apong , tiyahin ni ante Candie na may ari ng bakery. Napaka misteryoso nyang babae dahil halos ilang buwan nakong naninirahan dito ay duon ko pa lamang sya nakita at nakilala. Halos kilala ko na din kasi ang mga nakatira sa purok namin na iyon kaya laking gulat ko ng magpakita sya sa akin ng gabing iyon. Dun na nagsimula ang aming komunikasyon, Lanie ang kanyang pangalan. Nung una ay tinutukso lang sya ng mga bata sa akin hanggang sa kalaunan ay umamin sya sa akin. Gusto nya daw ako dahil sa ang cute ko daw ngumiti at medyo may kagwapuhan. Hindi ako naniniwala dahil siguro dala ng iyon ng pangtutukso sa kanya ng mga bata. Pagkatapos ngang umamin sa akin si Lanie ay mas naging malapit pa kami sa isa’t isa. Subalit hindi nga lang sang ayon ang tadhana dahil madaming tumututol sa amin. Hindi ko sila masisi dahil ang unang dahilan ay ang pagitan ng aming mga edad. Anim na pu’t anim pa lang si Lanie ng mga panahong iyon samantalang ako nasa bente anyos na. Kaya hindi daw pwedeng maging kami sabi ng may ari ng bakery na si tyong Warly dahil baka daw makasuhan ako pagmagkataon. Ang isa pang suliranin ay madaming nagkakagusto sa kanya sa iba’t ibang purok kaya madaming masasamang mata ang nakatingin sakin sa tuwing nakikita nila ako dahil alam na halos ng buong baranggay na sa akin sya may gusto. Mabilis kumalat ang balita sa amin dahil kahit na layo layo ang bahay. Hindi ko sila masisi dahil kahit ako’y nagtataka kung bakit sa dami daming lalaki ay sa akin pa sya nagkagusto. Napakagandang dalaga din kase ni Lanie, sexy at medyo may kaputian din. Pero hindi ako nagbase sa panlabas nyang anyo, bagkus ay nakuha nya ang loob ko dahil sa ugali nyang napakamatulugin at pursigido din sa buhay tulad ko. May pagkakahalintulad din kase kami ni Lanie, lumaking mahirap at kapus sa buhay. Kaya pala sya nandun sa bahay nila apong ay para magtrabaho din. Naging kasambahay sya duon kaya duon na din sya pinapatulog. Nag aaral din sya ng high school ng panahong yun. Kasabay ng kanyang pag aaral online ay tinuturaan nya din ang mga bata sa mga takdang aralin nila. Sa kanya ko din natutunan ang paglalaro ng Mobile Legend, tinuturuan nyako paminsan minsan after ng shift ko sa bakery. Subalit patago lamang ang aming pagkikita dahil nga madaming tutol sa amin. Naalala ko pa nga na tuwing pupunta kami ng ilog ay palihim lang. Mauuna syang pupunta roon kasama ang mga bata at ako’y susunod na lamang upang magkita lang at makapag kwentuhan ng personal. Patago din kaming nagvivideo call dahil nga baka mahuli kami ng amo ko at ng amo nyang si apong. Lumipas pa ang mga araw ay lumalim pa nga ang aming pag iibigan hanggang sa tuluyan na nga akong nahulog sa kanya. Hindi na nga mapigilan ng aking sarili at pinagpaalam ko na nga ito sa mga magulang nya. Sabado ng gabi ng napagdesisyunan naming dalawa na kausapin na nga ang kanyang mga magulang upang mas maging legal na ang aming pagkikita. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na yun. Pinagpapawisan kahit na malamig naman ang simoy ng hangin. Maya maya pa ay kinausap ko na nga ang kanyang mga magulang, una akong nagpaalam sa kanyang ina at nagpakilala ng pormal. “Ante, ako nga po pala si Enyong, kapatid po ni kuya Etchos na master baker sa bakery. Bente anyos na taon na po at second year college po”, nanginginig kong sabi. “Nais ko po sanang ligawan ang anak nyong si Lanie”, dugtong ko pa. Ngumiti lang ito at sinabing, “Ayos lang naman sa akin balong, basta kung ano ang ikaasaya ng anak ko ay ikakasaya ko na din”. Medyo nakaluwag luwag ang paghinga ko ng marinig ko iyon sa mama ni Lanie. At ngumiti naman sakin si Lanie at niyakap si mama nya pagkatapos. After kong makausap ang mama nya ay agad kong kinausap naman ang papa nya. Medyo seryoso itong nakatingin sa akin na tila ba mangangain ng buo kaya mas lalo akong kinabahan. “Magandang gabi po uncle, nais ko po sanang ipagpaalam sa inyo ng pormal ang inyo pong anak na si Lanie”, panimula ko. “Nais ko po syang ligawan kapag tumuntong na po sya sa wastong edad”, sambit ko pa. “Ikaw ba iho ay may trabaho na? Balita ko ay nag aaral ka pa ahh”, tanong nya sa akin. “Opo uncle, nagtatrabaho po ako sa gabi dyaan sa bakery po nila tyong Warly at ante Candie. Opo tama po kayo na nag aaral pa din po ako dahil nais ko pong makapagtapos ng pag aaral upang may ipagmalaki sa iba at sa inyo po bilang mga magulang ni Lanie”, medyo mahabang sabi ko habang kinakabahan sa isasagot ng papa nya. “Ahh, ganun ba balong, edi mabuti kung ganun. Tama yan at malinis ang intensyon mo sa anak namin”, ngumiti ito at tinapik tapik ako ng mahina sa likod. Pagkatapos nga ng pag uusap namin ng mga magulang ni Lanie ay agad syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Sabi sayo eh, okay lang sa kanila eh”, ang sabi nya na medyo mangiyak ngiyak pa. “Oo nga eh, ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang kausap sila kanina”, sagot ko. “Oh pano ba yan, so tayo na ba?”, tanong nya. “Haha, naku ka talagang bata ka. Nagpaalam palang akong manligaw sa mga magulang mo tapos gusto mo na agad na maging tayo na”, medyo patawa kong sagot sa kanya. “Ih syempre para masabi ko na sa mga nagbabalak saking manligaw na may boyfriend nako”, nakanguso nyang tugon. “Sabihin mo sa kanila na nililigawan na kita pero hindi pa tayo pwedeng maging magkasintahan dahil wala ka pa sa wastong edad, takot ko lang na makulong noh”, pabiro kong sabi sa kanya. “Asige na nga, ang mahalaga napaalam mo nako kanila mama at papa. Hehe”, nakangiti nyang sabi sa akin. Makalipas ang mga araw ay mas lumalim pa nga ang aming relasyon at madalas na din kaming magkita. Ipinangako ko kanila tyong Warly at sa kanila kuya ko na hindi magiging sagabal sa pag aaral at trabaho ko ang pangliligaw ko kay Lanie. Isang gabi habang naka call kami ni Lanie, nagpaalam sya sa akin na gusto nyang pumasok ng kasambahay sa bandang bayan. Nung una ay tumanggi ako kasi mapapalayo kami sa isa’t isa ngunit wala naman akong magagawa pa kaya pumayag na lamang ako sa desisyon nyang iyon. Mas malaki kase ang sasahudin nya doon kung sakali upang mas makatulong pa sa araw araw nilang gastusin sa bahay nila. Nang makaalis na nga ito at makapasok sa sinasabi nyang trabaho ay medyo nalungkot ako dahil hindi na nga kami makakapagkita ng madalas. Tuloy pa din naman ang aming komunikasyon, nakakatawag siya kapag tapos na siya sa mga gawain nya. Hanggang sa isang araw ay halos wala na siyang reply sa akin. Araw ng birthday ko, inaasahan kong siya ang unang babati sa akin ngunit ni isang chat at text ay wala akong natanggap sa kanya. Pagkatapos nga nuon ay wala naman na siyang paramdam sa akin at sa mga batang malapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD