kabanata 20

2154 Words
“Ganito ba ang ayos ng mga gamit mo sa totoo mong kwarto?” tanong ni Kaleb habang nililibot ang tingin sa buong paligid ng kwarto ni Theodora. Sinabi ni Kaleb kanina na tutulungan siya nito na makabalik sa earth, hindi pa rin siya makapaniwala na ang totoong Kaleb ang kaharap niya. Hindi si Blake, sa dinami-dami ng tao ay ang crush niya pa talaga. Umiling si Dorothea. “Medyo may pagkakaiba.” “Ang una mong gawin ay baguhin ang ayos ng mga gamit dito, ayon sa ayos ng mga gamit sa kwarto mo sa earth.” Nanlaki ang mata niya. “Dahil ba ro’n ay makakabalik na ako sa earth?” “Hindi.” Umiling it. “Pero isa ‘yon sa paraan.” “Ano ang talagang paraan?” Kumunot ang noo ni Kaleb at pinagmasdan siya. “Hindi ako sigurado rito, pero sa tingin ko ay kaya ang tagal mo nang hindi nakakabalik sa earth ay dahil hindi buo ang loob mo na bumalik.” “Anong ibig mong sabihin? Ang tagal ko na ngang gustong umuwi!” pagsimangot niya. “Hindi,” saad nito. “May gusto ka bang gawin dito bago ka bumalik sa earth? O gusto mong makita na kahit sino?” Hindi siya nakasagot at napaisip, bigla niyang naisip si Theodora. “Noong una, gusto ko lang malaman kung bakit wala ang totoong Theodora,” aniya at nag-iwas ng tingin. “Pero nalaman kong patay na pala siya.” Nagulat si Kaleb doon. “Patay na? At hindi alam ng lahat ng nandito iyon?” “Hindi, ang akala nila ay naglayas lang si Theodora kaya no’ng napunta ako rito ay tuwang tuwa silang lahat,” paliwanag niya. “Si Blake, isa siya sa naghanap kay Theodora sa loob ng dalawang taon.” “Gusto ko lang malaman,” sabi ni Kaleb. “Nalaman mong nanliligaw si Blake kay Theodora noon pa, bakit mo siya sinagot bigla?” Nag-init ang mukha niya. “Akala ko kasi noong una ay panaginip lang ito! Isang magandang panaginip na ang tingin sa’kin ng lahat ay napakaganda, tapos si Blake na kamukha mo ay may gusto rin sa’kin. E, alam mo naman noon pa na crush kita.” Hindi siya nahihiyang sabihin na crush niya si Kaleb, dati pa naman nito alam at kahit isang beses ay hindi nito inabuso ang pagkagusto niya rito. “Kaya mo ako hinalikan noong araw din na ‘yon?” “Hindi ko naman alam na ikaw ‘yon, at akala ko talaga ay panaginip, promise!” depensa niya. “Kung alam ko lang na totoo ‘yon at hindi panaginip lang, hindi ko sana ‘yon gagawin. .” “Bakit? Ako ba ang first kiss mo?” Hindi siya nakasagot, dahil oo! Iyon ang first kiss niya at akala pa niya ay hindi totoo! Balak niyang ibigay ang first niya sa magiging una niyang boyfriend. Pero dahil sa kaharutan niya ay hindi na iyon nangyari. “Naku, patay ako kay Amsel niyan.” Natigilan siya dahil sa binanggit na pangalan nito. “B-bakit naman? Anong pakialam niya ro’n?” Hindi niya alam kung bakit may kung anong lumukso sa puso niya, ang tagal niyang pinilit na hindi isipin si Amsel at nagtagumpay siya dahil tinanim niya sa isip niya na paasa lang ito. Na pinaglaruan lamang ang marupok at sabik niyang puso. “Wala naman,” sabi nito at tumawa. “Basta ang masasabi ko lang, kapag nakabalik ka. . isa siya sa mga puntahan mo agad.” “Anong gusto mong palabasin?” aniya nang hindi nililingon ito. “Walang namamagitan sa’min at walang gusto sa’kin ang taong iyon, imposibleng magkagusto siya sa’kin.” Mabagal na tumango lamang si Kaleb, ngunit may pang-aasar ang tipid na ngiti nito. Nahalata ba nito na may kaunting crush siya kay Amsel? “Kamusta na pala siya?” Hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin. Tumawa ito at naramdaman niyang namula ang pisngi niya. “Hindi siya pumapasok sa school.” “Bakit? Isang linggo lang siyang suspended a?” “Pagbalik niya kasi ay nakita niya ulit sa school si Darien at binugbog niya.” Napatakip siya sa bibig. “Ano ang dahilan? Ano na naman ang ginawa ng hayop na ‘yon?” “Ayon sa mga nakakita ay naglalakad lang daw si Darien at biglang sinapak ni Amsel,” pagkwento nito. “Hindi ko na alam ang lahat ng nangyari dahil wala ako sa earth noon, si Blake ang nandoon.” Natahimik siya. Bakit kaya ginawa ni Amsel ulit ‘yon? Hindi na ba ito nadala sa pag-suspend nito at talagang pina-extend pa nito? “Kung naku-curious ka, umuwi ka na,” sabi ni Kaleb. “Ang daming naghahanap sayo, naaawa na rin ako sa mama at papa mo, pati sa kapatid mo.” Nag-init ang mga mata niya. “Nami-miss ko na sila matagal na, hindi ko lang alam kung paano ako babalik. Ang tagal ko na rito, wala na akong pakialam kung doon ay pangit ang tingin sa’kin. Mas gusto ko pa rin doon. .” “Bakit?” Kumunot ang noo nito. “Pangit na pangit ka ba talaga sa sarili mo? Hindi ka naman pangit, Dorothea, inaasar ka lang nila dahil pikon ka.” Tumawa siya, hindi niya sineryoso ang sinabi nito. Masyado lang talagang mabait si Kaleb. “Bakit? Ibig sabihin ba ay nagagandahan ka sa’kin?” “Minsan, nacu-cute-an ako sayo,” sabi nito. “Lalo kapag magkasalubong ang kilay mo.” “T-totoo ba ‘yan?” gulat na tanong niya. “Kung si Blake ka ay maniniwala pa ako, pero ikaw at sa earth, kabaliktaran ang beauty standards.” “‘Wag mong masyadong i-down ang sarili mo,” sabi pa nito. “Nagulat nga ako noong nakita ko ang mama mo noon, kamukha mo siya.” “Maganda si mama a!” “Sinabi ko na nga sayo,” nagbuntong-hininga ito at pinagmasdan siya. “Sa tingin ko ay ‘pag pumayat ka ay mas magiging kamukha mo ang mama mo, nakita mo na ba ang sarili mo na payat?” “Hindi pa, mula bata ay mataba na talaga ako,” sabi niya at hinawakan ang bilbil. “Mag-diet na ba ako?” “Ikaw ang bahala, katawan mo ‘yan e. .” Ngumiti siya. “Salamat, Kaleb. Ang tagal ko nang walang nakakausap na ganito, hindi ako makapaniwala na nandito ka. Sa dinami-dami!” “Hindi rin ako makapaniwala,” sabi nito. “Nawala ka sa earth, at bumalik naman si Theodora rito matapos ng dalawang taon. Akala ko ay coincidence lang pero ‘yon pala ay ikaw na ang nandito.” “Tulungan mo ako a?” sabi niya at huminga ng malalim. “Pero bago ako bumalik sa earth, gusto ko munang may gawin para kay Theodora.” “Ano ‘yon?” Hindi siya sumagot. Nagdadalawang-isip siya dahil privacy ni Theodora ito, pero ito lang ang makakatulong sa kanya kaya pinakita niya kay Kaleb ang diary. “Ano ito?” Nagbuntong-hininga siya. “Diary ni Theodora, diyan ko nalaman na. . patay na pala siya.” Binasa ni Kaleb ang diary, tahimik lang ito simula umpisa at pinapanood lang siya ni Dorothea. Minsan ay sumimangot at nang malapit na sa huli ay humigpit ang pagkakahawak nito sa notebook. Nag-angat ito ng tingin. “Nakaharap mo na ba itong Mr. John na tinutukoy niya rito?” “Oo, dalawang beses na,” sambit niya. “Noong una ay may hindi ako magandang pakiramdam sa kanya, pero noong pangalawa ay mabait ang pakikitungo niya sa’kin.” “Siguro ay dahil gusto niyang bumalik ka pa sa kanya,” sambit nito at binuklat-buklat pa ang notebook na para bang may hinahanap. May mga ilang pahina pa na walang mga sulat, nanlaki ang mata niya nang sa kalagitnaan ng mga blankong papel ay may nakasulat na maliit. THDRCSTNZ Nag-angat ng tingin si Kaleb. “Ano sa tingin mo ito?” “Parang mga consonant ‘yan ng pangalan niya, Theodora Costanza. .” “Parang password ng kung ano.” “Password?” bulalas ni Dorothea at mabilis na tumayo. Kinuha niya ang laptop ni Theodora sa cabinet, sa ilalim ng mga damit nito. “Anong meron diyan?” tanong ni Kaleb. “Laptop ito ni Theodora,” sabi niya at pinindot ang button para mabuksan. “Ilang araw ko nang iniisip kung ano ang password nito.” Hindi na ito sumagot. Pinanood lang siya nito habang tinitipa niya ang mga letra, at nang bumukas ay halos mapatili siya sa sobrang saya. Napatakip siya sa bibig niya habang nakatitig sa home screen. “Hindi ko alam kung anong meron dito,” sabi niya. “Pero sa tingin ko ay may laman ito dahil nakatago ang laptop na ito sa ilalim ng cabinet.” Tiningnan niya ang mga files. Ang mga photos, nandoon ang photoshoot na nagawa ni Theodora. Kamukhang-kamukha niya nga talaga ito, tapos ay may ilang larawan din kasama ang mga pamilya niya at kaibigan. Napatitig siya sa nakangiting mukha ni Theodora, hindi siya makapaniwala na ito ang taong sumulat ng diary na nabasa nila. Halatang sobrang malaki ang pinagbago nito dahil sa nangyari. Tapos ay marami rin na naka-saved na music. At may mga files at documents para naman sa school. Pagkatapos no’n ay umabot sila sa videos. Hindi alam ni Dorothea kung bakit bigla siyang kinabahan habang tinititigan ang nag-iisang video roon. “Hindi mo kailangan panoorin,” sabi ni Kaleb na mukhang alam na kung anong klaseng video iyon. “Hindi, panonoorin ko,” sabi niya at nanginginig na pinindot ang play button. Limang segundo pa lang sa video ay nanigas na sa kinauupuan niya si Dorothea. Nagulat siya nang bigla isinara ni Kaleb ang laptop, tulala na pinagmasdan niya lang iyon. Video iyon ni Theodora, habang pinagsasamantalahan siya ni Mr. John. Parang wala sa sarili si Theodora, parang naka-drogà ito habang nangyayari iyon. Dahil hindi man lang ito pumapalag at tulala lang. Napatakip sa bibig si Dorothea habang tumutulo ang luha. Hindi siya makapaniwala, binalot siya ng sobrang galit, awa, at lungkot. Tama nga ang hinala niya, g¡nahasa ni Mr. John si Theodora at nagawa pa na video-han nito at sinend pa sa kanya bilang pang-blackmail. “Dorothea,” ani Kaleb sa marahan na tono, wala sa sarili na nilingon niya ito. Nakita niya ang galit sa mukha nito. “Tutulungan kitang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Theodora.” “K-kaleb. .” aniya at mahinang humikbi. Hindi siya makapaniwala. Sobra siyang naaapektuhan sa nangyari kay Theodora, sigurado siya na kung sa kanya man nangyari iyon ay baka hindi siya tumagal ng katulad nito. Kinabukasan ay pinipilit muli ni Dorothea ang mama niya para magkaroon siya ng schedule ulit kay Mr. John. Sabi ni Kaleb na kapag nangyari iyon ay sasamahan siya nito na magpunta, gagantihan nila ito at ilalabas ang lahat para masira ang iniingatan nitong career. “Bakit ba masyado kang excited?” natatawang tanong ng mama niya. “Sige, mamaya ay tatawagan ko na siya. ‘Wag kang mag-alala.” “Siguraduhin mo, ma,” paninigurado niya. Pumasok siya ngayon sa school. Nadismaya siya nang hindi si Kaleb ang nandito sa htrae ngayon, ang totoong Blake ang nandito. Sinabi ni Kaleb na ‘wag sasabihin ang lahat ng totoo kay Blake, sa kanilang dalawa lang iyon. Kaya every other day lang silang makakapag-usap dalawa. Bukas ay mag-uusap ulit sila at magpaplano ng ayos. “Bakit ka nakipaghiwalay kay Blake?” tanong ni Lorena habang kumakain sila ng lunch sa school. Sinabi pala iyon ni Kaleb kay Blake. “Wala, napatunayan ko na hindi ko pala siya gano’n kagusto.” “Gano’n ba?” tanong nito. “Nakita ko kanina na sobrang malungkot siya.” “Kaysa naman magpanggap ako na mahal ko siya, diba? Tinapos ko na agad para hindi na siya masaktan.” “Sabagay.” Sakto na sa hindi kalayuan ay nakita niya si Blake. Lumingon ito sa kanya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin, ngayong na-meet niya na ulit si Kaleb— nakita niyang walang-wala itong si Blake sa binata kahit na magkamukha pa sila. Napahawak siya sa pisngi niya. Laking pasalamat niya pa rin na si Kaleb ang nahalikan niya at hindi si Blake. First kiss niya pa man din iyon! Pagkauwi niya sa bahay ay nakangiting sinalubong siya ng mama niya. “Anak, nakausap ko si Mr. John. Bago ko pa man siya tawagan ay nauna na siya, sinabi niyang may photoshoot ka sa huwebes. Tinanong niya kung available ka ba at sinabi ko agad na OO.” Ngumiti siya, saktong nandito si Kaleb ng araw na iyon! Kung sinuswerte nga naman! Bukas ay makakausap niya si Kaleb kaya’t mapag-uusapan pa nila ang lahat. Hindi maiwasang lumundag sa saya ng puso ni Dorothea, pagkatapos niyon ay sisiguraduhin niyang babalik na talaga siya sa earth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD