Umaga nang mabilis na napabangon si Dorothea dahil sa kalabog sa paligid, hinanap niya agad ng tingin si Amsel ngunit wala iyon. Si Roldan lang ang nakita niya, nagbabasa ng magazine. “Nasa likod ‘yung dalawa, may sasakyan doon na medyo gumagana pa kaya inaayos nila,” sabi nito. Nakahinga siya ng maluwang at napapikit. Sa malambot na upuan siya natulog, ‘yung upuan na hinihigaan ng pasyente kapag tinatanggalan ng ngipin ng dentista. Tumawa si Roldan habang pinagmamasdan siya. “Hindi ako makapaniwala na wala kang kahit anong galos.” Natigilan siya. “Anong ibig mong sabihin?” Umiling ito, hindi pa rin nawawala ang ngiti. “Matagal ko nang alam na nagugustuhan ka ni Amsel, pero hindi ko akalain na mababaliw siya ng ganito.” Nag-init ang mga pisngi niya. “Grabe naman ‘yung mababaliw.” “T

