kabanata 35

2465 Words
Kinabukasan ay hindi na naman pumasok si Elnora, gusto tuloy ito puntahan ni Dorothea dahil hindi naman iyon basta-basta uma-absent. Chinat niya ito at sinabing pupuntahan niya ito mamaya pagkatapos ng klase, gusto niyang kausapin ito dahil hindi siya sanay na may sama ng loob sa kanya si Elnora. Mag-isa lang siyang nakatunganga habang nakaupo sa waiting shed, kumakain siya ng tinapay. Sa tabi niya ay isang bote ng tubig. Napatigil siya sa pagnguya nang makita niya sa hindi kalayuan si Darien, mag-isa lang din ito. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Amsel na kaya raw nito ginawa ang ginawa sa kanya ay dahil galit ito kay Amsel, pero hindi alam ang dahilan. Gusto niya itong kausapin. Inubos niya ang tinapay niya at uminom ng marami bago siya tumayo. Binilisan niya ang paglalakad niya dahil paalis na ito. “Darien!” sigaw niya kaya napangiwi siya nang lumingon sa kanila ang ibang estudyante na nandoon. Yumuko siya at mas binilisan ang paglapit kay Darien na napatigil dahil sa pagtawag niya. “Bakit?” tanong nito. Tiningnan niya ito ng seryoso. “Mag-usap tayo, may gusto lang akong itanong.” “Anong sasabihin mo?” tanong nito nang makarating sila sa likod ng isang building. Ayaw kasi niya na makita pa sila ng ibang estudyante na magkasama. Huminga muna siya ng malalim. “Alam ko na ang dahilan kung bakit mo ginawa ‘yon, kung bakit mo ko kinukuhanan ng litrato at sinesend kay Amsel.” “O, ano naman? Tapos na ‘yon, diba?” Galit na sabi nito. Kumuyom ang kamao niya. “Gustong-gusto pa rin kitang suntukin ngayon, Darien. Kaya ‘wag mo akong tinatarayan.” “Sa tingin mo ba ay kaya mo ako? Mataba ka lang pero babae ka pa rin!” Natigilan siya at medyo natakot. “B-boyfriend ko na si Amsel! Sa tingin mo ba ay palalagpasin niya kapag sinaktan mo ako, ha?” “Kayo na?” tanong nito. Nag-init ang mukha niya at hindi nakasagot. Nabigla lang naman siya dahil naunahan siya ng takot. Hindi pa naman sila ni Amsel, diba? Gusto lang nila ang isa’t-isa pero hindi pa gano’n. “Oo, bakit?” Mayabang na sabi niya. Bahala na. “Edi, congratulations,” walang ganang sabi nito. “‘Yan lang ba sasabihin mo sa’kin?” “Hindi,” saad niya. “May itatanong ako sayo.” “Ano?” “Gusto kong malaman kung bakit galit ka kay Amsel, dahil alam kong hindi nangbu-bully—” “Bakit gusto mong malaman?” pagputol nito sa kanya. “May dahilan ba dapat para magalit sa isang tao? Basta ayoko lang sa kanya.” Napanganga siya. “Ano ka baliw? Ginawa mo ang lahat ng iyon, dinamay mo pa ako dahil lang sa ayaw mo sa kanya?! May tama ka ba?” “Oo, ikaw may tama ka ba?” tanong nito. Napapikit siya ng mariin at inambahan ito kaya napaharang ito ng kamay. “Sagutin mo ang tanong ko ng ayos! P-pinapatanong ito ni Amsel.” Sh¡t, kanina pa niya ginagamit si Amsel. Halata naman kasi na takot ito kay Amsel. “Walang dahilan,” sabi lang nito. “Gwapo siya at matapang, balita ko nga ay matalino pa.” Tumango siya. “Tama ka riyan.” “Hindi ko rin siya nakikita na unang lumalapit sa mga babae, pero siya mismo ang nilalapitan,” sabi nito at nakita niya ang galit sa mukha nito. “Lahat nasa kanya, nakikita ko rin na mabait siya pero kinatatakutan pa rin siya ng mga kaklase ko kahit wala naman siyang ginagawa. Takot nga rin ako sa kanya dati.” “Dati lang? Ngayon hindi ka na takot?” “Hindi na,” mabilis na sagot nito. “Sige a, sasabihin ko kay Amsel ‘yan.” Nanlaki ang mata nito. “M-medyo takot pa rin ako sa kanya.” Natawa siya kaya tiningnan niya nito ng masama, hindi naman siya nagpatalo at pinandilatan ito ng mata. “O, bakit ayaw mo nga sa kanya?” pangungulit niya. “Si Gwen,” sambit nito kaya kumunot ang noo niya. “Matagal na kong may crush doon, pero nakita ko na si Gwen mismo ang lumalapit kay Amsel. Naging sila ng saglit lang at nalaman ko pa na si Amsel ang nakipaghiwalay, sino ba siya sa tingin niya?” Napanganga siya. “Ang tagal ko nang naghahanap ng kahinaan niya, pero wala akong makita,” saad nito. “Pero isang araw, nakita ko siyang nakatingin sayo. Hindi ko naman ‘yon pinansin kasi baka nagkataon lang, mukhang hindi naman siya magkakagusto sayo.” “At bakit hindi? Maganda ako sabi ni Amsel!” depensa niya. Pinasadahan siya nito ng tingin. “Maganda nga, pero sinabihan ka ba niya ng sexy?” Nanlaki ang mata niya. Hindi nga siya sinabihan ni Amsel no’n! Dahil nga hindi naman talaga siya sexy. Sumimangot siya. “Gago ka, susumbong talaga kita kay Amsel.” “Ginagamit mo lang si Amsel sa’kin!” sigaw nito. “Sige, sasabihin ko lahat ‘yan sa kanya,” aniya at tumalikod. Nasaktan lang siya dahil sa mga sinabi ni Darien. Bwisit na ‘yan, kung kailan nalaman na niyang maganda siya. Doon naman isisingit ‘yung tungkol sa katawan! Kaya nga nagda-diet e! “Teka!” awat nito kaya napatigil siya. “Itutuloy ko na kwento ko.” Nagpamewang siya. “O, sige. Ituloy mo.” Curious din siya e. Napakamot ito sa ulo. “Iyon nga, nakita kong nakatingin siya sayo. Tapos nakita ko na naman siya na gano’n, inisip ko na baka coincidence lang. Pero napansin ko na talaga na lagi nang gano’n, pinapanood ka rin niya na mang-away o tumawa. Kahit na ang tawa mo ay parang baboy na kinakatay.” Inambahan niya ito kaya napaiwas agad. “Isa pa ha, Darien. Kanina ka pa.” “Kaya ‘yon, naisip ko na nga talaga na may gusto siya sayo.” Tumigil ito saglit at nag-isip. “Isang araw ay vinideohan kita tapos sinend ko sa kanya gamit ang dummy account, pinapanood ko siya no’n pero hindi niya alam kung nasaan ako. Nakita ko na nagalit siya kaya lalo kong napatunayan, may kahinaan pala siya at ikaw iyon.” Nag-init ang mukha niya. Kahinaan siya ni Amsel? “Ginagawa ko ‘yon lagi, kinukuhanan kita ng litrato o video at tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko na nagagalit siya pero wala siyang magawa dahil hindi niya alam kung sino,” napangisi ito kaya gusto niya bigla itong suntukin pero pinigilan niya. “Pero isang araw, nahuli niya akong kinukuhanan ka ng litrato. Susuntukin niya sana ako pero may dumaan na teacher kaya hindi natuloy.” Sumimangot siya. “Sayang!” “Nag-reply siya sa’kin, sinabi niya na kapag hindi ako tumigil ay makakatikim talaga ako sa kanya,” pagpapatuloy nito. “Pero matalino rin ako e. Sabi ko na kapag sinaktan niya ako ay sayo ko isesend ang mga larawan.” Nanlaki ang mata niya. “Demonyo kang hayop ka!” “Kaya sinesend ko pa rin lahat, una ay binlocked niya ako pero sinabi ko rin sa kanya na kapag ginawa niya pa iyon ay isesend ko rin sayo.” Napapikit ng mariin si Dorothea dahil sa sobrang inis. “Syempre, in-unblocked niya ako kaya nakikita niya pa rin ‘yung mga sinesend ko,” saad nito at lumayo ng konti. “Kadalasan ay nakukuhanan kita ng litrato kapag nagbibihis ka pero lagi ka nang nakadamit no’n.” Lumayo pa ulit ito dahil nakita na kumuyom ang kamao niya. “Ang huli ay ‘yung nakahubad ka na, kaya siguro hindi na niya napigilan. Ayon na ‘yung sinugod niya ako sa canteen at binugbog niyo akong dalawa.” Hindi siya nagsalita agad. Pinapakalma niya ang sarili niya habang humihinga ng malalim, ngunit nang napatitig siya sa mukha ni Darien ay hindi na niya pinigilan at sinapak ito sa mukha. Binuhos niya ang buong lakas niya ro’n kaya’t hiningal siya. Nanlalaki ang butas ng ilong niya dahil sa sobrang galit. Natumba ito pero tumayo agad, hindi siya nito ginantihan pero gegewang-gewang itong tumakbo palayo. Napapikit si Dorothea ng mariin, gusto niyang sumigaw dahil sa sobrang badtrip niya. Kumalma lang siya nang tumunog ang bell, hudyat na kailangan na niyang magpunta sa susunod na klase. Nagpupuyos pa rin siya sa galit kahit nasa room na siya. “Bakit ilang araw nang absent si Amsel?” tanong bigla ni Nadia kaya nagulat siya. “Wala, nasa probinsya nila,” sagot niya. Ngumiti ito. “Ba’t mo alam? Jowa?” Nanlaki ang mata niya. “Tangek, hindi! Narinig ko lang kina Roldan.” Hindi ito sumagot pero makahulugan siyang nginitian kaya nakaramdam siya ng hiya. Baka mamaya ay kumalat pa sa school na sila ni Amsel, baka isipin pa nito ay pinagkakalat niya iyon. Pagkatapos ng klase ay nagpunta si Dorothea sa bahay nina Elnora kahit na hindi ito nag-reply, medyo malapit lang naman iyon sa bahay nila. “Wala si Elnora, kasama niya ang mommy niya na umalis,” sabi no’ng pinsan ni Elnora na naabutan niya sa bahay nito. “Sige, ayos lang. Pasabi na lang na nagpunta ako,” saad niya at tinalikuran ito. Sawi siyang umuwi dahil doon. Chinat niya ulit si Elnora pero hindi ito nagrereply, hanggang sa makauwi siya ay malungkot siya. Si Amsel din ay hindi nagrereply, sinabi nito kanina na may pupuntahan sila ro’n kaya baka busy iyon ngayon. Magkasama ulit silang nag-jogging ni Halsey ngayong araw. Napapansin niya na nagiging close na sila kaya napapakwento na rin siya, nagulat siya nang alam na pala nito ang tungkol sa kanila ni Amsel dahil sinabi ni Kaleb. “Ang daldal talaga no’n!” sambit niya. Tumawa ito. “Akala ko ay habang buhay mo na lang akong aagawan e.” Natawa siya at nakaramdam ng hiya. “Sorry dati a, ang laki kasi talaga ng pagka-crush ko dati kay Kaleb e.” “Okay lang ‘yon.” Ngumiti ito. “Sa totoo lang ay maraming gumagano’n sa’kin dahil kay Kaleb pero sayo lang ako hindi naiinis.” “Bakit naman?” “Ewan ko? Siguro ay dahil ganyan ka naman talaga, ‘yung laging nakasimangot. Kaya feeling ko ay normal lang ‘yung ginagawa mo sa’kin.” “Wala, nagbago na ko,” aniya at tumawa. Natapos ang pagja-jogging nila na gano’n ang pag-uusap nila, lalo niya tuloy namimiss si Elnora. Pagpasok no’n ay sisiguraduhin niyang kakausapin niya ito. Nang makauwi siya ay magkausap na naman sila ni Amsel, nakahiga na rin ito at nakapatay ang ilaw. Katulad ng kanya. “Hindi ako pinayagan ni ate na maunang umuwi.” Nadismaya si Dorothea nang sabihin iyon ni Amsel, pero wala naman siyang magagawa kahit hindi niya pinahalata. “Ayos lang ‘yon,” sabi niya. “Kailangan daw muna kasi namin hintayin na matapos ang birthday ni lolo,”sabi pa nito. Tumango siya. “Ayos lang talaga, enjoy ka lang diyan. Minsan lang naman ‘yan e.” Hindi ito sumagot, halatang nag-iisip ito ng sasabihin. Nakatagilid ito ng higa, magulo ang buhok at halatang walang suot na damit dahil nakikita niya ‘yung balikat nito. “May nabalitaan ako,”seryosong sabi nito bigla. Kumunot ang noo niya. “Ano ‘yon?” “Magkasama raw kayo ni Darien kanina.” Agad na nanlaki ang mata ko. Paano nito nalaman?! Hindi niya nga iyon sinabi dahil alam niyang magagalit ito. Sinabihan siya nito ‘wag siyang gagawa ng ikapapahamak niya. “P-paano mo nalaman?” “Sinabi sa’kin ni Roldan,”sambit nito, halatang hindi natutuwa ang boses.“Ikaw daw ang lumapit.” Napakagat sya sa labi niya dahil sa inis. “Uh, ano, tinanong ko lang naman kung bakit siya galit sayo.” “Kailangan pa ba ‘yon malaman?” “Oo!” agap niya. “Kasi, ano, wala lang. Ayaw mo bang malaman?” “Hindi ako interesado.” “Pero kailangan mo malaman,” aniya. “Bale nalaman ko na kaya siya galit sayo ay dahil naiinggit siya sayo dahil ang perfect mo raw.” Nagsalubong ang kilay nito.“Perfect? Anong kalokohan ‘yon?” “Diba?!” Lumakas ng konti ang boses niya. “At lalong tumindi ang selos niya sayo no’ng naging kayo ni Gwen.” Hindi sumagot si Amsel, halata ngang hindi interesado. “T-tsaka, ano, sinabi niya na ikaw daw ang nakipaghiwalay kay Gwen.” “Hindi totoo ‘yan.” Namilog ang mata niya. “Siya ang nakipaghiwalay sayo?” “Hindi ko naman siya naging girlfriend.” “Ano? Akala ko naging girlfriend mo siya?” Nagtataka niyang tanong. “Ano ‘yon, ibig sabihin no’n fling lang gano’n?” Hindi ito sumagot kaya nakumpirma niyang tama. Napasimangot siya, sa tingin niya kasi ay ganoon din sila ni Amsel dahil hindi naman sila magkarelasyon. Kumbaga, walang label. “E, bakit kumalat na naging kayo?” “Dahil iyon ang sinabi niya.” “Hindi mo man lang iyon itinama?” tanong niya. “Ayoko siyang mapahiya, tsaka wala naman ‘yon sa’kin.” “Sino nagsabi na tapusin niyo na ‘yung gano’n?” tanong niya pa. “Ako.” “Edi ikaw nga ang nakipaghiwalay,” sabi niya at itinago ang mukha sa unan dahil baka hindi niya makontrol ang ekspresyon nila. “Gano’n ka ba talaga?” Naningkit ang mata nito.“Anong gano’n?” “‘Yung flirt-flirt lang, tapos kapag ayaw mo na ay sasabihin mo na lang na ayaw mo na.” Hindi agad ito nagsalita. Wala itong naging reaksyon kaya lalo siyang napasimangot. “Dorothea,”sambit nito.“‘Wag mong sabihin na iniisip mo na gano’n din tayo?” “B-bakit hindi ba?” Napaiwas siya ng tingin sa screen nang makita niya ang dumaan na inis sa mata nito. Naiinis siya at naiiyak siya, feeling niya kasi ay bigla na lang din siya iiwan ni Amsel pagkatapos. “T-totoo naman e, hindi naman tayo, diba?” aniya sa nanginginig na boses. “Tsaka, sorry, kasi sinabi ko kay Darien na boyfriend na kita para matakot siyang saktan ako. Feeling ko kasi ay kakalat iyon sa school, kaya sorry.” Bago pa ito makasagot ay pinatay na niya ang tawag. Nahihiya siya dahil pakiramdam niya ay nag-iinarte lang siya, naiinis siya sa naiisip niya at nasasaktan din siya ro’n. Tumawag ulit si Amsel pero pinigilan niya ang sarili niya na ‘wag iyon sagutin. Hindi niya alam kung nakailang tawag ito bago ito tumigil, siguro ay napagod na. Nakangusong dumapa siya sa higaan niya at pumikit, naninikip ang dibdib niya. Ito na ba ‘yon? ‘Yung sinasabi nilang heartbreak? Akala niya ay nag-o-overeacting lang ‘yung mga kaklase niya pero totoo pala. Masakit pala talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD