Napapangiwi si Dorothea habang pinapahiran ni Amsel ng betadine ang mga sugat niya kahapon na nagasgas noong tumakas siya sa mga pulis. Katatapos lang nilang kumain. Nagda-diet siya pero kumain siya ng marami kanina para may energy siyang tumakas at lumaban. “Masakit?” Umiling siya. “Medyo mahapdi lang, pero kaya naman.” Mas mahapdi nga iyon kanina no’ng naliligo siya e. Pero tiniis niya pa rin at talaga naman na kinuskos niya ang mga iyon ng sabon. “Mag-jacket ka na lang pag-alis natin, para hindi nahahanginan,” sabi ni Amsel. Bumaling siya sa binata. “Aalis ba agad tayo?” “Ayaw mo ba munang umalis?” “Kung pwede lang,” aniya. “Dito lang ang komportableng lugar ngayon, nakakapagod sa labas.” Marahan itong natawa. “Pero hindi magtatagal ay pupuntahan nila ito, lalo na kapag nalaman

