Pinagmasdan ko ang sarili ko suot ang luma kong uniform. Maganda ang pagkakarepair ni lola. Sumakto sa katawan ko.
Tinali ko rin ang buhok ko tulad dati. Nakapuyod at may hairband para hindi bumagsak sa mukha ko ang mga baby hair.
Humarap ako kay lola na nakamasid sa akin.
"Mukha na po ba akong bata uli, 'la?" Nakangiting tanong ko.
"Walang pinagbago. Maganda ka mula noon hanggang ngayon," sagot nya.
Bolera talaga si lola. Kaya dati pa lang gandang-ganda na ako sa sarili ko eh.
7 pm ang start ng reunion pero 6 pm pa lang nandun na ako para mag-asikaso. Lahat kami di napigilan alalahanin ang sophomore life. Looking at ourselves wearing our old uniform transports me back to 11 years ago.
I transferred here because I couldn't choose whether to go to my dad or my mom who already remarried. Nagkaroon din ako ng bad record sa dati kong school dahil napabarkada ako at kung ano-anong kalokohan ginawa namin. Imbes na ma-expel, I decided to transfer here. My life here was bittersweet. My lola and tita Beth were kind but there were moments they don't get me. I don't blame them. Noon lang nila ako nakasama and dealing with a rebellious adolescent wasn't easy.
My classmates and teachers were also nice as far as I can remember. But there were moments na napapaaway ako dahil tingin ng iba mayabang ako. Then, I met Andrew. I instantly fell for him. Sino bang hindi eh bukod sa gwapo at lakas ng dating eh athletic at magaling din sya tumugtog. I was a sucker for musicians back then. Unfortunately, he never liked me. Kahit anong pagpapapansin to the point of nearly dying wasn't enough.
Bumalik ako sa reyalidad nang may tumawag sa'kin. Si Mica, dati naming class secretary. Kinumusta nila ako, as usual, saka nagkwentuhan nang kaunti.
Humiwalay ako sa kanila para kumuha ng maiinom. I don't have a strong tolerance in alcohol pero para makapag-socialize nang maayos, kailangan kumapal mukha ko. It's been a long time since I last saw them, so I really feel awkward.
Di ko alam nakailang baso ako ng tequila basta ang alam ko nagustuhan ko lasa nun.
"Okay ka lang, Toni?" Tanong ni Cherry na napansin ata na muntik na akong matumba.
I smiled, feeling tipsy. "I'm okay," sagot ko pa.
Nagkayayaan na maglaro ng truth or dare with a twist. We're too old for usual one so they decided that whoever picks 'dare' would take a glass of beer and do the dare itself. Kahit anong piliin namin, wala kaming takas. Dahil medyo nahihilo na ako, di na ako kumontra.
Pinaikot ni Lino ang bote at tumapat yun kay Rina.
"Truth!" Matapang na sagot ni Rina na halatang tipsy na rin.
"May naging crush ka ba sa klase natin?" Tanong ni Lino.
Natawa si Rina. "Wala! Walang gwapo sa section natin!"
Nagtawanan kaming lahat. Medyo agree ako sa sinabing yun ni Rina. No one actually stood up in terms of looks sa section namin noon.
Pinaikot ni Rina ang baso at tumapat yun kay Mica.
"Dare para masaya!" Sagot nito.
"Kumanta ka ng patula," utos ni Rina.
Kumuha ng baso ng beer si Mica bago ginawa yung dare nya. Lahat kami nagtawanan dahil dati pa lang ay sintunado na sya.
Nakailang truths at dares pa bago tumapat sa akin ang bote.
"Dare!" Sagot ko dahil pakiramdam ko kahit anong i-utos nila sa akin ay kaya ko nang gawin.
Ngumisi si Rhea na parang may kakaibang naisip. Tumayo kaming lahat at pumunta sa gate. Hawak-hawak ko pa rin yung baso ko ng beer.
"Halikan mo sa labi yung unang lalaking makikita mo," utos ni Rhea.
Umangal sina Cherry at Rina sa dare na yun ni Rhea pero pumayag ako. Dare lang naman yun. Wala namang mawawala sa'kin. I'm not a virgin anymore so this should be easy.
May nakita silhouette ng lalaki na paparating. Bago pa sya makalagpas ay agad kong ininom ang beer sa baso ko at tumakbo palapit sa lalaking yun. I kissed him on his lips. His lips taste sweet. I don't know who this guy is pero he makes me feel at ease. O baka dahil yun sa halo-halong alak sa sistema ko. I opened my eyes to see the guy who almost made me drown yesterday. I was kissing Matt!
Humiwalay ako sa kanya pero dahil muntik na akong matumba, inalalayan nya ako.
"You're drunk," sabi nya.
I smirked. "So? Let go of me!" Inalis ko yung kamay nya sa pagkakahawak sa'kin.
Narinig kong nagsilapitan ang mga dati kong kaklase. Narinig ko ring tinawag ni Cherry ang pangalan nya. Ayokong mag-isip ng iba si Cherry kaya lumayo ako sa kanya.
"Iuuwi ko na sya," sabi nya maya-maya.
"No! I'm staying! Sino ka ba para sabihan ako sa dapat kong gawin? I barely know you!" sagot ko.
"Toni, I think mas okay kung umuwi ka na. Lasing ka na eh," gatong ni Rina.
"I'm fine, really," sabi ko saka pinilit tumayo nang diretso but my knees failed me and I blacked out.