A day before our reunion, naghalungkat ako ng old photos to see how I actually looked like 11 years ago.
"Buti na lang pala tinabi ko mga luma mong gamit," sabi ni lola na tinutulungan ako maghanap.
Then I thought of something.
"Natabi nyo rin po ba yung dati kong uniform, 'la?"
Nag-isip sya saglit saka lumabas ng kwarto. Maya-maya may dala na syang plastik. Binuksan nya yun at tumambad sa akin ang dati kong uniform na maayos pa ang itsura. Napangiti ako. Galing talaga ni lola magpreserve ng mga gamit.
Nagsabi si lola na irerepair nya yun para magkasya ulit sa'kin. Bigla akong na-excite na magiging itsura ko.
I decided to take a quick dip in the ocean after that. Mula nang dumating ako, ngayon lang ako makakalangoy.
"Yan talaga isusuot mo?" Natatawang tanong ni tita Beth.
Napatingim ako sa suot kong one piece. "Bakit tita? Pangit?"
"Hindi naman. Hindi lang sanay makakita ang mga tao dito ng nakaswimsuit habang naliligo sa dagat," paliwanag nya.
"Edi sasanayin ko sila!" Natatawang sagot ko bago lumabas.
Tama lang ang lamig ng tubig-dagat. Buti pa dito, ilang lakad lang dagat na. Samantalang kailangan ko pa bumyahe ng at least two hours para lang makakita ng dagat sa Manila. Dapat sulitin ko na 'to.
May iilang ding lumalangoy na medyo malalim na parte ng dagat. I'm not a good swimmer so nagkasya na ako sa height na abot ko. I was enjoying myself in the water nang may nagsalita sa likod ko.
"Enjoying yourself so far?"
Boses pa lang kilala ko na sya. Ang aroganteng Matt na 'yun. He gives a sly smirk habang nakatingin sa'kin. Bastos!
Lumayo ako sa kanya. Ayokong makita ni marinig boses nya. Nararamdaman kong lumalapit sya kaya patuloy ako sa pag-atras. Lumalayo na ako sa abot kong height kaya tumatapak na ako sa bato na naramdaman ng paa ko. Sa pag-atras ko, nasipa ng paa ko yung bato at napunta ako sa malalim na parte. I don't feel anything below me anymore. I started to panic.
Bago pa ako tuluyang makalunok ng tubig-dagat ay may kamay na agad humila sa'kin. In an instant, I feel safe. May kung anong kuryente akong naramdaman ng hawakan nya ang likod ko.
"Are you okay?" I saw worry in his eyes. He wipes my cheeks. I didn't realize I was crying. It must've been the horror I felt knowing I'd drown.
I almost lost my life to this ocean 11 years ago. Ang yabang ko nun. I thought I was a good swimmer. Para lang mapansin ni Andrew, I swam to a deep part and nearly died.
Lumayo ako sa kanya at saka nagmamadaling umahon.
"Toni!" He calls me pero di ako lumingon. I didn't even say thank you. Sya rin naman ang dahilan kung bakit muntik na ako malunod.
I wish matapos na agad lahat ng kailangan kong gawin para makabalik na ng Manila.