Ikaapat (Impressions)

837 Words
Nagkukwentuhan kami nina Lola at Lolo nang tawagin ako ni Tita Beth. May naghahanap daw sa'kin. Hapon pa naman ang usapan namin nina Rina at Cherry. Sino kaya yun? Lumabas ako para tignan kung sino 'yun only to find out that it's Andrew. "Hi," nakangiting bati nya. "H-hi," gulat na bati ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Actually galing ako ng Emerald Resort and nabanggit ko kay Mitch na nandito ka. Pinapasundo ka nya kung okay lang sa'yo," sagot nya na parang nahihiya. "O-okay lang naman," sagot ko bago pa man din ako makapag-isip. Seeing Andrew made made me answer on impulse. Bahala na nga! Sinalubong ako ng yakap ni Mitch. One year lang ang age gap namin pero ate ang turing nya sa'kin. "I missed you, ate Toni" sabi nya habang mahigpit pa ring nakayakap sa'kin. Kumalas sya sa pagkakayakap na sya namang labas nina Tito Vic at Tita Malou mula sa kung saan. "Toni!" Nakangiting bati ni tita Malou sa akin. Pinsang buo sya ni papa, samantalang si tito Vic ay kapatid ng papa ni Andrew. "Hi, tita, tito," bati ko sa kanila. "Long time no see! Kumusta ka na? Balita ko ikakasal ka na ah?" Sabi ni tito Vic. Nagkatinginan kaming lahat. Sya namang tawa ni tito. "Biro lang!" Marahang hinampas ni tia Malou si tito sa braso nito. "Ikaw talaga!" Humarap sya sa'kin. "Tara sa loob nang makapagmeryenda ka. Tamang-tama ipakikilala kita sa mga bisita namin." May bisita pala sila. Sana di na ako pumunta. I don't really like big crowds. Nadatnan ko na kumakain pa ang mga bisita nila. Agad akong napatingin kay Matt na nakatingin din sa'kin at sa babaeng katabi nito. Magkamukha sila. Eto ba yung fiancé ni Andrew. Nakumpirma ko ang hinala ko nang tawagin nyang 'babe' si Andrew na nasa likuran ko. Naupo ako sa tabi ni Mitch. Buti na lang at kinakausap nya ako nang kinakausap. I didn't feel too awkward. "So Toni, what do you do?" Tanong ng isa sa mga bisita nina Tita Malou, si Mrs. Razon. Mukha syang mabait pero mukha ring tsismosa. Base sa pagkakaalala ko, katrabaho sya ni tita Malou. "I work as an HR Supervisor," sagot ko. "Do you have a boyfriend, perhaps?" Tanong nya ulit. Muntik na ako mabilaukan sa tanong na yun. Buti na lang nalunok ko nang maayos yung dried pusit. I smiled awkwardly bago sumagot, "wala po." Nakita kong napangiti sya. "My son is single, I'd like to set you up on a date with him if it's okay to you," sabi nya ulit. Alanganin akong ngumiti. "To be honest po, I'm only gonna be here for a week. I'm going back to Manila in a few days," magalang kong sagot to suggest that I'm not interested. "Then, you can continue meeting each other there. He also works in Manila," dagdag ni Mrs. Razon. "I don't think Toni is interested in those things yet, tita," si Andrew ang sumagot. Did he feel my uneasiness? Napa-"oh well" na lang si Mrs. Razon at di na nagsalita pa. Tumingin ako kay Andrew to give him a 'thank you' look. Ngumiti sya to show that he understands. I went to the patio pagtapos. Nakakastress mag-stay sa loob. I don't really know those people. I take a deep breath and inhale the salt air breeze. Mamimiss ko 'to pagbalik ko sa Manila. "Pasensya na sa nangyari kanina," si Andrew na nakatayo pala sa tabi ko. Ngumiti ako. "Wala yun. Baka ngayon lang nakakita ng maganda," biro ko. He laughs. I didn't know I could actually throw a joke on him. "I heard you're getting married," sabi ko maya-maya. "Yeah," maikling sagot nya. "Congrats!" Sabi ko. An air of awkwardness came to us. Maya-maya I heard footsteps coming to us. Si Matt at ang mapapangasawa ni Andrew. Ngumiti sya sa'kin saka iniabot ang kamay. "I forgot to introduce myself earlier, Liza" sabi nya. Inabot ko yun. "Toni," sabi ko. Ang angelic ng mukha nya. Mukha rin syang genuinely na mabuting tao. Andrew is also lucky to have her. "Hiramin ko muna si Andrew ha? Magpapatulong lang ako," nakangiting sabi nya sa'kin. Tumango lang ako. She doesn't seem to have an idea that I was once madly in love with her fiancé. Naiwan kami ni Matt sa patio. "I know your history with Andrew," sabi nya maya-maya. What is he trying to say? Is he thinking na aagawin ko si Andrew sa kapatid nya? "So?" Mataray na tanong ko. "Don't even try to do something stupid," sabi nya saka matalim na tumingin sa'kin. I chuckled. "I wasn't even planning anything," sagot ko. Is he crazy? Ano ba akala nya sa'kin? Kontrabida sa buhay ng kapatid nya? "I saw how you looked at each other earlier," there's disgust in his voice. "Oh really? Sana nakita mo rin that he just tried to save me from the uncomfortable situation I was in earlier," I said irritatingly saka pumasok na sa loob. The nerve of him! He just proved my first impression of him. Arogante!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD