Kabanata 55

1433 Words

Kabanata 55 Inabangan ni Zemora ang paglabas ni Alea sa malaking tahanan nito. Kakaalis lang ng Duke sa bahay, hindi na siya nagpakita pa sa ama ni Alea. Alam niya kasi na hindi ito pabor na lagi silang magkita ni Alea. Mahirap siya habang mayaman naman ang mga ito. Sino nga bang gugustuhin na maging kabiyak niya? Pati si Alea ay may iniibig nang iba. Wala na siyang pag-asa sa babae. Nakita ni Zemora na lumabas si Alea sa bakuran nila. Tinawag niya ito kaya napalingon ito sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya ngunit hindi niya ito ginantihan ng ngiti. Paano siya ngingiti kung ang puso niya ay naghihinagpis? “Nakita kita kagabi,” bungad niya noong lumapit sa kaniya si Alea. Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito. Ang tingin ni Alea ay naging mailap sa kaniya. Bumuntong hininga siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD