Kabanata 52 Noong pumasok si Prinsesa Zemira sa kaniyang silid ay hindi na ako sumunod sa kaniya. Nanatili na lang ako sa labas ng kwarto. Ang kaniyang tagabantay na lang ang sumama sa kaniya sa loob. Sarado ang pinto ngunit rinig na rinig ko pa rin ang kaniyang pagsigaw. Kausap niya ang tagabantay niya-siya si Dramon. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lalaking sikretong karelasyon ni Prinsesa Zemira. Ako lang ang may alam ngunit tikom naman ang aking bibig sa usapin na iyon. “Isang kahibangan! Wala siyang isang salita!” malakas na sigaw ni Prinsesa Zemira. Mabuti na lang at makakapal ang pader. Isang palapag naman ang kaniyang silid kaya walang napapagawi rito. Tinanggihan niya rin kahapon ang mga taga-silbi na ibinigay sa kaniya ni Haring Zemora. Idinahilan niya na hindi niya na

