Kalahating oras kong hinintay ang paghahanda ng mga tagasilbi sa makakain ni Prinsesa Zemira. Naging matagal kasi ang pagluluto nila. Ang mga paboritong pagkain niya ang kinuha ko. May dinala na rin akong inumin at prutas para hindi na niya ako pabalikin sa pagkuha. Marahan kong dinala ang bandehado at marahan din akong naglakad upang hindi ko ito matapon. Napatingin ako sa bandehadng hawak ko kung kaya’t hindi ko agad napansin ang nasa unahan ko. Nanlaki ang aking mga mata noong bigla kong nabangga ang isang bampira. Hindi nakalampas sa pandinig ko ang sabay sabay na pagsinghap ng mga bampira sa paligid. Napabuntong hininga ako noong napansin na hindi naman nahulog ang aking dalang pagkain. Umayos ako sa pagkakatayo at pagkatapos ay dahan dahan kong tiningnan ang bampirang nakabangg

