Kabanata 61 Isang linggo ang lumipas mula noong umalis si Prinsesa Zemira kasama si Dramon at Ginoong Padraig. Tuwing umaga ay ginagawa ko ang mga mahalagang bilin ni Prinsesa Zemira sa akin. Lagi kong nililinis ang kaniyang silid at nangunguha ng mga bulaklak upang ilagay sa kaniyang silid. Gusto kasi ng prinsesa na maganda pa rin ang kaniyang silid kahit na wala siya rito. Tuwing tanghali kapag tapos na ang aking gawain ay lagi akong pumupunta sa sikretong tagpuan namin ni Ginoong Padraig. Sa gitna ng kagubatan ng Adina ang aming tagpuan. May isang bahay na nasa taas ng isang malaki at malagong puno. Kaming dalawa lang ang nakakaalam noon dahil si Ginoong Padraig ang gumawa nito. Nagulat na lang ako noong dinala niya ako roon. Sinabi niyang ang bahay sa punong iyon muna ang magiging ta

