Kabanata 60 Napatigil ako sa pag-aayos ng mga bulaklak sa plorera nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Prinsesa Zemira. Binitawan ko ang mga rosas at pagkatapos ay lumingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa magarang upuan na nasa kaniyang sala. Nanigas ako sa kinatatayuan ko noong nakita ko ang mga lalaking kasunod niya. Si Ginoong Padraig at Dramon ay matipunong naglalakad habang ang kanilang mukha ay walang kangiti-ngiti. Palihim na napataas ang gilid ng labi ko noong mabilis na nagtama ang paningin namin ni Ginoong Padraig. Napansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. Panandalian lang naman ito upang hindi mapansin ng mga kasama namin sa silid. Noong lumingon ako kay Prinsesa Zemira ay nakita ko na mariin siyang nakatitig sa akin. Ang kaniyang tingin ay paran

