Kabanata 59 Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tanging ang halinghing lang ng kabayo ang naririnig ko sa paligid, at mahinang paghinga lang ang naririnig ko sa kaniya. Nakarating na kami sa gubat ng Flinaria ngunit wala pa rin siyang kibo at nakaupo lang siya sa damuhan. Nakatingin siya sa maraming hallerbos na nasa aming unahan. Madilim man ngunit ang tanglaw na galing sa buwan ang nagbibigay sa amin ng natural na ilaw. Malalim na napabuntong hininga ako at pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi. Napansin ko na napatingin siya sa akin. Kita ko ang seryoso niyang ekspresyon. May isa pa akong napansin sa kaniyang mukha… “Anong nais mong sabihin sa akin?” tanong ko sa kaniya. Makikipag-usap daw siya ngunit ngayon naman ay tahimik naman siya.

