Kabanata 65.2 Dahil sa paglalakad namin sa pamilihan ng Azea ay mayroon kaming nakita na magandang kainan. Pumasok kami sa loob ng bahay kainan. Gawa ito sa bato at semento. Maraming parokyano kaya naman nahirapan kami sa paghahanap ng pagpupwestuhan. Dinala kami sa pangalawang palapag ng isang tagasilbi sa kainan. Ang napili naming lamesa ay tanaw ang nasa labas ng pamilihan. Kitang kita namin sa aming pwesto ang mga taong abala sa kanilang ginagawa. Habang naghihintay kami ng pagkain ay hindi ko maiwasan pagmasdan ang mga bampira sa ibaba. Ang mga bata ay walang kasawaan na naglalaro at nanghihingi ang iba ng mga tinapay. Nakuha ng isang batang babae ang aking atensyon. Napakunot ang noo ko noong nakita ko na kahawig nito si Catalina. Ilang saglit lang ay nadapa ito at may isang babae

