Bago ako lumabas sa paliguan ay inayos ko muna ang suot kong saklob na may nakaharang na tela. Sa aking paglabas ay sinalubong na agad ako ng taga-silbi. Napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi siya pamilyar sa akin. Isa ba siyang baguhan? Hinawakan niya ako sa braso. Inalalayan ako ng isang tagasilbi papunta sa lamesa. Napalipat ang aking atensyon sa hapagkainan. Ang una kong napansin ay ang inihaw na manok. Ang gulay na nakahain ay hindi ko na tinapunan nang tingin. Mayroon din akong nakita na inumin na dugo. Napalunok ako dahil sa pagkatakam. Mayroon ding mga panghimagas na nakahain. Ang mga matamis na pagkain na ito ay tanging sa hapagkainan lang ng mga maharlika inihahain. Hanggang sa pag-upo ay inalalayan ako ng bagong taga-silbi. Nakatitig lang ako sa na

