Ang aking suot ay mahabang kulay lila na saya. Umaabot ito hanggang sa aking paa. May nakalagay sa aking ulo na saklob na gawa sa hinabi na kawayan. Ang palibot ng saklob ay may nakaharang na kulay puti na manipis na tela upang maging harang sa aking mukha. Kahit manipis ito ay hindi pa rin nila ako makikita, ngunit makikita ko naman sila. Mayroon din akong suot na maliit na tela na tumataklob sa aking ilong pababa sa aking baba. Ang tali noon ay nakasabit sa aking tainga at nakatali sa aking buhok upang hindi ito mahulog. Hinaplos ko ang tela ng suot kong saya. Sa lambot pa lang nito ay alam ko nang ito ay mamahalin. Sobrang tagal na noong huli akong nakapagsuot ng ganitong saya. Ang munting mga alaala ko noong ako’y bata pa ay nagbalik. Maraming bilin na sinabi sa akin si Prinsesa Zemi

