Napalingon ako sa pinanggalingan namin. Kitang kita ko ang kaguluhan na nangyayari. Nakikipaglaban pa rin ang ibang kawal habang ang ibang taga-silbi ay mga sugatan. Ang iba naman ay nakabulagta na sa lupa, duguan at wala nang malay. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Ramdam ko ang awa na yumakap sa aking puso. Hindi ko ito kasalanan ngunit hindi ko mapigilan na maramdaman ang pagsisisi. Naramdaman ko na hinawakan ni Ginoong Padraig ang aking pisngi at marahan niyang iginaya ang aking mukha sa harapan upang hindi ko na makita pa ang naiwan namin. Ramdam ko rin ang paghigpit ng kaniyang hawak sa aking baywang. “Huwag kang lumingon. Hindi mo dapat tingnan ang masalimuot na nangyari sa kanila,” mahinang wika niya sa akin. Napatahimik na lang ako habang napahigpit ang hawak ko sa ka

