Kabanata 4

3166 Words
Mabilis ang takbo ng oras sa mundo ng mga bampira ngunit ang paglaki ay mabagal. Sa tamang edad, pagdumating ang mga ito sa pagiging dalaga at binata ay tumitigil na sa pagtanda. Kung sa mundo ng mga tao ay tumatanda ang mga ito hanggang marating ang kamatayan, sa mundo ng mga bampira, ang kanilang pisikal na anyo ay nananatili sa edad dalawangpu't walo. Tumitigil sila sa pagtanda. Umaabot ng ilang libong taon bago tuluyang manghina at mamatay. Lumapit si Prinsesa Azalea sa malaking kama niya. Ang buong kulay ng higaan ay luntian, pati ang unan at kumot. May apat na poste sa bawat dulo ng kama at may tela ng organza na bumabalot sa kama bilang disenyo nito. Iginala ng Prinsesa ang paningin sa buong kwarto. Malawak ito ngunit ang mga muwebles ay kakaunti. Sapat na sa paningin ng Prinsesa ang simpleng mga gamit. Humiga si Prinsesa Azalea sa kaniyang kama. Ramdam ang pagod dahil sa pakikipaglaro sa anak ng isang tagapagluto sa kanilang palasyo. Naghabulan sila, at tumigil lang sila dahil nakita sila ni Dame Greta—ito ang asawa ng isang knight sa kanilang palasyo. Malapit ito kay Reyna Alea kaya alam ng prinsesa na magsusumbong ito. Sa hula ni Prinsesa Azalea ay mapapagalitan siya ng kaniyang Ina dahil sa paglalaro. Ilang pangaral na naman ang maririnig mula sa bibig nito. Sasabihin na naman nito na hindi na dapat maglaro ang prinsesa. Napabangon si Prinsesa Azalea noong narinig ang pagbukas ng pinto. Yumuko si Catalina sa harapan ni Prinsesa Azalea bilang pagbibigay galang. “Prinsesa Azalea, ihahanda ko na po ang kasuotan na gagamitin mo para mamaya,” wika ni Catalina at pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa kabilang pinto, kung nasaan ang kwarto na pinaglalagyan ng mga saya at damit ng prinsesa. Ilang minutong naglagi si Catalina sa kwartong lagayan ng damit. Natagalan ito dahil sa paghahanap. Noong bumalik ito ay may dala na itong maganda na saya. Iniharap ng tagasilbi kay Prinsesa Azalea ang saya kaya nakita ang buong detalye nito. Isa itong kulay asul na off shoulder dress na mahaba ang palda na umaabot sa sahig. Ang manggas nito ay may konting tastas sa bandang braso, at ang pababa naman nitong manggas ay mas mahaba pa sa kamay ngunit maluwang. Ang parte ng dibdib nito, pababa sa baywang ay masikip. Simple ang disenyo ngunit ang tela ay kapansin-pansin ang pagiging mahal. Napabuntong hininga si Prinsesa Azalea. Hindi niya gustong umalis sa palasyo. “Kailan ko ba talagang pumunta sa gaganapin na kasiyahan sa ilog ng tadhana?” tanong ni Prinsesa Azalea kay Catalina. Tumango si Catalina. Maayos nitong ipinatong ang magandang saya sa kama. “Kailangan mo pong pumunta dahil ikaw po ang nag-iisang Prinsesa ng kaharian ng Azea,” sagot ni Catalina. Laging hinahanap ng mga mamamayan ng kanilang kaharian si Prinsesa Azalea. Isang mapalad na pagkakataon kung makikita ng mga bampira ang kagandahan ng Prinsesa. “Wala naman akong gagawin doon. Uupo lang naman ako at maghihintay na matapos ang aliwan na ipapalabas,” sagot ni Prinsesa Azalea. “Magiging masaya po ang lantern festival. Marami pong mga masasarap na pagkain ang mabibili sa mga tindahan na malapit sa ilog. May mga kasuotan din at iba’t ibang mga gamit. Kung nanaisin mo naman po na magpaanod ng umiilaw na parol sa ilog, sasamahan po kita,” suhestiyon ni Catalina sa Prinsesa. Ang diksyunaryong ingles ay lumaganap na sa iba’t ibang sulok ng Kosmos Vampir. Ang ingles na salita ay unti unti nang ginagamit sa apat na kaharian. Unti-unti nang natututo ang mga bampira ng mga salitang ingles, maging matanda man o bata. “Alam mo naman na hindi ako makakapamasyal sa paligid. Isa akong prinsesa na dapat ay laging nakaupo sa entablado, Na palagi ring nakatabi sa aking amang hari at inang reyna.” Bumuntong hininga si Prinsesa Azalea. Nais niyang mamasyal ngunit bantay sarado siya. “Manonood lang kami sa mga magtatanghal habang pinapanood kami ng mga mamamayan ng kaharian namin,” dagdag ng prinsesa. Lumapit si Catalina at pumunta ito sa likod ng prinsesa. Sinimulan nitong ayusin ang buhok ng prinsesa. “May paraan po ako para makaalis ka sa entablado at para makapamasyal po tayo,” magalang na pagbibigay alam ni Catalina. Lumingon si Prinsesa Azalea kay Catalina. Nakuha nito ang atensyon ng dalagita. “Sa anong paraan? Baka mahuli tayo,” kinakabahan ngunit natutuwa na reaksyon ni Prinsesa Azalea. Ngumiti si Catalina. “Magpapanggap ka po na kailangan mong gumamit ng palikuran. Hindi na po nila mapapansin ang pagkawala mo sapagkat nasa magtatanghal ang atensyon ng hari at reyna,” pagsasabi nito sa plano. Kumunot ang noo ng Prinsesa. “Nakalimutan mo yata na tuwing umaalis ako ay maraming tagapaglingkod na nakasunod sa akin,” wika niya habang nawawalan ng pag-asa. “Si Sir Benidive na lang ang piliin mo upang magbantay sa iyo,” sagot ni Catalina. Unti unti na napangiti si Prinsesa Azalea dahil sa sinabi ni Catalina. “Ngayon ay alam ko na kung bakit mo ako hinihikayat na mamasyal sa buong pagdarausan ng kasiyahan,” sabi ng Prinsesa. “Nais ko lang ng tipanan,” sagot ni Catalina. Namula ang pisngi nito. “Ang salitang date sa ingles. Masyadong tagalog, unti unti nang natutunan sa mundo natin ang salitang ingles. Maaari ka namang sumunod sa uso,” suhestiyon ng Prinsesa. “Mas komportable pa rin ako sa sarili nating mga salita,” sagot ni Catalina. “Mabalik tayo sa usapan. Marami pa tayong dapat planuhin. Pumapayag na akong mamasyal,” wika ni Prinsesa Azalea. Napatingin ang prinsesa sa damit na nakalagay sa ibabaw ng kama. Napaisip ito sa isang bagay. “Paano ang aking kasuotan? Hindi ako maaaring mamasyal ng ganito ang suot ko. Masyadong maganda at mamahalin, baka pagtinginan tayo ng mga tao. Ang mahirap pa, baka mapansin nila na ako ang prinsesa,” puna ni Prinsesa Azalea. Ngumiti si Catalina. Sinimulan nitong suklayin ang buhok ng prinsesa. “Ako na po ang bahala sa susuotin mo. Nakahanda na po iyon,” sagot ni Catalina. Kagabi ay nanghiram ito ng damit sa kapatid na babae. Kasing edad ito ng prinsesa at kasing katawan din. “At talagang pinagplanuhan mo nang maigi para lang maka-date mo ang minamahal mong kabalyero,” sabi ni Prinsesa Azalea at napatawa ito. Mas namula pa ang mukha ni Catalina. Hinawakan nito ang pisngi gamit ang kaliwang kamay. “Mahal ko lang po talaga siya, Prinsesa.” Biglang nalungkot ang Prinsesa noong naisip ang isang posibilidad na mangyari. “Kung maikakasal ka sa isang knight, hindi ka na makakapaglingkod sa akin,” malungkot na sabi ng prinsesa. Mabilis na lumuhod si Catalina. Nabitawan nito ang suklay at nagmamadali na yumuko. “Hindi pa rin naman po kita iiwan,” sagot ni Catalina habang nakayuko. Bumuntong hininga si Prinsesa Azalea. Hinawakan nito ang balikat ni Catalina at tinulungan ito sa pagtayo. “Maaari mong gawin ang mga gusto mo. Hinding hindi kita pipigilan sa mga nais mo,” Ngumiti si Prinsesa Azalea. “Hindi ko pipigilan ang pagmamahalan niyo. Kung may hihilingin man ako mamayang gabi, ito ay nais kong maging maayos at mahaba pa ang pagsasama niyo,” wika ng prinsesa. Nagtataka na tumingin si Catalina sa Prinsesa. “Bakit hindi na lang po buhay pag-ibig mo ang iyong hilingin?” tanong ni Catalina. “Hindi ko pa naiisip ang pag-ibig. Bata pa ako kung maituturing,” sagot ni Prinsesa Azalea. “Kung sa mundo ng mga tao, ang anyo ng katawan ko ay nasa edad pa lang ng labing anim. Ang gusto ko pa rin sa buhay ay maglaro,” sagot ni Prinsesa Azalea. Bata pa rin ang kaniyang isip, at kilos. Gusto niya pang namnamin ang pagiging bata kahit na nagdadalaga na siya. “Mabilis ang takbo ng oras, Prinsesa. Mas magandang matamasa mo muna ang kabataan mo,” nakangiti na sabi ni Catalina. Mas lalong nalungkot ang Prinsesa. “Nais kong gawin iyon. Nakakalungkot nga lang dahil ang mga kapatid ko ay wala sa tabi ko. Gusto ko silang makasama at makalaro ngunit lagi naman silang pinapabalik ni Amang Hari sa mga lugar na pinapa-puntahan nito,” sagot nito. Maraming taon na ang nakaraan mula noong pinapunta ni Haring Cimon ang mga anak sa iba’t ibang lugar. Minsan na lang makasama ni Prinsesa Azalea ang mga kapatid niya. Sobrang nakakaramdam siya ng lungkot at pangungulila. Bata pa lang siya mula noong umalis ang mga ito. Bumuntong hininga na lang si Prinsesa Azalea. Pilit niyang inalis sa isip ang pangungulila. “Oo nga pala, baka mawala sa isip ko. Sasabihin ko na ngayon na huwag mo akong tatawaging prinsesa kung nasa publikong lugar na tayo. Mas maganda kung tatawagin mo akong Binibini,” bilin ni Prinsesa Azalea. Yumuko si Catalina at pagkatapos ay sumagot, “Masusunod po, Mahal na prinsesa.” * Pinagmasdan ni Prinsesa Azalea ang pansamantalang pamilihan na kahit anong oras ay maaaring ilipat sa orihinal na lugar ng pamilihan. Lumipat lang ang mga ito para malapit sa ilog ng tadhana. Maraming mga bampira ang nagtayo ng maliit na tindahan sa gilid ng daanan para makabenta ng marami. Pinagmasdan ni Prinsesa Azalea ang mga palamuti sa mukha at buhok ng babae. Magaganda ang mga iyon. Wala siyang masabi na negatibo sa mga ito. “Binibini, May nais ka po bang bilhin?” tanong ni Catalina. Napatingin si Prinsesa Azalea kay Catina. Umiling siya. Marami na siyang mga palamuti. Hindi naman niya nagagamit. Napalipat ang atensyon ni Prinsesa Azalea kay Sir Benidive—ito ang knight o kabalyero na katipan ni Catalina. Matipuno ito at mabait. Masunurin din ito at tapat sa tungkulin. Pabor si Prinsesa Azalea na ito ang makatuluyan ni Catalina. Nasa mabuti itong mga kamay. Muling tiningnan ni Prinsesa Azalea si Catalina. Isang tipid na ngiti ang ipinakita ng prinsesa. “Tinitingnan ko lang ang mga makukulay na palamuti sa buhok. Hindi ko inaakala na magaganda pa rin ito kahit na mura lang ito,” sabi ni Prinsesa Azalea. “May mga mamamayan po kasi na hindi kayang bumili ng mahal kaya mas pinamura po ng tindero ang kaniyang tinda,” sagot ni Catalina. Tumango si Prinsesa Azalea. Tiningnan ulit ang palamuti. Nagtagal ang tingin sa kulay luntian na tali sa buhok. May desenyo ito ng bulaklak na kung tawagin ay Lotus. “Nais kong bumili ngunit hindi ko naman makikita sa salamin kung maayos ba sa akin ang palamuti na ito. Ang hirap sa mga bampira, hindi natin nakikita ang ating repleksyon sa salamin. Nakakatawa lang isipin na may naglakas pa ng loob na mag-imbento ng salamin,” pahayag ni Prinsesa Azalea. Hinawakan ni Prinsesa Azalea ang isang aksesorya. May bulaklak ito sa dulo at labing limang sentimetro ang haba ng manipis na bakal, isinusuksok ito sa buhok bilang palamuti. Gustong makita ni Prinsesa Azalea na suot niya ang bagay na iyon ngunit hindi naman niya kaya. May isang imbentor na naglakas loob na gumawa ng salamin. Sinunod nito ang nasa libro na galing sa mundo ng mga tao. Ngunit hibang ito dahil nagsayang lang ito ng panahon at lakas. Walang sinoman na bampira ang makakagamit ng salamin. “Hindi mo man po makita ang sarili mo sa salamin, kami na po ang magsasabi sa iyo kung gaano ka po kaganda. Bagay po sa iyo ang lahat ng isinusuot mo,” sabi ni Catalina habang nakangiti. Napailing si Prinsesa Azalea at bumuntong hininga. “Sa larawang naka-pinta ko lang nakikita ang aking sarili,” sagot ni Prinsesa Azalea. Natahimik na si Prinsesa Azalea matapos iyon. Naglakad na lang sila sa gilid ng ilog. Kitang kita ng mga bampira ang magagandang lantern na lumulutang sa ibabaw ng tubig. Naging maliwanag ang ilog dahil sa mga kandila na nakasindi sa lantern o parol. Masaya ang mga bampira habang kasama ang mga iniibig nila. Ang iba naman ay kasama ang buong pamilya. Kumakain ang iba sa gilid ng ilog at nanonood sa mga lantern na nasa ilog. “Binibini, Isang oras lang po tayo pwedeng mamamasyal. Kailangan nating makabalik sa tamang oras para makaabot tayo sa pagtatapos ng tanghalan. Kung mahuhuli tayo ay mapapansin ni Haring Cimon na hindi ka niya kasabay sa pag-uwi,” sabi ni Sir Benidive. Napatingin si Prinsesa Azalea sa magkatipan. Ilang beses niya nang napansin ang pagiging malambing ng dalawa. Hinahayaan niya lang ang mga ito. “Ayos lang sa akin na maikli lang ang oras sa pamamasyal. Sapat na sa akin iyon. Kung gusto niyo naman na magkasarilinan, ayos lang kung iwan niyo ako. Kaya ko naman na mamasyal ng mag-isa,” sabi ni Prinsesa Azalea. “Ngunit hindi po ligtas para sa’yo na maggala ka nang mag-isa,” tutol ni Sir Benidive. Bumuntong hininga ang prinsesa. Gusto lang naman niyang bigyan ng pribadong oras ang dalawa. “Kung ganoon ay ituring niyo na lang ako na isang hangin na hindi nakikita o napapansin. Magsaya kayo dahil minsan lang mangyari ang ganitong pagdiriwang,” suhestiyon ni Prinsesa Azalea. Tumingin ang prinsesa sa tulay. Malaki ito at malawak ang daanan. Kasya ang kalesa kung dadaan dito. Napagpasyahan ng prinsesa na pumunta roon. Kahit ilang minuto lang ay nais niyang mapag-isa ang dalawa. “Nais kong pumunta sa tulay. Ayos lang sa akin kung hindi niyo ako samahan. Gusto kong magkaroon kayo ng oras na para sa inyong dalawa lang,” sabi ni Prinsesa Azalea. Malapit lang ito kaya kita pa rin siya ng dalawa. Hindi na hinihintay pa ni Prinsesa Azalea ang pagsagot ng mga ito. Umalis na siya. Pumunta ang prinsesa sa kahoy na tulay. Habang naglalakad ay tinitingnan niya ang nakasabit na mga bilog na lanterns sa poste ng tulay. Liwanag ang hatid ng mga ito. Ang lantern naman na pinapa-lutang sa tubig ay hugis lotus at may maliit na kandila sa gitna nito. Tumigil ang prinsesa sa gitna ng tulay, at pinagmasdan ang mga maliwanag na lantern sa tubig na marahan na gumagalaw dahil sa hangin. Mahina ang pagdaloy ng tubig kaya hindi mabilis makaalis sa pwesto ang mga lantern. Kung hindi nagkakamali ang prinsesa, water lantern ang tawag sa ingles. Matagal na itong gawain ng mga bampira sa kaharian nila tuwing sumasapit ang pagdiriwang sa ilog ng tadhana. “Bakit wala kang parol na binili?” tanong ng boses ng isang lalaki. Napalingon si Prinsesa Azalea sa lalaking sumulpot. Hindi na napansin ng prinsesa ang mukha nito dahil nakasuot ito ng cloak. Mas nakita niya ang hawak nitong lantern na may sindi na ang kandila. “Wala na akong mabilhan ng parol,” sagot ng prinsesa. Nahuli sila ng pagbili kaya naubusan sila. Hindi nila alam na marami pa lang mga bampira ang bibili ng parol kahit na may pagka-mahal ang presyo nito. Siguro ay gusto nilang humiling at matupad ito. “Ganoon ba? Gusto mo bang magpalutang ng parol sa ilog?” tanong ng lalaki. “Nais ko ngunit wala akong parol,” sagot ng prinsesa. Saan siya kukuha ng lantern? Hindi naman niya nais mang-agaw sa iba para lang makahiling. “May nais ka bang hilingin?” tanong ng misteryosong lalaki at may halong kuryosidad sa boses nito. Kumunot ang noo ng prinsesa. Bakit naman ito naitanong ng lalaki? “Oo. Nais kong humiling.” Isang hiling na sana ay matupad. Hindi ito para sa pansariling kapakanan ngunit para sa iba. “Nakabili ako ngunit hindi ko naman alam kung anong hihilingin. Sa buhay ko naman ay lahat ng bagay ay nakukuha ko. Wala na akong mahihiling pa,” sabi ng lalaki. Swerte pala ang lalaki. Misteryoso man ito sa paningin ng prinsesa, alam niyang isa itong maharlika. Ibinalik ng prinsesa ang atensyon sa ilog. “Kaya ko rin na kunin ang lahat ngunit may dalawang bagay akong nais pang hilingin na hindi kayang bilhin ng salapi,” sambit niya. “Kung ganoon ay ibibigay ko na lang sa’yo ang parol na binili ko,” alok ng lalaki kaya nakuha nito ang atensyon ng prinsesa. Kumunot ang noo dahil sa kalituhan sa sinabi ng lalaki. Bakit kay bilis lang dito na ibigay ang bagay na iyon? “Hindi mo na ba gagamitin?” Tanong ng prinsesa. “Hindi na dahil wala naman akong nais hilingin pa,” sagot ng lalaki at ibinigay ang lantern sa prinsesa. Mabait pala ang lalaki. Hindi niya inaasahan ang pagiging mapagbigay nito. Hindi na nag-atubili pa si Prinsesa Azalea at kinuha niya ang ibinigay ng lalaki. Naglakad na ang prinsesa papunta sa dulo ng tulay. Noong tumapak na sa lupa ay mabilis na naglakad patungo sa tubig. “Nais mo ba ng tulong sa paglalagay ng parol sa tubig?” Tanong ng lalaki kaya napalingon ang prinsesa. Umiiling si Prinsesa Azalea at pagkatapos ay umiling. “Hindi na. Kaya ko na itong gawin,” sagot ng prinsesa. Itinaas ng prinsesa ang saya upang hindi ito sumayad sa tubig, at mabasa. Lumusong ito sa mababaw na ilog. Yumuko si Prinsesa Azalea at pagkatapos ay marahan na ipinatong ang lantern sa tubig. Hindi pa rin namamatay ang kandila nito. Water lantern festival Sa susunod na pagdiriwang ay napagpasyahan ng prinsesa na muling pumunta. Ipinikit ng prinsesa ang mga mata niya. Ang tanging hiling ko lang ay kapayapaan at kalayaan. Noong nagmulat ng mata ang prinsesa ay bumalik na siya sa lupa. Hinawakan ng lalaki ang braso niya at inalalayan siya nito. Nagpasalamat ang prinsesa sa lalaki. Hindi ito nagsalita. Pinagmasdan lang nilang dalawa ang maliwanag na mga parol. “Alam mo bang mayroon ding ganitong pagdiriwang sa aming kaharian,” pagkukwento ng lalaki. Nakuha nito ang atensyon ng prinsesa. “Saang kaharian ka galing?” “Sa kaharian ng Noris. Humihiling din kami sa parol ngunit pinapalipad namin ito sa kalangitan,” sagot ng lalaki sa tanong. Nakaramdam ng excitement ang prinsesa dahil sa nalaman. Hindi niya inaakala na mayroon pa lang ganoon sa ibang kaharian. “Hindi pa ako nakakakita ng ganoon. Nais kong makapunta sa Kaharian ng Noris para masaksihan ang pagdiriwang na iyong sinasabi,” wika ng Prinsesa. Tumikhim ang lalaki at pagkatapos ay seryosong nagsalita. Nanatili sa ilog ang tingin nito. “Sa ika-dalawampu’t isang araw sa susunod na buwan, magkita tayo sa tulay na ito. Isasama kita sa Kaharian ng Noris upang masaksihan ang pagdiriwang namin ng sky lantern,” sambit ng lalaki ngunit nakaramdam ng panlulumo ang prinsesa. “Hindi ko sigurado kung makakapunta ako,” sagot ni Prinsesa Azalea. Paano nga ba siya makakapunta? Makakatakas kaya siya? Paano na lang kung mahuli siya ng mga nagbabantay sa kaniya? Mahirap ding magpaalam sa kaniyang ama at ina. “Maghihintay pa rin ako sa’yo sa nakatakdang araw ng pagkikita natin,” sabi ng lalaki. Hindi alam ng prinsesa kung bakit nakaramdam siya ng saya sa sinabi nito. Magsasalita pa sana si Prinsesa Azalea ngunit may biglang tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya at nakita niya ang magkasintahan sa kabilang dulo. Kumaway siya pabalik kay Catalina. Noong lumingon si Prinsesa Azalea upang tingnan ang kasama ay wala na ang lalaki sa tabi niya. Napabuntong hininga na lang ang prinsesa dahil hindi niya naitanong ang pangalan ng lalaki. Bakit nga ba umalis agad ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD