Kabanata 57 Nag-alangan pa ako sa pagpapaalam kay Prinsesa Zemira. Noong nagkaroon ako ng lakas ng loob ay nagpaalam ako sa kaniya. Sinabi kong may gagawin kami ni Prinsipe Aleric. Imbis na magalit siya sa akin ay walang pagdadalawang isip niya akong pinayagan. Hindi na nga siya nag-abala pang itanong sa akin kung ano ang aming gagawin. Hindi mawala sa akin ang pagtataka. Akala ko ba ay galit siya kay Prinsipe Aleric? Bakit isang sabi ko lang sa kaniya ay pinayagan niya agad ako? “Saktong sakto ang iyong pagkakagawa. Ang hugis ay katulad lang ng sa akin. Ang pagkakayari ay maayos at hindi malagkit tulad ng unang ginawa ko. Mas magaling ka sa akin,” rinig kong sabi ni Prinsipe Aleric. Marahan akong umiling sa kaniya habang ibinababa ang tableta. Napansin ko na titig na titig siya sa akin

