Kabanata 22: Ang Sugatang Lalaki

1049 Words
"Sabagay. Nawa'y maging matagumpay ang kapistahan," wika naman ng kaniyang Ama at muli itong tumingin sa Gobernador. "Mas magiging matagumpay kung may kaunting salo-salo sa inyong tahanan senyor," birong ani Gobernador temotheo habang gumuguhit ang ngiti nito sa mukha. Napangiti naman ang kaniyang Ama sa sinabi ng Gobernador. "Ba-bakit hindi? Kung ganoon mas magiging masaya ang kapistahan," sambit ni Heneral Cuenco sabay kuha nito ng tabako na nakalagay sa Mesa. "Anyayahan natin ang matataas na opisyales. Magkaroon tayo ng isang simpleng sayawan," dagdag pa ng kaniyang Ama. "Napakaganda iyan kung ganoon ay maglalasing nanaman tayo hanggang sa tayo'y makatulog," wika naman ni Gobernador Temotheo. "Maliban sa patimpalak ay marami pang ipapalabas sa bayan." "Ngunit senyor kamusta na pala ang magiging manok mo?" nagtatakang tanong ni Gobernador Temotheo. "Mabuti naman siya," mabilis na tugon ng kaniyang Ama at bigla itong tumingin sa mga Guwardiyang nasa labas. "Puntahan n'yo ang tulisan. Alamin n'yo ang kalagayan niya." Opo senyor," nagmamadaling wika ng mga Guwardiya na kaagad-agad umalis. Mga ilang sandali pa ay napalingon naman si Mayumi sa labas. "Itang lalabas muna kami't upang makapaglakad-lakad," aniya na muling tumingin sa mukha ng kaniyang Ama. "Huwag kayong lalayo," sagot naman ng kaniyang Ama. "Samahan mo muna siya, Deday." "Opo senyor. Tara na Señorita." Agad na silang lumabas sa himpilan ng Gobernador. Hindi muna sila lumabas ng kuwartel dahil nais ni Mayumi na tumingin-tingin muna saglit. "Napakaraming mga armas dito," aniya habang pinagmamasdan ang mga baril at espada na nakaayos sa isang silid ng kuwartel. "Oo nga ho Señorita," wika naman nj Deday at pumasok ito sa silid. Hindi sumunod si Mayumi kay Deday na pumasok sa loob dahil nakita niya ang isang lagusang pailalim. "Anong mayron ba-bakit napakadilim ng daanang iyon?" nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. Lumapit siya sa lagusan ngunit kinakain talaga ng dilim ang buong paligid kaya napahakbang siya pabalik. Inilibot muna niya saglit ang mga mata niya nang bigla niyang makita ang gasera na nakapatong sa mesa kaya kinuha niya ito. "Ano kaya ang mayroon sa lugar na iyon?" Lumapit muli siya sa madilim na daanan nang madinig niya ang iilang kalabog na nanggaling doon kaya lalo siyang nagtaka kung ano ang mayroon sa lagusan. "Wala namang mawawala kung titingnan ko't alamin." Muli niyang tiningnan ang silid na pinasukan ni Deday ngunit hindi pa rin ito lumalabas kaya tumuloy na siya sa paglalakad. "Napakadilim ng daanang ito," aniya, at humakbang na siya patungo sa madilim na daan. Mga ilang sandali pa ay nakapasok na siya ng tuluyan sa madilim na daan. Tumayo na lang bigla ang mga balahibo niya sa kamay dahil kakaibang lamig ang lumalapat sa kaniyang balat. Napatakip na lang siya sa kaniyang ilong dahil sa masangsang na amoy na kaniyang nalalanghap. Para bang may nabubulok na hayop sa loob ng daanang iyon. Dinig na dinig din niya ang mga kaluskos at huni ng mga daga sa paligid kaya kumabog na lang bigla ang kaniyang dibdib. "Anong mayroon sa lugar na ito?" tanong pa niya. Wala siyang makita sa paligid dahil sa sobrang dilim liban sa kaniyang nadaraanan dahil natatamaan ito ng liwanag ng gasera niyang dala-dala. Malayo-layo na rin ang kaniyang nalakad nang tumigil siya't lumingon sa kaniyang likod. Hindi na niya natatanaw pa ang liwanag sa labas. "Baka nag-aalala na sa akin si Deday." "Tulongggg!!" Isang boses ang nadinig niya. Umalingangaw ito sa paligid kaya kaagad niya itong nadinig. "Sa-saan nanggaling ang tinig na iyon?" Muli siyang tumingin sa madilim na paligid at inikot-ikot niya ang kaniyang tingin. "Tu-tu-tulungan n'yo -a-a-akooo!" Muli pa niyang nadinig ang boses kaya humakbang na siya para hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon. "Si-sino iyan? May tao ba riyan!?" napasigaw na lamang siya baka sakaling marinig iyon ng humihingi ng tulong. Mga ilang sandali pa'y tumahimik na ang buong paligid. Wala na siyang nadinig na boses kaya lalo siyang nagtaka kung sino at saan nanggaling ang boses na iyon. Naglakad muli siya hanggang sa makarating sa isang bilangguan. Itinapat niya ang hawak-hawak niyang gasera sa bilangguan at nakain ito ng liwanag. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita. Kumabog nang kumabog ang kaniyang dibdib. Amoy na amoy rin niya ang sariwang dugo na nagkalat sa lapag. Malangsa ito tulad ng isdang bagong huli. Napahawak na lamang siya sa rehas ng kulungan. Kitang-kita niya ang isang lalaki dahil ito ang natamaan ng liwanag ng kaniyang gasera. Tinalian ito ng kadena sa dalawang kamay at sa dalawang paa. Unat na unat ito na mistulang nakadepa. Nakahubad ito ng damit at tanging pang-ibaba lang ang suot nito. Kitang-kita rin niya ang sugat nito sa tagiliran. Ito ang dahilan kung bakit may nagkalat na dugo sa lapag. Nakayuko lamang ang lalaki at hindi ito gumagalaw. "Ginoo, gumising ka!" wika niya at hinanap niya ang susi sa tarangkahan ng kulungan ngunit hindi niya ito matagpuan. "Diyos ko po. Nawa'y buhay ka pa ginoo," pilit niyang inalog-alog ang kulungan baka sakaling mabuksan iyon ngunit hindi talaga. "Tila patay na siya ngunit huwag naman sana." Itinapat pa niya ang gasera sa lalaki at kitang-kita niyang may mga maliliit din pala itong galos liban sa sugat nito sa tagiliran. "Ginoo, kung buhay ka man nawa'y gumising ka na," wika pa niya. Awang-awa siya sa kalagayan ng lalaki. Gusto niya itong tulungan ngunit hindi siya makapasok dahil hindi niya mabuksan ang kulungan. "Hintayin mo ako ginoo, hihingi ako ng tulong." Akmang tatalikod na siya nang biglang may lumapat na kamay sa kaniyang balikat. "Señorita ano pong ginagawa n'yo rito?" "Sa-santiago ikaw pala," wika niya kay Santiago, ang Guwardiya na kasama niya kani-kanina lamang. Muli niyang tiningnan ang lalaking nakatali at itinuro niya ito kay Santiago. "Si-sino siya? Ba-bakit ganiyan ang kalagayan niya?" Tumingin naman si Santiago sa lalaking nakatali. "Isa po siyang tulisan, nagkasala siya sa bansang Españ kaya siya naririyan," tugon naman ni Santiago. "Huwag po kayong mag-alala señorita. Ako na po ang bahala sa kaniya." Itiniro pa nito sa kaniyang labasan sa lugar na iyon. "Humayo na ho tayo sa labas 'pagkat kanina pa po sa iyo naghahanap si Deday." Muli niyang nilingon ang lalaking nakatali bago siya sumama kay Santiago. "Sino kaya ang lalaking iyon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD