Heneral Cuenco PoV
"Mangmang wala na bang ibibilis ang karwahe mong ito!?" inis na tanong niya sa manig-karwaheng Indiong kaniyang sinasakyan, at malagkit niya itong tinapunan ng tingin.
Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan patungo sa kuwartel kung saan nakabilanggo ang tulisang kanilang nadakip. Napalilibutan ang kanilang nadaraanan ng mga nagtataasang punong kahoy ng Narra. Makikita naman sa taas ng mga puno ang mga ibon tulad ng maya at mga kalapati dahil nagsisilong ang mga ito sa matinding sikat ng araw. Kaluskos at mga huni lamang ng mga ito ang tanging madidinig sa paligid.
"Ipagpaumanhin po ninyo senyor kung mabagal po ang karwahe ko. Tiyak na nauuhaw lang po ang aking kabayo kaya mabagal ang kan'yang pagtakbo," pagpapaliwanag naman ng lalaki. Tiningnan siya nito at biglang napayuko na lamang.
"Estúpido! Ang sabihin mo'y sad'yang mabagal lang talaga itong karwahe mo. Nais mo bang patawan kita ng napakalaking tributo? Kayo talagang mga Indio mga mang-mang!" galit na wika niya habang tinitingnan pa ng masama ang lalaki.
"Nakikilala mo ba ako?" usisa pa niya rito.
Agad namang lumingon sa kaniya ang lalaki. Saglit lamang siya nitong pinagmasdan ng maiigi at agad ding ibinalik ang tingin sa kanilang dinaraanan. Maya-maya pa'y narating din nila ang kuwartel kung saan nakabilanggo ang tulisang kanilang nahuli.
"Ihinto mo! Tila yatang bingi ka? Nadidinig mo ba ako? Sabing ihinto mo!" pasigaw na utos niya sa lalaki.
"Opo senyor patawad," tugon naman ng lalaki. Nakayuko lamang na inihinto ng lalaki ang karwahe nito.
Agad naman siyang lumabas sa karwahe upang pagmasdan ang mga nangyayari sa paligid. Noo'y nakita niya ang isang lalaki sa tabi ng pintuan ng kuwartel. Hindi siya nagkakamali si Vasquez nga ang kaniyang nakita ang isa sa mga tapat na Guwardiya-Sibil na tagasunod din niya. Napansin din siya nito kaya dali-dali itong lumapit sa kaniya.
"Vasquez, nagawa mo ba ang pinag-uutos ko sa'yo?" usisa niya kay Vasquez.
"Opo Heneral, alam na po ng mga taga-Sta. Mesa ang pagkakadakip natin sa tulisang 'yon. Ngunit may problema po tayo Heneral. May natanggap po akong telegrama mula sa itaas na mayroon daw pong nagmamatyag sa ating ginagawa," nag-aalalang sagot ni Vasquez.
"Nagmamat'yag? Nagpapatawa ka ba? At sino namang hangal ang nagmamatyag sa atin? Mga indio?" kunot nuong tanong niya.
"Hindi ko po nasisigurado Heneral," tugon pa ni Vasquez.
Noo'y patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Hindi nila napansin ang patingin-tingin na ginagawa ng lalaking manig-karwahe sa kanila. Maya-maya pa'y may sinitsitan itong isa pang lalaki na agad namang sumakay sa karwahe nito. Mabilis ding umalis ang mga ito sa lugar na hindi napapansin ng Heneral at ng mga Guwardiya-Sibil.
Maya-maya pa'y pumasok na rin sila sa loob ng Eskwartel. Naabutan nila roon ang mga Indiong naglalako ng sampaguita. Pinalabas nila ang mga ito ngunit may isa sa mga ito na tumangging lumabas dahil sa kakarampot nitong kinikita. Nagmakaawa pa itong huwag nang palabasin at hayaan na lamang na makapagbinta ng sampaguita sa loob ng Eskwartel.
"S-senyor, p-parang awa n'yo na hayaan n'yo na po akong makapagbinta ng sampaguita. W-wala na pong makain ang aking pamilya at may sakit pa po ang bunso kong anak. P-parang awa n'yo na senyur." Pagmamakaawang wika nito habang nakaupong hinihila-hila ang pangbabang suot niya.
"Estúpido tumigil ka!" Dinapalan niya agad sa mukha ang lalaki. Dikit na dikit ang malapad na palad niya sa magaspang na mukha ng lalaki. Napasubsob naman ito sa lupa at natilapon ang mga sampaguita nitong hawak-hawak. Itinaas naman ni Vasquez ang kaliwa niyang paa at inapakan ang mga sampaguita dahilan upang magkadurog-durog ang mga ito.
"Guwardiya?"
"Heneral?" Agad na lumapit sa kaniya ang dalawa pang Guwardiya Sibil sa loob ng kuwartel.
"Ilabas ang basurang Indiong ito!" utos niya sa mga guwardiya sabay turo sa kaawa-awang lalaki na nakahandusay sa lapag.
Nagmamadaling lumapit sa kanila ang mga Guwardiya-Sibil at akmang ilalabas na ang lalaki ngunit bago pa man 'yon tinitigan muna sila ng lalaki. Siniyasat muna nitong mabuti ang kanilang mga mukha na tila ba'y tinatandaan sila ng mga ito bago ito sumama sa mga Guwardiya at lumabas sa kuwartel.
"Wala talagang nagagawang mabuti ang mga ganoong Indio. Tila ba ga'y sakit lamang sila sa ulo. Nagkakalat lamang sila rito sa loob ng Eskwartel," wika niya at mabilis na nagpatuloy sa paglalakad patungo sa himpilan ng Gobernador-Heneral.
"Nariyan na ba ang Gobernador?" tanong niya sa dalawang Guwardiya na nagbabantay sa labas ng himpilan ng Gobernador-Heneral.
"Opo senyor, nariyan na ho sa loob ang mahal na Gobernador-Heneral," tugon naman ng mga guwardiya sabay yuko bilang paggalang sa kaniya.
Dali-dali siyang pumasok sa loob ng silid ng Gobernador-Heneral at naiwan naman sa labas si Vasquez kasama pa ang iba pang Guwardiya-Sibil. Nakita niya ang Gobernador sa loob. Kasalukuyan itong nakaupo at abala sa pagsusulat sa isang kapirasong papel.
"Buenos Dias Don. Timotheo," pagbibigay galang niya sa Gobernador-Heneral na kasalukuyang nakaupo.
"Maupo ka Heneral. Bakit tila yatang 'ansama ng templa ng iyong mukha?" usisa nito sa kaniya.
Napaupo naman siya sa isang silyang kahoy. Kaharap niya ang Gobernador-Heneral.
"Ipagpaumanhin po ninyo. Nasira lang ang araw ko sa mga mang-mang na Indiong aking nakita. Bakit pa ba'y hanggang ngayon naririto pa rin sila sa kuwartel? Nararapat lamang talaga na patawan sila ng napakalaking tributo at ipadala sa ibang lugar upang lumahok sa polo y servicio nang mapakinabangan naman sila," pagbibigay tugon niya.
"Huwag tayong magmadali Heneral. Darating tayo roon sa takdang panahon," wika pa ng Gobernador sa kaniya.
Nagpatuloy pa rin sila sa pag-uusap ng Gobernador-Heneral habang sina Vasquez kasama ang dalawang Guwardiya ay tumungo kung saan nakabilanggo ang tulisan. Hindi nasisikatan ng araw ang loob ng kulungan kaya madilim ito. Nagdala sila ng gasira para mailawan nila ang kanilang daraanan papasok sa kulungan. Nagdala rin sila ng tubig ulan galing sa alulod ng kuwartel. Nakita nila ang tulisan nakahiga pa rin ito sa isang sulok ng kulungan at kasalukuyan pa rin itong natutulog. Dali-dali silang dumungaw sa rehas ng kulungan nito para buhusan ito ng tubig.
"Mumunting daga kamusta naman ang tulog mo?" tanong ng isa sa mga Guwardiya.
Nanghihina pa rin siya. Nagising siya dahil sa malamig na tubig na lumapat sa kaniyang katawan.
"P-parang awa n'yo na.I-ilabas n'yo na ako rito. H-hindi ko kayo kilala. Gusto ko nang makauwi sa amin," pagmamakaawang wika pa nito.
"Bakit ka namin pakakawalan ha? Isa kang tulisan! Nagkasala ka sa mahal na bansang España kaya ka naririto," wika pa ng isa sa mga Guwardiya.
"K-kuya nagugutom na po talaga ako. Gusto ko na pong kumain,"
"Ah? Ibig mo ba ng makakain? Nakita mo 'yang mga daga sa loob ng kulungan mo? Iyan ang kainin mo," wika nila sabay hagikgikan ng malakas.
Hindi sila nagtagal sa bilangguan at agad din silang bumalik sa himpilan ng Gobernador. Kasalukuyan pa rin na nag-uusap ang Gobernador at ang Heneral Cuenco nang sila'y makabalik. Nang biglang may isang malakas na putok ng rebolber ang kanilang nadinig galing sa labas ng kuwartel. Nagkagulo ang mga tao dahil sa putok na kanilang nadinig. Agad naman silang lumabas para alamin kung anong kaguluhan ang nangyayari sa labas ng kuwartel.
"Ano'ng kaguluhan ang mayroon sa labas?" nagtatakang tanong ng Gobernador-Heneral kay Vasquez.
"Hindi ko po alam Gobernador," tugon naman ni Vasquez.
Dali-daling tumakbo sa kanila ang isa sa mga Guwardiya galing sa labas. Pahingal-hingal pa itong lumapit sa kanila.
"Mahal na Gobernador-Heneral, may nangyayari pong kaguluhan sa labas. Isang Indio po ang binaril ng isang lalaki," nagmamadaling wika pa nito.