Kabanata 5: Ang Pagpupulong

1095 Words
Isang lalaki ang nakahandusay sa putekan. Basag ang bungo nito at kasalukuyang naliligo sa sariling dugo. Agad na lumabas ang mga tao sa loob ng kuwartel upang tingnan ang nangyayari sa labas. "A-anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong ng Gobernador-Heneral habang nilalapitan ang mga nagkukumpulang tao sa paligid. "Magsipagtabihan kayong lahat! Mga inutil na Indio!" inis na wika ni Heneral Cuenco. Agad na bumungad sa kanila ang duguang bangkay. Nakahandusay pa rin ito sa putekan. "Hindi ba siya ang indiong naglalako ng sampaguita?" nagtatakang tanong ni Heneral Cuenco. "Opo siya nga," singit naman ni Vasquez at tangkang bubunot pa sana ng rebolber upang siyasatin ang mga taong nasa paligid. "Inyo bang nakita kung sino ang bumaril sa lalaking ito?" tanong pa ni Vasquez sa mga taong nasa paligid. Ngunit hindi man lang siya pinansin ng mga ito. "Huwag ka na kasing magtanong pa. Tiyak nama'y mga tulisan na naman ang pakana ng gulong ito. Tinatakot lamang nila tayo. Inaakala nila'y titiklop ang ating mga bayag. Mga hangal!" wika pa ni Heneral Cuenco na kaagad napahalakhak ng malakas. Napaupo naman ang Gobernador-Heneral para tingnan ng mabuti ang bangkay. Tama ang kaniyang hinala. Binril nga ito sa ulo upang wala ng pag-asang mabuhay pa. Noo'y napaisip siya kung ano ang nais ng salarin kung bakit pinaslang niya ang isang indiong dukha. "Vasquez?" "Gobernador?" "Nais kong alamin mo kung sino ang bumaril sa lalaking ito," wika pa nito. "Opo senyor, masusunod po," tugon naman ni Vasquez at muling inikot-ikot ang tingin sa paligid. Sa hindi kalayuan isang lalaki ang palihim na nagmamatyag sa kanila. Pakunwari pa itong bumibili ng mga kalakal na tinda ng isang mistisong Tsino. May kinuha itong papel mula sa isa pang lalaki na kaagad namang naglaho sa lugar. Pumasok na muli sa loob ng Eskwartel si Heneral Cuenco kasama ang Gobernador at iba pang mga Guwardiya-Sibil. Noo'y inalis na rin ang bangkay sa putekan at dinala na ito sa mga kamag-anak nito. Agad na nagpatawag ng pagpupulong ang Gobernador sa mga matataas na opisyales ng Gabeniti upang pag-usapan ang mga mangyayari sa darating na kapistahan ng bayan ng San Ebastian. Pag-uusapan nila kung ano ang nararapat na patimpalak na ipalalabas sa mismong araw ng kapistahan. Agad namang pinaunlakan ng mga matataas na opisyales ang paanyaya ng Gobernador. Kaya mabilis na nagsipagdatingan ang mga ito sa loob ng kuwartel. Noo'y nagsipag-upuan na ang lahat at handang-handa na itong magpahayag ng mga sari-sarili nitong mga opinyon. "Mahal na Gobernador-Heneral, kung iyo sanang pauunlakan mas nakabubuti po kung paligsahan sa pamamangka. Ang nais kong sabihi'y karera para sa mga mangingisda," pagbibigay opinyon ng isang mistisong Tsino. Napatingin naman ang kumandante ng Santa. Mesa sa mukha ng mistisong tsino dahil salungat ito sa kaniyang pahayag. "At paano natin gagawin 'yon Don. Silyo? Batid nating mabuto ang ilog dito sa San Ebastian. Kaya hindi nararapat ang paligsahan para sa pamamangka," tugon ng kumandante. "Ano kaya kung paligsahan sa pamamaril ng mga maya?" singit naman ng isang padre na agaran namang napatingin sa mukha ng Gobernador-Heneral. Sumang-ayon si Heneral Cuenco sa pahayag ng Padre. Ngunit hindi naman sumang-ayon ang iba kaya nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa magkabilaang panig. "Paano natin gagawin 'yon? Tiyak kakapusin lamang tayo sa mga bala ng rebolber," wika ng kumandante. Tumutol naman si Heneral Cuenco sa naging pahayag ng kumandante at inis nitong tinapunan ng tingin. "Hangal! Wala ka bang alam? Sapat ang pundo natin dito sa kuwartel kaya paano mo nasasabi na kukulangin tayo sa mga bala?" "Hindi. Hindi sa ganoon Heneral. Ang ibig ko lamang sabihi'y mag-aaksaya lamang tayo sa mga bala. Sapagkat nakalaan iyan kung sakaling sumalakay muli ang mga tulisan sa bayang ito," tugon pa ng kumandante. "Estupido! Hanggang ngayon ba'y takot na takot ka pa rin sa mga tulisan? Nasaan na ang bayag mo? Sabagay palibhasa isa ka ring Indiong mangmang!" "Hindi mo pa ako lubusang kilala Heneral. Kaya paano mo nasasabi 'yan? tanong pa ng kumandante habang inis ding tinatapunan ng tingin si Heneral Cuenco. "Iyan ang pagkakamali mo. Kilalang-kilala kita. Isa ka lamang hamak na Indio. Kinupkop lamang ng isang padre at pinag-aral sa mababang paaralan dito sa San Ebastian. Isang taon na rin ang nakararan ng sumalakay ang mga tulisan sa bayang ito. Ngunit anong nagawa mo? 'Di ba'y bigla kang naglaho? Dahil ang totoo nagtago ka sa saya ng iyong Ina," wika pa ni Heneral Cuenco na kinainis naman ng kumandante. "Pinalalabas mo ba nasa lahi namin ang pagiging duwag?" inis na tanong ng kumandante. "Hindi ba halata kumandante?" Agad na napatayo ang kumandante sa sobrang pagkainis sa pinagsasabi ni Heneral Cuenco. Hinamon na nito ng suntukan ang Heneral upang malaman kung sino sa kanila ang tunay na duwag. Noo'y nainis na rin ang Gobernador sa pagtatalo ng dalawa kaya hinampas na nito ng malakas ang mesa. "Tumigil na kayong dalawa!" sigaw pa nito. "Narito tayo upang pag-usapan ang patimpalak sa darating na kapistahan at hindi para sa away n'yong dalawa. Nakapag-isip-isip na ako. Sabong gagawin nating patimpalak," wika ng Gobernador at agad na napatingin sa mga mukha ng mga taong dumalo sa pagpupulong. "Sabong?" nagtatakang tanong naman ng lahat na pawang nagugulumihan sa pahayag ng Gobernador-Heneral. "Tama nga ang nadinig n'yo. Ngunit hindi sabong ng mga manok kundi ang mga bilanggo. Ang mga tulisan," tugon ng Gobernador. "Napakagandang patimpalak," napapangiting wika ng kumandante sabay tingin sa mukha ni Heneral Cuenco. "Kung gayon, ang magiging manok ko'y ang bagong dakip na tulisan," wika pa nito. "Nagpapatawa ka ba kumandante?" singit naman ni Heneral Cuenco. "Hindi ako nagpapatawa. Hindi ba nababakas sa mukha ko ang pagkaseryoso? Natitiyak kong malakas ang pangangatawan ng bilanggong 'yon. Kayang-kaya niya ang mga ilalaban sa kaniya. Bakit tila yata'y naduduwag ka sa magiging manok ko Heneral?" nakangiting tanong ng kumandante na tila inaasar si Heneral Cuenco. "Aba'y hindi! Hangal ka ba? Hinding-hindi kita a-atrasan. May isa akong nadakip na bilanggo itong mga nagdaang mga araw. Siya ang magiging manok ko. Tingnan natin kung kaya ng manok mo ang manok ko," tugon naman ni Heneral Cuenco. Sumang-ayon naman ang lahat sa patimpalak na gagawin. Nakatakda na ang patimpalak sa mismong araw ng kapistahan ng bayan ng San Ebastian. Inanunsyo naman ng Gobernador-Heneral ang napakagandang balitang ito sa mga mamamayan ng San Ebastian upang makapaghanda ang lahat. Dahilan upang manabik ang mga tao sa natanggap na balita. Kumalat naman ang balita sa karatig bayan kabilang ang bayan ng Santa Mesa dahilan upang magsipaglabasan ang mga mayayaman na pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD