Kabanata 6: Mayumi Salvador

1391 Words
Mayumi PoV "Señorita hindi pa po ba kayo kakain? Malamig na ho ang pagkain mo sa mesa," napalingon siya sa narinig niyang boses at nakita niya sa kaniyang likuran si Deday ang tagapag-alaga niya simula nang sumakabilang-buhay ang kaniyang Ina. "Paumanhin ngunit wala pa akong gana kumain. Mauna ka na't susunod na lamang ako," wika niya at muling ibinalik ang tingin sa mga batang naglalaro sa labas. Kasalukuyan siyang nakadungaw sa balkonahe ng kanilang bahay upang lumanghap din ng sariwang hangin. "Anong gumugulo sa iyong isipan? Iniisip mo pa rin ba siya?" nagtatakang tanong ni Deday sa kaniya. Muli niyang tinapunan ng tingin ang babae at inilabas ang hangin sa kaniyang tiyan. "Kahit itanggi mo señorita nababakas ko sa iyong mga mata na hanggang ngayo'y nangungulila ka pa rin sa kaniya," wika ni Deday. Hinawakan nito ang mga kamay niya at ipinaupo siya sa isang silyang kahoy. "Paumanhin ngunit hindi mo maiwawala sa isip ko siya." Napayuko na lamang siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang magawang alisin ang tinik na sumasakit sa kaniyang puso. Inilapag ni Deday ang kaliwa nitong kamay sa likod niya upang damayan siya sa nararamdaman niyang sakit. "Ngunit matagal na pong patay ang lalaking iniibig mo. Ang mabuti siguro'y kalimutan mo na siya," pagbibigay payo ni Deday sa kaniya. Muli niyang tiningnan si Deday at uminit bigla ang gilid ng kaniyang mga mata. Maya-maya pa'y gumuhit na rin ang malalamig na mga luha sa makinis niyang mukha. "Hindi! Nagkakamali ka! Hindi pa siya patay. Nararamdaman kong buhay pa siya," naramdaman nanaman niya ang tinik na tila bumabaon sa kaniyang dibdib. Humagolgol siya sa pag-iyak kaya niyakap siya ni Deday nang mahigpit. "Tahan na señorita. Tahan na," wika ni Deday. Matagal-tagal na rin nang mangyari ang isang bangungot na nagpabago sa kaniya buhay. "Mayumi!" noo'y isang boses ang nadinig niya galing sa labas ng kanilang bahay. Isang maliit na bato rin ang tumama sa bintana ng kaniyang kuwarto dahilan upang siya ay magising mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. Dali-dali siyang lumapit sa bintana para alamin kung sino ang bumato't bumanggit ng kaniyang pangalan. Nakita niya agad ang isang lalaki sa baba ng kanilang balkonahe. May bitbit itong isang lampara habang nakatingin sa kanilang bintana. Hindi siya nagkakamali. Ang lalaking iyon ay ang kaniyang kasintahan. "Su-supremo? A-anong ginagawa mo riyan?" nagtatakang tanong niya sa lalaki sa baba ng kanilang balkonahe. Biglang gumuhit ang ngiti sa mukha ng lalaki nang makita siya nito. "Ako nga Mayumi. Bumaba ka riyan sapagkat may sasabihin ako," tugon naman ng lalaki habang kinakaway pa nito ang kanan nitong kamay. "Sandali," wika naman niya. Akmang tatalon na sana siya nang biglang kumalampog ang pinto ng kaniyang kuwarto at biglang nabuksan ito. Lumitaw ang isang babae na may bitbit na lampara. "Se-señorita?" nagtatakang tanong ng babae. Bumilog ang mga mata nito nang makita siya sa tapat ng bintana. "Ikaw pala Deday," aniya "A-anong ginagawa mo riyan? Saan ka pupunta señorita?" Agad humakbang ang babae papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Tumingin ito sa labas ng bintana at nakita na nga nito sa baba ang lalaki. "Se-señorita bakit nariyan sa labas ang kasintahan mo? Sa-saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong nito sa kaniya at nanatiling nakatingin sa maaliwalas niyang mukha. "E kasi Deday...Basta sa sunod ko na lamang sa iyo sasabihin. Tulungan mo akong makalabas dito pakiusap?" Hinawakan niya ang malalapad na palad ng babae at nagmakaawa ritong payagan siya. "Pero señorita gabing-gabi na. Baka mapano kayo sa labas. Mapapagalitan ako ng iyong Itang," tugon ng babae sa kaniya. "Hindi naman niya alam na lalabas ako. Batid kong mahimbing na rin siyang natutulog ngayon. Pakiusap tulungan mo na akong makalabas dito." Pagmamakaawa pa niya. "Oo sige na. Basta señorita bumalik kayo kaagad ha? Mayayari talaga ako sa iyong Itang kung may mangyayaring masama sa iyo," wika ng babae sa kaniya. "Salamat Deday!" Niyakap niya nang mahigpit ang babae upang magpasalamat dito. "Halikana señorita." Hinawakan ng babae ang kaniyang mga kamay at bigla nito siyang hinila palabas ng kaniyang kuwarto. "Dito tayo dumaan sa likod ng bahay n'yo nang hindi makahalata ang iyong Itang" Bumaba na sila sa hagdan at nakarating na nga sila sa kusina ng kanilang bahay. "Dahan-dahan señorita." Inaalalayan pa rin siya nito sa paglalakad at maya-maya pa'y narating din nila ang pinto. Tangkang papalabas na sana sila ngunit nabunggo niya ang isang tasa dahilan upang mahulog ito at mabasag. "Si-sinong tao riyan!?" isang boses ang kanilang nadinig galing ito sa silid ng kaniyang ama kaya bumilog ang kanilang mga mata. Kumabog-kabog nang pareho ang kanilang dibdib. "Ang bosen na 'yon. Boses iyon ng Itang mo señorita. Magmadali na kayo. Ako na ang bahala rito basta bumalik kayo agad ha?" nag-aalalang tanong ng babae sa kaniya. "Oo pangako." Niyakap na niya nang mahigpit ang babae upang makapagpasalamat man lang. "Humayo na kayo señorita" Agad na siyang lumabas ng pinto. Maya-maya pa'y naglaho na rin siya sa dilim kasama ang lalaki. -------------------------------------------------------- "Saan ba tayo talaga tayo pupunta? At ano iyong sasabihin mo sa akin?" nagtatakang tanong niya sa binata. Tiningnan siya ng binata sa kaniyang mga mata. Hinawakan din nito ang malalambot niyang mga kamay. "Magtiwala ka sa akin. Mamaya ko na lamang sa iyo sasabihin kapag nasa bangka na tayo," ani ng lalaki sa kaniya at bigla nito siyang hinila. Dali-dali silang naglakad sa isang daanan na maraming punong kahoy ng Akasya. Naririndi sila sa huni ng mga kuwago sa paligid. Nagsisipagtayuan ang kanilang mga balahibo sa katawan dala ng malamig na ihip ng hangin. At sa bawat paghakbang nila'y tumutunog ang mga dahong tuyong kanilang natatapakan "Natatakot ako," wika niya ngunit tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad. "Narito na tayo. Huwag ka nang matakot." Huminto na sila sa paglalakad at ipinakita sa kaniya ng binata ang isang bangkang de sagwan. Nakatago ito sa madamong bahagi ng ilog. Kasalukuyan na nga silang nasa tabi ng isang makipot na ilog ng San Sebastian. Noo'y hindi malakas ang agos ng ilog kaya payapa lamang ang paglagaslas ng tubig. "Sa iyo ba ang bangkang iyan?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. "Hindi. Sa pinsan kong si Dheo ang bangkang iyan. Hiniram ko lamang sa kaniya," tugon ng lalaki at agad na hinawakan ang malalambot niyang palad. "Humayo na tayo," wika pa ng lalaki. "Saan ba talaga tayo pupunta?" tumingin muli siya sa mukha ng lalaki at pinilit niyang pigilan ito sa paglalakad. Tumigil naman ang lalaki at sinuklay nito ang mahahaba niyang buhok. "Sa Santa Mesa tayo pupunta. Magtiwala ka sa akin sapagkat itatakas muna kita rito," sagot ng lalaki at inalalayan na siya nitong makasakay sa bangka. Mabilis na silang umalis at sumabay sa mahinang agos ng tubig. Sa hindi kalayuan isang tulisan ang pumasok sa loob ng kumbento at pinaslang ang dalawang Guwardiya-Sibil. Kinuha nito ang mga mahahalagang bagay sa loob ng kumbento ngunit may nakapansin dito kaya mabilis itong hinabol. Nagtulong-tulong ang mga Guwardiya-Sibil para hanapin ang nangloob at sa wakas nakita rin nila dahil hindi pa ito nakakalayo sa lugar. Agad nila itong pinaputukan ng rebolber kaya tinamaan ito sa balikat ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pagtakbo. Binaril pa nila kaya tinamaan ito sa kaliwang paa dahilan upang magkiang-kiang ito ngunit bigla rin itong naglaho sa dilim. Noo'y nadinig nina Mayumi ang putukan kaya nagmadali sila sa pagsagwan. Ngunit may isang lalaki silang nakitang duguan sa tabi ng ilog. May bitbit itong mga gamit ngunit hindi ito nagtagal dahil mabilis din itong lumusong sa tubig. Napansin din nila ang mga Guwardiya-Sibil sa tabi ng ilog at nakita naman sila ng mga ito. Walang anu-ano'y bigla na lamang silang pinaputukan ng mga ito kaya tinamaan ang kasintahan niya. Tinamaan din siya dahilan upang mahulog siya sa tubig. "Tu-tulungan mo akoooo!" sigaw niya habang inaanod siya ng tubig ngunit hindi siya nadinig ng kaniyang kasintahan. Bago pa man maglabo ang kaniyang paningin nakita pa niya ang duguang lalaking kanilang nakita na umahon sa tubig at sumakay sa bangka na sinasakyan ng kaniyang kasintahan. Kitang-kita niyang may ibinigay pa itong isang bagay. Walang anu-ano'y bigla na lamang nagliwanag ang buong paligid. Noo'y nawalan na nang tuluyan ang kaniyang malay at sa paggising na lamang niya ay nakabalik na siya sa kaniyang silid at ginagamot na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD