Kasalukuyang kinakain ng dilim ang buong paligid. Natakpan ng mga ulap ang buwan kaya umalingangaw ang katahimikan sa libingan ng nga Tsino. Dalawang anino ang biglang lumitaw sa sementeryo at agad na pumasok sa loob. Mga ilang saglit muna ang mga itong nagmasid-masid sa paligid na tila ba'y may hinihintay na kasama.
"Ka-kiko nariyan na po pala sila ka-Oscar at ka-Lucas," wika ng isang lalaki sa madilim na bahagi ng sementeryo.
Agad namang lumitaw pa ang dalawang anino sakay ng isang karwahe. Mabilis itong nagsibabaan at naglakad papunta sa kinatatayuan ng dalawang lalaking naghihintay.
"Ka-Kiko paumanhin po kung nagabihan kami. Tiyak masisiyahan kayo sa mga ibabalita namin sa iyo," wika naman ng isang lalaki sa matangkad na lalaking nakatayo.
"Ano bang balita sa Kuwartel? May mga bago ba kayong sandatang nakita?" nagtatakang tanong ni Kiko ang matangkad na lalaking nakatayo.
"Hindi po. Subalit ang kapitan po'y buhay," gumuhit ang ngiti sa mukha ng lalaki. Bakas sa mga mata nito ang pagkasaya sa ibinalita.
"Totoo ba ang sinasabi mo ka-Lucas?" Nagtatakang tanong ni Kiko sabay hawak sa balikat ni Lucas.
"Tama po ang inyong nadinig ka-Kiko. Buhay po ang kapitan. Kasalukuyan po siyang nakabilanggo sa loob ng kuwartel," singit naman ni Oscar ang isa panglalaking dumating.
Nagsipalakpakan ang mga tainga at gumuhit agad ang ngiti sa mukha ni Kiko dahil sa mga narinig niya sa kaniyang mga kasama.
"Sa wakas, isang magandang balita ang aking nadinig. Inakala ko na patay na ang kapitan dahil sa tinamo niyang mga sugat dahil sa pagkakabaril sa kaniya ng mga Guwardiya-Sibil. Tiyak ngayon didilig nanaman ang mga dugo ng mga Guwardiya-Sibil sa lupa," wika ni-Kiko at marahan nitong hinimas-himas ang hawak-hawak nitong rebolber.
"May maganda pa po akong ibabalita sa inyo ka-Kiko," ani pa ni Oscar.
"Ano ba 'yon ka-Oscar?" nagtatakang tanong naman ni kiko sa lalaki.
"Isang liham po ang ipinaabot sa kapitan. Tiyak batid na niya ngayon na hindi natin siya pababayaan. Balitang-balita na rin po sa buong bayan ng San Sebastian ang nalalapit na kapistahan sapagkat isang patimpalak ang gagawin," pagpapaliwanag pa ni Oscar.
"A-anong patimpalaka?" Nilapitan ni Kiko si Oscar at pinagmasdan nito ang mga mata ng lalaki.
Huminga ng malalim si Oscar at bakas na bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.
"Ilalaban po ang kapitan. Siya po ang napiling manok ng kumandante ng bayan ng Santa Mesa," nag-aalalang wika nito sa kaniya.
"Totoo ba ang sinasabi mo na siya ang ilalaban!? Kailan gaganapin?" nagtatakang usisa ni Kiko.
"Sa mismong araw po ng kapistahan," tugon ng lalaki kay kiko.
Napatalikod na lamang si Kiko dahil sa kaniyang nadinig.
"Hindi maari. Kailangang magsipaghanda ang lahat. Natitiyak kong nasa panganib nanaman ang kapitan sapagkat hindi magiging patas ang labanan. Maraming ang may galit sa kaniya lalo pa't kaaway rin siya ng Heneral." Muling tinapunan ni kiko ng tingin ang kaniyang mga kasama na pawang nag-aalala rin tulad niya.
Tumungin siya kay Lucas at humakbang papalapit sa kinatatayuan ng lalaki.
"Nais kong magpadala ka ngayon ng telegrama sa San Sebastian. Ipaabot mo ang balita sa kapitan at ihanda mo ang lahat sa nalalapit na kapistahan. Kung kinakailangan nating sagipin ang kapitan, sagipin natin siya!"
"Masusunod po." Tugon naman ni Lucas na mabilis naglakad paalis sa kinatatayuan nila. Agad din itong sumakay sa kawahe nito at umalis sa lugar.
Noo'y kasalukuyan pa rin silang nag-uusap nang bigla lumitaw ang isa panglalaki. Matipuno ang pangangatawan nito at balbasarado.
"O Felipe ikaw pala. Ikaw ba ang nag-abot ng liham sa kapitan?" nagtatakang tanong ni Kiko at nilagkitan ang tingin sa lalaki.
"Oo ka-kiko ako nga ang nag-abot ng liham sa kaniya"
"Kamusta ang kalagayan niya sa bilangguan?" tanong pa ni Kiko.
Napayuko na lamang si Felipe bago siya nitong tapunan ng tingin.
"Naawa po ako sa kalagayan ng kapitan. Puno po siya ng sugat sa katawan at hindi siya gaanong makakita. Ang pinagtataka ko po'y bakit hindi niya ako makilala," pagpapaliwanag pa ng lalaki.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang usisa ni Kiko.
"Tila ba na bago pa lang niya ako nakikilala. Marahil kaya siya nagkaganoon dahil sa matinding pinsala sa kaniyang ulo kaya hindi niya ako makilala. Ngunit natitiyak kong siya po ang mahal na kapitan," tugon ni Felipe.
"Kung siya talaga 'yon ay kailangan talagang maitakas natin siya sa bilangguan," nag-aalalang wika naman ni Kiko.
"Kailangang-kailangan po talaga ka-kiko sapagkat may usap-usapan sa bayan na ipapupugot po siya ng ulo. Kapag siya raw po ay natalo tiyak papatayin siya ng Heneral at ipapakita sa buong bayan," nag-aalalang wika ni Felipe.
"Kung ganoon ang mangyayari nakahanda akong mamatay maitakas ko lamang siya sa bilangguan. Magsipaghanda kayo! Hasain lahat ng gulok at mangalap pa ng mga armas," wika ni kiko na tangkang aalis na sana ngunit muli itong lumingon kay Felipe.
"Sandaliii, felipe may balita ka pa ba sa kasintahan ng kapitan?" nagtatakang tanong nito sa lakaki.
"Sa ngayon wala po. Ngunit nabalitaan ko po na hanggang ngayo'y nangungulila pa rin siya sa pagkawala ng kapitan. Inakala talaga ng lahat na patay na siya," mahinahong tugon ni Felipe.
Agad na lumapit sa kanila si Oscar. Bumilog ang mga mata nito na tila may nakitang kaaway.
"Ka-kiko kailangan na nating makaalis dito! May mga Guwardiya-Sibil pong nagmamatyag malapit lang dito,"
"Ganoon ba? Sige humayo na tayo!" nagnamadaling wika ni Kiko at nilapitan ang mga kasama.
Mabilis na umalis sila sa libingan ng mga Tsino. Naiwan lamang sa lugar ang kanilang mga bakas na tapak ng paa sa lupa. May mga naiwan din silang upos ng tabako.
Maya-maya pa'y isang anino naman ang sumulpot sa lugar na iyon. Saglit pa itong nagmasid sa paligid upang siyasatin kung may taong nakakita rito. May kinuha pa itong pala at mabilis na naghukay.
"Dito ko ililibing ang tulisang 'yon. Tinitiyak ko sa mismong araw ng kapistahan ay ang huling araw rin niya. Isang kahangalan ang kaniyang ginawa. Kung nabubuhay s'ya sa kasalukuyang panahon. Papaslangin ko naman siya ngayon," makahulugang wika ng lalaki at nagpatuloy sa paghuhukay.