Kabanata 8: Pagbisita

958 Words
Juan PoV "Siya na ba ang tinutukoy n'yong tulisan na nahuli n'yo noong nagdaang gabi?" Isang boses ang nadinig niya dahilan upang imulat niya ang kaniyang mga mata. Naaninag agad niya ang matangkad na lalaki. Nakabihis ito ng pormal at may kaunting bigote. Naaninag din niya ang isa sa mga Guwardiya-Sibil na nagpahirap sa kaniya noong nagdaang gabi. Kasalukuyan ang mga itong nakadungaw sa rehas ng kulungan niya at tinitingnan din siya nito. "Siya na nga po kumandante," tugon naman ng Guwardiya-Sibil na sumuntok sa kaniya. "Kamusta na ang kalagayan mo ginoo? Maari ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ng lalaking may bigote sa kaniya. Pinilit niyang bumangon upang tumayo ngunit sumasakit pa rin ang kaniyang katawan dulot ng panggagaruti sa kaniya ng mga Guwardiya. Gumapang na lamang siya upang makalapit sa rehas ng kulungan. "J-juan po ang pangalan ko. Pa-parang awa n'yo na gusto ko na pong umuwi sa amin. Ilabas n'yo na po ako rito," nagmakakaawang wika niya sabay hawak sa mahabang pantalon ng lalaking may bigote. Pumalagpalag naman ang lalaki sa pagkakahawak niya sa pantalon nito at inis siya nitong tiningnan. "Sandali mahuhubaran ako sa ginagawa mo!" saad ng lalaki at napaupo na lamang ito sa harap niya. "Nagkasala ka sa bansang España kaya ka naririto ngayon. Ngunit maari kang makalalabas dito kung mananalo ka naman sa paligsahan," ani pa ng lalaki sa kaniya. Takang-taka siya sa sinabi ng lalaki sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang namumutawi sa bibig ng lalaki. "A-ano pong paligsahan ang sinasabi n'yo? At ano pong nagkasala sa bansang España? Hindi ko po alam ang sinasabi n'yo. Ilabas n'yo na ako rito parang awa n'yo na," pagmamakaawang tugon niya sa lalaki. Ngunit ngumiti lamang ang lalaking iyon sa kaniya. "Nasisiraan ka na ba? Isa ka ngang tulisan kaya ka naririto sa bilangguan," wika pa ng lalaki sa kaniya kaya muli siyang naguluhan sa mga pinagsasabi nito. "Hindi ko po talaga alam ang mga sinasabi n'yo. Matutulog na po sana ako nang bigla kumalampag ang pinto ng kuwarto ko. Nang bubuksan ko na po'y bigla na lang akong sinuntok ng mga lalaki sa mukha at sa sikmura. Parang awa n'yo na. Maniwala po kayo sa akin," pagpapaliwanag pa niya sa lalaki. Napahawak na lamang siya sa mga kamay nito para magmakaawa ngunit bigla itong tumayo at tumingin sa Guwardiya. "Kumandante nagsisinungaling ang tulisang 'yan. Huwag kayong maniniwala sa kaniya. Nais lang niya tayong paniwalain," wika ng Guwardiya at inis siya nitong tiningnan. "Ang nababagay sa iyo ay paslangin!" wika pa nito. "Sandali! Totoo ba ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ng kumandante sa kaniya. "Maniwala po kayo sa akin. Totoo po ang sinasabi ko sa inyo. Pa-parang awa n'yo na ilabas n'yo na ako rito. Gusto ko nang makauwi sa amin," ani pa niya. "Tila nga'y nasisiraan na siya ng ulo. Humayo ka muna Santiago't kumuha ka ng makakain niya. Tiyak nalipasan lamang siya ng gutom," utos ng lalaking may bigote na kaagad namang tumingin sa mukha ng Guwardiya. "Ngunit kumandante?" "Naririnig mo ba ako? Magmadali ka na!? inis na sagot ng lalaki sa Guwardiya. "Masusunod po." Nagmamadaling wika naman ng Guwardiya na kaagad namang umalis sa bilangguan. Nanatiling nakadungaw pa rin sa rehas ng bulangguan ang lalaking may bigote at patuloy pa rin siyang pinagmamasdan nito. Tiningnan niya ang mga mata ng lalaki at nabakas agad niya na parang may gusto itong sabihin sa kaniya. "Sa darating na kapistahan humanda ka sapagkat ikaw ang magiging manok ko laban sa mayabang na Heneral," wika ng lalaki. "A-ano pong sinasabi n'yo na ako ang magiging manok n'yo?" nagtatakang tanong niya. "Tama ang iyong nadinig. Ikaw nga ang ilalaban ko sa paligsahan kaya kinakailangan na maging malakas ang pangangatawan mo," sagot ng lalaki sa kaniya. Takang-taka nanaman siya sa pinagsasabi ng lalaki kaya kumukunot nanaman ang kaniyang nuo. "A-ano pong gagawin ko sa paligsahang 'yon? Ni-hindi po ako nakikipag-away. Hindi po ako sanay sa mga gan'yan," nag-aalalang saad niya. Biglang gumuhit ang ngiti sa mukha ng lalaki nang marinig nito ang sinabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Hindi ba ikaw ang pumaslang sa ng mga Guwardiya-Sibil kaya paano mo nasasabi 'yan?" "Hindi po! Hindi po ako ang pumatay sa sinasabi n'yo!" pagtatanggi niya sa lalaki. Muling napangiti ang lalaki sa kaniyang sinabi. "Nasisiraan ka na nga ng ulo. Pero huwag ka nang mangamba. Tuturuan naman kitang makipaglaban," "Kumandante ito na ho ang pinakukuha n'yo." Napalingon ang lalaking may bigote sa likuran nito at nakita nitong nakabalik na ang Guwardiya. Dala-dala na ng Guwardiya ang pagkain na nakalagay sa isang malapad na dahon ng saging at tubig na nakalapag sa isang sipi ng kawayan. Agad na iniabot ng Guwardiya ang hawak-hawak nito sa lalaking may bigote. Nang matanggap ng lalaki ay muli siyang tinapunan ng tingin nito. "Tanggapin mo ito't kumain ka muna nang bumalik ang lakas mo," ani ng lalaki sa kaniya na agad namang iniabot ang pagkaing hawak-hawak. "Magpakabusog ka sapagkat maya-maya'y gagamutin ko 'yang mga sugat mo sa katawan," nagmamadaling wika pa nito at mabilis ding umalis sa bilangguan kasama ang Guwardiya. Naiwan siya sa bilangguan. Ngunit hanggang ngayon ay takang-taka pa rin siya sa mga nangyayari sa kaniya. "Si-sino sila? Nasaan na ba talaga ako?" nagtatakang tanong pa niya sa kaniyang sarili. Tiningnan niya ang pagkain sa lapag na ibinigay ng mga lalaki. Patuloy na kumakalam ang kaniyang tiyan kaya binuksan na niya ang nakakulupot na dahon iyon. Punong-puno ng kanin ang dahon at may inihaw pang hita ng manok ang nakasama doon. Hindi na siya nagdalawang isip na upakan ang ibinigay ng mga lalaki dahil sobrang sumasakit ang kaniyang tiyan dulot ng hindi pagkain ng ilang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD