Kabanata 9: Pagsasanay

1865 Words
Juan PoV Mga ilang saglit pa'y bumalik na muli ang kumandante sa kulungan niya. Nag-iisa na lamang itong dumungaw sa rehas ng kulungan. May bitbit ito na isang bagay na punong-puno ng mga halamang gamot. "Tapos ka na bang kumain?" tanong pa nito sa kaniya. Tumango-tango na lamang siya sa lalaki habang pinagmamasdan din ito. "Mabuti. May dala akong gamot para malunasan 'yang mga sugat mo," ani pa ng lalaki. Agad nitong binuksan ang tarangkahan ng kulungan niya at pumasok ito sa loob. Pinagmasdan nito ang mga sugat niya sa katawan. "Hindi naman gaanong malala ang mga sugat mo. Mga ilang araw rin gagaling na ang mga 'yan. Lumapit ka sa akin para matapalan ko 'yan ng mga halamang gamot," wika pa ng kumandante. Agad naman siyang lumapit sa lalaki at hinawakan nito ang kaliwa niyang braso. "Itong kamotsilya ang mainam na gamot sa mga sugat. Natatandaan ko pa noong kabataan ko pa lamang. Mga sing-edad mo rin ako nang bigla akong barilin ng mga Guwardiya-Sibil sa balikat. Hindi ko na alam ang gagawin ko noong mga oras na 'yon. Tumakbo ako sa gubat upang makatakas sa mga Guwardiya-Sibil ngunit hinang-hina na ako. Patuloy na nagdurugo ang mga sugat ko sa balikat. Akala ko'y iyon na ang kasawian ko ngunit hindi pa pala. Nakita ko ang halamang gamot na ito ngunit inakala ko'y no'ng una isa lamang itong simpleng d**o. Sinubukan ko itong itapal sa dumurugo kong sugat at himala'y ilang saglit lamang tumigil na sa pagdurugo ang mga sugat ko." Patuloy niyang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki. Seryosong-seryoso itong nagkukuwento sa kaniya. Bakas pa sa mga mata nito ang hirap na naranasan. "Kinabukasa'y natuyo rin ang sugat ko't gumaling. Kaya magtiwala ka sa akin gagaling din kaagad 'yang mga sugat mo," mahinahong wika ng lalaki sa kaniya at patuloy na tinapalan ng dahon ang mga sugat niya sa braso. Napangiti na lamang siya sa pagtulong nito sa kaniya. Patuloy niyang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki nang bigla niyang maisip kung bakit ganoon na lamang ang pagtulong nito sa kaniya. Ni-hindi nga niya ito kilala at ngayon pa lamang sila nagkita nito. "P'wede ko po bang malaman ang pangalan n'yo?" usisa niya sa lalaki. Tumingin sa kaniya ang lalaki at napangiti na lamang ito. "Tawagin mo na lamang akong Agnes. Isa akong kumandante sa Santa Mesa," wika nito. "Kumandante? Ang salita pong 'yan ay sa Subject na AP ko lamang naririnig," aniya. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong naman nito sa kaniya. "Naguguluhan lang po talaga ako sa mga nangyayari e. Para bang nasa sinaunang panahon ako?" napayuko na lamang siya. Hinawakan niya ang kaniyang ulo dahil kumikirot nanaman ito dulot ng panggagaruti sa kaniya ng mga Guwardiya. "Nagpapatawa ka ba? Hindi ito sinaunang panahon. Lumapit ka pa sa akin upang maalis ko 'yang suot mong damit," wika pa ng lalaki sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa lalaki at hinubad nga nito ang suot-suot niyang damit. "Tumalikod ka sa akin. Nais kong makita ang mga sugat mo sa likod," pakiusap pa nito sa kaniya na dali-dali naman niyang sinunod. "Medyo malala ang mga sugat mo rito sa likod. Latigo ang ginamit sa'yong pangagaruti kaya ganito ang peklas tama ba?" usisa pa nito. Tumango-tango na lamang siya sa lalaki. "Opo. Pero alam n'yo po hindi ko po alam kung bakit nila ako pinahihirapan ng gan'to. E, ni-hindi ko nga sila kilala't 'di ko alam ang mga pinagsasabi nila sa akin," aniya. "Naiintindihan kita. Marahil sumasakit lang ang ulo mo," sagot naman sa kaniya ng lalaki kaya bigla siyang pumalag at napaharap dito. "Hindi! Hindi po dahil sa sumasakit lang ang ulo ko. Totoo po ang sinasabi ko sa inyo," wika pa niya sa lalaki. Ngunit hindi pa rin ito naniniwala sa mga pinagsasabi niya. Muli siyang pinatalikod ng lalaki at tinapalan pa nito ng dahon ang kaniyang mga sugat. "Huwag mo nang isusuot 'yang damit mo. Sapagkat napuno na ng mga dugo baka'y magkasakit ka lamang kung i-susuot mo pa 'yan. May dala rin akong damit sa'yo." Ipinakita nito sa kaniya ang isang damit na puti na may mahabang manggas na kaagad namang ibinigay sa kaniya. "Ito po ba ang isusuot ko? Lagi ko po kasi itong nakikitang suot ng mga magsasaka e," aniya habang pinagmamasdan ng mabuti ang damit. "Tama nga. Iyan ang suot-suot ng mga Indio. Ba-bakit tila naninibago ka? Ngayon ka pa lang ba nakasuot ng gan'yan?" nakangiting na tanong nito sa kaniya. "Hindi naman po" "Bakit pinagmamasdan mo pa? Ano pang hinihintay mo? Isuot mo na baka kagatin ka pa ng mga maliliit na niknik dito," nag-aalalang wika nito sa kaniya. Isinuot na niya ang damit na ibinigay nito. Naging maayos ang pakiramdam niya matapos tapalan nito ang mga sugat niya sa braso't likod. "May nararamdaman ka pa bang mahapdi sa iyong katawan?" usisa nito sa kaniya habang pinagmamasdan siya. "Wala na po," sagot naman niya. Tumayo na ang lalaki at tumingin ito sa labas ng kulungan. "Mabuti naman. May ipapakita pala ako sa iyo." Humakbang ito papunta sa labas ng kulungan. Mga ilang saglit pa'y bigla rin itong bumalik. Nakita niyang may bitbit na itong isang itak. Malapad ang itak na hindi gaanong kahabaan. "Ito ang gulok na gagamitin mo sa darating na kapistahan," ani ng lalaki. "Huh? Hindi po ako marunong gumamit n'yan," aniya "Nagpapatawa ka talaga. Kaya nga ako naririto para turuan kita hindi ba?" napapangiting wika nito sa kaniya. "Halika. Sumama ka sa akin sa labas upang maturuan na kita" "Pe-pero..." "Sumama ka na!" Hinila siya nito palabas ng kulungan. Noo'y wala ng mga nagbabantay sa buong bilangguan ng kuwartel kaya mabilis silang nakalabas. Wala rin doon ang Gobernador-Heneral pati na rin ang Heneral na kaaway ng kumandante. Kaya namang wala ni-isang nakapansin sa kanila. Dinala siya nito sa likod ng kuwartel kaya nasilayan muli niya ang napakagandang sikat ng araw. Umaga pa kaya hindi gaanong katirikan ng araw. Saktong init lamang ang tumatama sa kaniyang balat. Inikot-ikot pa niya ang kaniyang paningin upang pagmasdan ang mga punong acascia sa paligid. Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lamang kadilim sa paligid dala na rin ng napakaraming dahon ng punong ito. Payapa lamang ang pag-ihip ng hangin kaya damang-dama niya ang pagkasariwa nito. Tiningnan muli siya ng lalaki at nakita niya sa mga mata nito na tila'y may gusto itong sabihin sa kaniya. "Ano ang gamit mo sa pagkain? Kaliwang kamay o kanang kamay?" usisa nito sa kaniya na patuloy pa rin siyang pinagmamasdan. Medyo may katangkaran ito sa kaniya kaya napatitingala siya. "Kanang kamay po ang gamit ko sa pagkain," aniya. Napangiti ang lalaki nang marinig nito na kanang kamay ang ginagamit niya. "Tamang-tama. Kung ganoon lamang ka sa magiging kalaban mo. Hawakan mo itong gulok ng maayos at mahigpit." Wika ng lalaki sa kaniya sabay iniabot nito ang hawak-hawak nitong itak. Kinuha naman niya ang itak ngunit nanibago siya. "Tekaaa, mabigat po ang itak na ito. Ibang-iba ito sa mga itak na ginagamit namin sa bahay pangsibak ng kahoy," aniya na patuloy na pinagmamasdan ang itak na hawak-hawak. "Mag-iingat ka sa paghawak ng gulok na iyan. Maari kang masugatan sa oras na magkamali ka sa paghawak," wika pa ng lalaki sa kaniya. Kumuha ang kumandante ng isang patpat na nakakalat sa ilalim ng punong Acascia. "Ngayon, lumapit ka sa akin at tagain mo ako!" utos nito. Kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib nang marinig niya ang utos ng lalaki. Nanlambot ang pagkakahawak niya sa itak na halos mabitiwan na niya ito. "Hindi. Ayaw ko po! Ayaw ko po talaga!" pagmamakaawang saad niya. Binitiwan na niya ang hawak-hawak niyang itak kaya lumapit sa kaniya ang lalaki. "Pulutin mo iyan. Hawakan mo nang maayos at itaga mo na sa akin," mahinahong utos pa nito sa kaniya. "Hindi. Hindi ko po gagawin!" pagtatanggi pa niya. "Itataga mo 'yan sa akin o iyan ang itataga ko sa iyo!?" inis na siyang nilagkitan ng tingin ng lalaki. Napalunok na lamang siya sa kaniyang laway. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin kaya napilitan na siyang pulutin ang itak. Umatras naman sa kaniya ang lalaki ng dalawang dipang layo. "Ngayon. Hawakan mo nang mabuti 'yan at itaga mo na sa akin," Napalunok muli siya sa kaniyang laway at biglang nanginig na ang kaniyang mga tuhod. Sa buong buhay niya hindi pa siya nakakapatay ng tao. Ni-hindi nga siya nakikipag-away kaya kung tatagain niya ang lalaki tiyak magkakasala siya ng husto't ayaw niyang mangyari iyon. Takot na takot siya sa mangyayari sa lalaki kung tatagain nga niya iyon. Dahan-dahan na siyang lumapit sa lalaki at kitang-kita niyang nakatitig ito sa kaniya. Hindi man lang ito natatakot na mamatay kung tatagain nga niya ito ng tuluyan. Bakas pa sa mga mata nito ang pagkamatapang ni-hindi man lang kumukurap. Nakalapit na siya sa harap ng lalaki. Tumigil na siya sa paghakbang. Ramdam na ramdam niya ang pagguhit ng malalamig na mga pawis sa kaniyang mukha. Patuloy pa rin na kumakabog ang kaniyang dibdib kaya ipinikit na lamang niya ang talukap ng kaniyang mga mata. "Patawarin mo po ako Diyos sa gagawin ko," mahinang wika niya na tanging siya lamang ang nakaririnig at walang anu-ano'y iwinasiwas na niya ang hawak-hawak niyang itak. Ngunit takang-taka siya dahil wala man lang siya naramdamang may tinatamaan siya sa pagwasiwas niya ng itak. Para lamang siyang sumusuntok sa hangin dahil walang kalabang tinatamaan. "Aray!" napasigaw na lamang siya nang bigla niyang maramdamang may kung anong bagay ang biglang lumapat sa kaniyang mga binti. Parang nilapatan ng bagâ ang kaniyang binti sa sobrang init at hapdi. Iminulat na niya ang kaniyang mga mata at nakita niyang wala na ang lalaki sa kaniyang harapan. "Nasaan na po kayo?" inikot-ikot niya ang kaniyang mga mata sa paligid. "Mang-mang naririto ako sa likod mo!" Bigla siyang napalingon sa kaniyang likuran at nakita na nga niya na naroroon ang lalaki. "Ang sabi ko sa'yo'y tagain mo ako hindi ang hangin. Kung ganiyan ang ipapakita mo tiyak mapapaslang ka lamang ng iyong magiging kalaban," ani pa ng lalaki. "Tumayo ka riyan. Ipakikita ko sa iyo kung paano tumaga. Ibigay mo na sa akin 'yang gulok." pakiusap nito sa kaniya kaya agad na niyang iniabot ang hawak-hawak niyang gulok sa lalaki. Kitang-kita niyang humakbang ang lalaki papalapit sa kinatitirikan ng isang puno ng saging. Hinawakan muna nito ang saging bago siya muli nitong tapunan ng tingin. "Hawakan mo kasi nang mahigpit ang gulot upang hindi mo mabitiwan sa oras na ika'y umatake sa kalaban," wika pa nito sa kaniya at muling ibinalik ang tingin sa puno ng saging. "Isipin mo na ang saging na ito'y ang kalaban mo. Huwag kang magdadalawang isip na tumaga ng kalaban. Sapagkat kung hindi mo siya mauunahan tiyak na ikaw ang matataga niya." Wika pa nito na ubod lakas na tinaga ang puno ng saging dahilan upang magkahiwalay ito sa dalawang parte. "Laging mong tatandaan na ang tunay mong kalaban ay ang sarili mo mismo," makahulungang wika nito sa kaniya at muling iniabot sa kaniya ang hawak-hawak nitong gulok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD