Kabanata 12: Ang Kasawian

1435 Words
Mayumi PoV Noo'y nakita ng mag-ama ang Guwardiya na nakasandig sa bakod at mahimbing itong natutulog dahilan upang umusok ang tainga at ilong ng ama ni Mayumi. "Tingnan mo ito? Tanghaling tapat naglalasing at tulog na tulog. Napakaraming magnanakaw rito sa bayan ng Santa Mesa. Tiyak kung ganito ang Guwardiya mapapasok ang Hascienda!" galet na saad ng kaniyang Ama, at napakamot na lamang ito ng ulo. Dahan-dahan itong lumapit sa Guwardiyang kasalukuyang natutulog. "Hangal gumising ka!" usal pa ng kaniyang Ama. Tinaas nito ang kaliwa nitong paa at ubod lakas na tinadyakan ang Guwardiya. Napatayo naman kaagad ang Guwardiya at bumilog ang mga mata nito na halatang takot na takot. Napalunok din ito ng sarili nitong laway dahil sa itsura ng Ama ni Mayumi. "Pa-paumanhin po senyor sa aking paglalasing," pautal-utal nitong pagmamakaawa sa Ama ni Mayumi. "Estupido huwag ka nang magpaliwanag pa! Hindi mo nagagampanan ang iyong tungkulin kaya ngayon lumayas ka rito!" sigaw ng kaniyang Ama. "O-oho senyor," nagmamadaling tugon ng Guwardiya. Sa sobrang pagkatakot ng Guwardiya sa Ama ni Mayumi ay bigla itong naihi sa pambaba nitong kasuotan. Kinuha nito ang mga gamit nito sa kubo na nakatirik din mismo sa bakod ng Hascienda. Mabilis din itong umalis dahil naiisip nitong baka siya pa ay patayin ng Ama ng Babae. "Itang dapat hindi mo ginawa iyon!" wika ni Mayumi at malagkit na tiningnan niya ang kaniyang Ama. "Pabayaan mo ako Mayumi. Tiyak nababagay lang sa kaniya iyon. Mabuti nga'y iyon lamang ang ginawa ko sa kaniya at hindi ko siya pinaputukan ng aking rebolber," saad ng kaniyang Ama at dahan-dahan siya nitong nilapitan. "Humayo na tayo sa loob ng Hascienda tiyak naghihintay na ang iyong lolo Goryo." Wika pa ng kaniyang Ama at hiwakan na nito ang kaniyang mga kamay. May isang puting kabayo ang nakatali sa usang puno ng mangga sa tabi iyon ng bakod ng Hascienda. Hinila ito ng kaniyang Ama upang ito ang kanilang sasakyan patungo sa bahay ni Goryo ang lolo ng babae. Mabilis na pinatakbo ng kaniyang Ama ang kabayo. Halatang-halata na batikan ito sa pangangabayo dahil wala itong kahirap-hirap sa pagpapatakbo. Maya-maya pa ay narating na rin nila ang bahay ng kaniyang lolo Goryo. Napaliligiran ng mga iba't ibang bulaklak ang bahay ng kaniyang lolo. Sa tabi ng bahay ay may maliit na sapa kung saan dito dumadaong ang mga mumunting bangka. "Itang ang ganda po talaga ng bahay na ito," masayang wika ni Mayumi. Tumango-tango naman ang kaniyang Ama. "Mauna ka na sa loob Mayumi sapagkat may aayusin pa ako rito." Saad pa nito sa kaniya sabay turo nito sa loob ng Mansyon. "Sige po itang," tugon naman niya at mabilis na siyang pumasok sa loob ng Mansyon ng kaniyang lolo. Malaki ang at malawak ang loob ng Mansyon kaya isa ito sa mga hinahangaan ng mga taong bumibisita mismo sa Hascienda. Naglakad-lakad na siya sa loob ng Mansyon at maya maya pa ay nakita na niya ang kaniyang lolo Goryo sa sala. Nakaupo ito sa isang silyang kahoy na gumagalaw-galaw na kalimitang upuan ng mga matatanda. "Lolo Goryo narito na po kami ni itang," masayang wika niya papalapit sa kaniyang lolo. Walang salita ang lumabas sa bibig ng kaniyang lolo at nanatiling nakapikit lamang ang mga mata nito. "Lo, narito na po kami." Tinapik-tapik na niya ang kaliwang kamay ng kaniyang lolo dahilan upang magbukas ang talukap ng mga mata nito. "Mano po." Saad niya sabay hawak sa kamay ng kaniyang lolo at dahan-dahan niyang idinampi iyon sa kaniyang nuo. Bakas na bakas ang katandaan sa mukha ng kaniyang Lolo dahil nangungulubot na ang mga balat nito. Puting-puti na rin ang mga buhok nito sa ulo at ang mga balahibo nito sa katawan. Hindi na ito ang dating Lolo ni Mayumi dahil malaki talaga ang pinagbago nito. Nangangamoy langis na ang kaniyang Lolo dahil sa mga pinapahid ng mga manggagamot. Gumuhit na lang bigla ang kalungkutan sa kaniyang mukha matapos niyang makita ang kalagayan ng kaniyang lolo Goryo. Awang-awa siya sa kalagayan nito. Halos hindi niya ito kayang tingnan ng matagalan kaya agad siyang tumalikod. Nangilid at gumuhit bigla ang mga luha sa kaniyang makinis na mukha. Nagtatangis siya dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang Lolo Goryo. Bigla na lamang sumagi sa kaniyang isipan ang hindi malilimutang karanasan kasama ang kaniyang lolo. Halos magpipitong taon na rin ang nakararaan ng sagipin siya nito sa pagkakalunod niya sa isang malalim na sapa. Walang pag-aalinlangan nitong nilusong ang kulay asol na tubig ng sapa upang siya ay iahon at ipunta sa pampang. Sinagip siya nito kahit matanda na. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ala-ala na kabutihang ginawa sa kaniya ng kaniyang Lolo Goryo. "Ma-ma-ma-ma-yu-miiii." Isang boses ang kaniyang nadinig nagmula iyon sa kaniyang likuran. Hindi siya maaaring magkamali, ang boses na iyon ay ang boses ng kaniyang Lolo kaya agad niyang inikot ang kaniyang ulo at tiningnan ng mabuti ang matanda. Nakita niyang gumuguhit din ang mga luha sa mukha ng kaniyang Lolo. "Ba-bakit po kayo nagtatangis?" nagtatakang usisa niya at agad siyang napauopo sa harap ng matanda. "Ooooooo," wika pa ng kaniyang Lolo na halos hindi na kayang ibuka nito ang sarili nitong bibig. Pinagmasdan lamang niya ang mga mata ng kaniyang Lolo at dito lamang niya naisip na para bang may ibig itong sabihin sa kaniya at nahihirapan lamang ito sa pagsasalita. "A-ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong pa niya. Agad niyang inilapit ang kaliwa niyang tainga sa bibig ng kaniyang Lolo upang madinig niya ng malinaw ang gustong sabihin nito sa kaniya. Nagsalitang muli ang kaniyang Lolo ngunit pautal-utal ito at medyo may kahinaan pa. "I-i-i-to-na-a-ang-o-o-oras ko. A-a-apo ma-makinig ka-ka-sa sabihin ko sa-sa iyo. Ku-ku-kunin mo ang ku-ku-wentas ko sa-sa aking le-leeg. Pakiu-usap kunin mo. Da-da-da-dalhin ka-ni-niyan sa hi-hi-naharap na pa-pa-panahon. Maka-a-ka-tu-tu-long sa-i-iyo iyan. Hindi na-a-na-a-ako mag-ta-a-a-gal paaa." Noo'y biglang tumahik ang buong sala. Umihip ang malamig na hangin galing sa labas at pumasok sa bintana. Bigla na lamang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Mayumi dahil batid niyang lumisan na ang kaniyang Lolo Goryo. Batid niyang patay na ito. Hinawakan muli niya ang kamay nito at naramdaman niyang hindi na gumagalaw ang pulso ng matanda. Hindi niya kayang ibuka ngayon ang kaniyang bibig at pati ang kaniyang mga kamay ay tila bigla namanhid. Napatulala na lamang siya habang pinagmamasdan niya ang nakayukong matanda sa kaniyang harapan. Patuloy pa rin sa pagbagsak at pagguhit ang kaniyang mga luha sa makinis niyang mukha. Hindi siya makapaniwala kung bakit ito ngayon nangyayari sa kanila. Gulong-gulo na ang kaniyang isipan hanggat sa muli niyang maisip ang mga sinabi nito kani-kanina lamang bago ito mabawian ng hininga. Muli siyang lumapit sa matanda at iginapang niya ang kanan niyang kamay sa leeg nito hanggang sa makita niya ang sinasabi nitong kuwentas. Agad niyang tinanggal ang kuwentas nito sa leeg nang bigla na lamang bumilog ang kaniyang mga mata. Gulat na gulat siya dahil hindi lamang itong isang kuwentas dahil isa itong kuwentas na may orasan at hugis bilog. Maliit lamang ito at sa palagay niya ay isa itong ginto dahil sa kulay nitong dilaw. Sa palagay din niya na ang tanging mayroon lamang ng ganitong bagay ay ang kaniyang Lolo Goryo. "Ba-bakit may ganito si Lolo?" napatanong na lamang siya sa kaniyang sarili. "Mula sa aking pagkabata ay wala siyang nababanggit sa akin na ganitong bagay. Sa-saan niya nakuha ito?" "Ma-mayumi?" Isang boses ang nadinig niya kaya bigla niyang itinago ang hawak-hawak niyang kuwentas at inikot-ikot niya ang kaniyang ulo upang hanapin kung sino ang tumawag sa kaniya. "Na-nasaan ka anak?" usisa pa ng boses. Ang boses na iyon ay ang boses ng kaniyang Ama kaya't hindi siya maaring magkamali. Maya-maya pa ay natagpuan na rin siya nito sa sala kaya dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Nakita rin niya ito kaya agad niyang itinuro ang matandang nakaupo sa sala--ang kaniyang Lolo Goryo. "I-itang ang Lolo..." Nilapitan niya ng mabilis ang kaniya Ama at hinagkan niya ito ng mahigpit. Nakita naman ng kaniyang Ama nakayukong matanda. Batid na nitong wala na itong buhay kaya niyakap na lamang din nito si Mayumi at pinilit na pinatahan sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD