Kabanata 13: Kaguluhan sa Bayan

1347 Words
Mayumi PoV "Uminom ka muna ng tubig upang ikaw ay mahimasmasan," nag-aalalang saad ng kaniyang Ama at dali-daling iniabot nito ang isang basong tubig. Kasalukuyan siyang nakaupo sa hagdan ng Mansyon dahil pinipilit niyang alisin ang sakit na kaniyang nararamdaman. Umupo naman ang kaniyang Ama sa tabi niya at ipinasandal ang ulo niya sa balikat nito. "Ang isang puno ay hindi mananatiling isang puno. Dumarating ang mga panahon na ang mga dahon nito'y matutuyo at malalagas. Sa pagdating pa ng mga panahon tuluyan na itong malalanta't mamamatay. Lagi mo sanang isaisip na ang punot at lupa'y laging magkasama. Kapag namatay na ang isang puno babalik na ito sa lupa kung saan siya nanggaling," makahulugang wika ng kaniyang Ama habang sinusuklay ng mga daliri nito ang kaniyang makakapal na buhok. "Tumahan ka na sa pag-iyak Mayumi. Ang isang bangka ay hindi gagalaw kung walang tubig. At ako ang tubig na laging kasama mo," ani pa nito sa kaniya. Napatingin naman siya sa mukha ng kaniyang Ama at nakita niya kung paano gumuhit ang ngiti nito sa labi. Nakita pa niya na parang kumikinang ang mga mata ng kaniyang Ama habang pinagmamasdan din siya nito. "Maraming salamat po itang," saad naman niya na tila nabuhayan at nagkaroon ng panibagong pag-asa. "Akin na ang mga palad mo Mayumi." Hinawakan ng kaniyang Ama ang makikinis niyang palad. "Nakikita mo ba itong mahabang linya sa iyong palad? Ito, itong mga linyang may sanga ito ang nagpapatunay na dito sa mundo hindi ka mabubuhay kung ikaw ay nag-iisa. Ang nais kong sabihi'y sa bawat problema mo ay may lagi kang karamay. Lagi kang may kasangga. Ako ang iyong Ama. Ako ang lagi mong kasama. Huwag kang magpakalunod sa lungkot anak. Ika nga ng ninono nati'y kapag may lumisan, asahang may darating din," masayang wika pa ng kaniyang Ama na si Heneral Cuenco habang niyayakap nito siya ng mahigpit. "Heneral!? Heneral!? Heneral!? Nasaan po kayo?" Noo'y isang boses ang nadinig nila galing iyon sa labas ng Mansyon. Sunod-sunod na pagtapak ng kabayo rin ang nadinig nila. Isang lalaki ang biglang pumasok sa Mansyon. Kitang-kita nilang duguan ito habang bitbit ang isang rebolber. "Santiago a-a-nong nangyari sa iyo?"nagtatakang tanong ng kaniyang Ama sa lalaki. Si Santiago ang lalaking duguang kanilang nakita. Isa siyang Guwardiya-Sibil na tapat na naglilingkod sa kaniyang Ama. Galing ito sa mismong bayan ng Santa Mesa dahil binilinan ito ng kaniyang Ama na magmatyag sa mga nangyayari sa pamilihan doon. Halos lumabas ang dila nito sa bibig sa sobrang pagkahingal habang lumalapit sa kanila. Bakas pa sa mukha nito na para bang may pagkatakot. "He-heneral ang mga tulisan po sumalakay nanaman sa bayan," pagpapaliwanag nito. "Ano!? Sumalakay ang mga tulisan? Totoo ba ang sinasabi mo?" "Totoo po Heneral. Armado po sila ng gulok. Patuloy po silang nanggugulo pa rin sa bayan. Pinagtataga po nila ang mga kasama nating Guwardiya-Sibil. May mga nabihag din po sila Heneral, a-ano po gagawin natin?" Bigla na lamang napatayo ang kaniyang Ama at napakusot ito sa mga kamao nito. "Itang a-ano pong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Mayumi sa kaniyang Ama. "Sumalakay nanaman ang mga tulisan Mayumi," tugon nito sa kaniya. "Santiago!?" "Heneral." "Nais kong magpadala ka ng telegrama kay Gobernador-Heneral Themoteo ng San Sebastian. Nais kong pagkalooban niya ako ng kapangyarihan na pagalawin ang buong sandatahan. Ang buomg hukbo. Magsama ka rin ng mga Guwardiya pabalik mo rito. Gamitin mo ang bangkang de sagwan sa likod ng Mansyon. Sa ilog kayo dumaan sapagkat marahil nagbabantay na ngayon ang mga tulisan sa daan. Tiyak maaabangan ka nila roon. Magmadali ka na!" saad ng kaniyang Ama. "Masusunod po Heneral. Mag-iingat po kayo rito." "Ikaw rin Santiago." Tinapik-tapik ng kaniyang Ama ang balikat ni Santiago habang ito ay akmang hahakbang na. Maya-maya pa ay lumabas na rin si Santiago sa Mansyon at nakita nito ang mga kasamahan nito sa labas na naghihintay. "Tenyente, sa-saan po kayo pupunta?" tanong ng mga Guwardiya na kasama rin ni Santiago. Sampong Guwardiya ang nasa labas ng Mansyon. Kasama sila ni Santiago na nagmatyag kanina lamang sa mismong bayan ng Santa Mesa. Ang iba nilang kasamahan ay nasawi sa pagsalakay ng mga tulisan. Ang iba naman ay nabihag ng mga bandidos. "Babalik ako sa San Sebastian. May ipinag-uutos si Heneral. Dito lang kayo. Bantayan n'yo ng mabuti si Heneral at ang mahal na Señorita. Huwag na huwag kayong aalis dito sapagkat napakaraming tulisan ang sumasalakay sa bayan," saad pa ni Santiago at bigla siyang napatingin sa isa sa mga Guwardiya. "Diego?" "Tenyente." "Nais kong ikaw ang mamuno sa kanila. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Sige na! Sapagkat kailangan ko ng magmadali," wika pa ni Santiago sabay dahan-dahang tumalikod. "Masusunod po tenyente, mag-iingat po kayo," tugon naman ni Diego. Mabilis na tumungo si Santiago sa likod ng Mansyon upang kunin ang bangkang de sagwan. Mabilis niya itong ipinunta sa ilog sa likod mismo ng Mansyon at agad din siyang nagsagwan paalis. ----------------------------------------------------------------- Naiwan sa labas ang mga Guwardiya Sibil at patingin-tingin lamang ang mga ito sa paligid. Pumasok ang isa sa mga ito sa loob ng Mansyon kung saan naroroon sina Mayumi at ng kaniyang Ama. "Heneral, kamusta ho ang kalagayan n'yo riyan?" tanong ng Guwardiyang pumasok. "Maayos naman," tugon naman ng kaniyang Ama at dahan-dahan itong lumapit sa Guwardiya. "Diego, kunin mo nga ang rebolber ko sa labas, sa loob ng karwahe. Naroroon din ang mga bala kunin mo rin iyon," utos pa ng kaniyang Ama kay Diego ang lalaking Guwardiya na kausap ngayon ng kaniyang Ama. "Itang sa-saan po kayo tutungo?" nagtatakang tanong ni Mayumi at biglang napatayo. "Mayumi, kailangan nating lumisan agad dito sa Santa Mesa bago pa pasukin ng mga tulisan ang Hascienda. Kailangan din nating ihatid ang labi ng iyong Lolo Goryo sa San Sebastian upang doon siya iburol," pagpapaliwanag ng kaniyang Ama. "Diego?" "Heneral?" Agad na lumapit si Diego sa Ama ni Mayumi. "Sumama ka rin sa amin sa San Sebastian. Maiiwan dito ang lima mong kasamahan upang magbantay sa buong Hascienda," wika pa ng kaniyang Ama kay Diego. "Masusunod po Heneral." Akmang palabas na si Diego sa loob ng Mansyon ng biglang pigilan siya ng Ama ni Mayumi. "Sandali! Alalayan mo muna akong buhatin ang Lolo ni Mayumi papunta sa karwahe." Utos ng kaniyang Ama sabay turo nito sa matandang walang buhay sa sala. Tinakpan lamang ito ng mahaba at makapal na kumot. Agad nila itong inilabas sa Mansyon at ipinasok sa loob ng karwahe upang dalahin sa San Sebastian. Sumama na rin si Mayumi palabas ng Mansyon. "Mayumi, pumasok ka na sa loob ng karwahe. Kailangan na nating magmadali ," utos pa ng kaniyang Ama. Mabilis naman siyang pumasok sa loob ng karwahe at pinagmasdan lamang niya ang labi ng kaniyang Lolo Goryo. "Heneral, paunlakan n'yo po sana ako na ako na ang magmaneho ng karwahe," pakiusap ni Diego habang nakatingin ito sa mukha ng kaniyang Ama. "Sige, papayagan kitang ikaw ang magmaneho. Tiyakin mo lang na ikaw ay bihasa!?" "Opo Heneral. Li-lingid po ata sa inyong kaalaman na matagal na rin akong nangangabayo," pagpapaliwanag pa nito sabay gumuhit ang ngiti nito sa mukha. "O sige. Magmadali na tayo." Tumingin na ang kaniyang Ama sa mga Guwardiya-Sibil na kasalukuyang nakatayo at nakatingin din sa kanila. "Kayo!" Sabay turo ng kaniyang Ama sa limang mga Guwardiya. "Maiwan kayo rito sa Hascienda. Tiyakin n'yong walang makapapasok dito kahit ni-isang tulisan. Hintayin n'yong bumalik dito si Santiago at ang iba pang mga kawal," wika pa ng kaniyang Ama. "Masusunod po Heneral," tugon naman ng mga Guwardiya. Tumingin muli ang kaniyang Ama sa apat na natitirang Guwardiya na kasalukuyan ding nakatayo. "Kayo, sumama kayo sa amin pabalik ng San Sebastian." "Masusunod po Heneral," sabay-sabay itong tumugon sa kaniyang Ama. Agad na sumakay ang kaniyang Ama sa kabayo nito. Si Diego naman ang nagmamaneho ng karwaheng sinasakyan ni Mayumi habang ang apat na Guwardiya ay sakay din ng kani-kanilang mga kabayo at maya-maya pa ay umalis na sila sa Hascienda De Salvador.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD