Episode 7

1203 Words
Amethyst 7 Episode 7 Napapayag din ako ni Liam pero sinabi ko na kakantahin namin ang kanta na " After All". Saka ko na hihingin ang kapalit kapag natapos kami mag perform. Napag usapan din namin na after class kami mag eensayo sa may music room. Kaya palagi siyang nag aantay sa labas ng classroom namin dahil nauuna silang matapos sa klase. Palagi itong may dalang tubig para daw kapag nauhaw may iinumin agad. Hinahatid din ako ni Liam pagka tapos namin mag praktis. Minsan kasama namin ang mga kaibigan kong mag praktis pero madalas kami lang dalawa. Naging madalas din kaming naguusap sa phone at nag text sa isa't isa. Pinakilala ko din siya sa mga magulang ko at ganun din ako sa magulang niya. Kapag weekend minsan sa bahay kami nag praktis at minsan naman sa kanila. Tinutulungan niya din akong gumawa ng mga assignment ko bago kami kumanta. Naging open kami sa isa't isa.. Tinuruan niya akong tumugtog ng gitara at siya naman ay tinuruan kong mag piano kapag nasa bahay namin. Minsan tinutukso na kami ng mga kaibigan ko na baka magka developan daw kami pero sinasabi kong wlang ganun na nangyayari. Kakanta kami kasama ng banda ng school mga senior sila sa amin. Napakiusapan ni Liam na samahan kami. Natuwa naman sila sa amin kaya pumayag sila agad. Madali lang daw naman ang kakantahin namin. Ilang araw na lang at mag peperform na kami sa araw ng Foundation Day ng school. Huling praktis na namin ngayong araw kasama ang banda ng school. " Salamat pala ulit sa pag payag mo Amz" si Liam. " Welcome" naka smile kong sagot habang inaayos ko ang mic na gagamitin ko. " After ng kanta natin friends pa rin naman tayo di ba? " tanong niya sa akin. " Oo naman. Baka nga ikaw di na mamansin babalik ka na sa mga ka tropa mo" sagot ko sa kanya. "Hindi yun mangyayari. Tsaka isa lang naman ang kaibigan ko dun na close ko si Carl" aniya. " Yun ba ung palaging may naka kandong na babae sa kanya?" tanong ko. " Hahaha naka kandong talaga... Oo nga pala di pa pala kita naipapakilala sa Best friend kong si Carl simula nung elementary kami, parang kayo ni Ava At Stef" sagot nito sa akin. " Buti hindi sila nagtatampo sa iyo mga un? " tanong ko. " Si Carl naiintindihan ako nun alam niya kailangan kong gawin toh at tsaka busy yun sa basketball dahil siya ang captainball ng school at busy din sa girlfriend niya.Yung palagi kamong naka kandong si Natasha yun." natatawang sagot ni Liam. Nagpraktis kami nang ilang beses saka nagpasya namagpahinga na at sa Friday na ulit kami magkikita sa araw na mag perform kami. *Foundation Day Nasa back stage na kami ni Liam kasama ang banda. Hindi ko maexplain ang kabang nararamdaman ko, panay ang buga ko ng malalim na hininga. Napansin siguro ni Liam na hindi ako mapirmi sa isang lugar kaya nilapitan niya ako at kinuha ang kamay ko. " Relax ka lang. Wag ka kabahan andito ako." Nakangiting sambit niya sa akin. " Pano kapag nagkamali ako nakakahiya" sagot ko. " Ano ka ba na perfect na natin toh diba at tsaka magaling ka palagi mo yang tatandaan" si Liam na hawak pa din ng mahigpit ang kamay ko. " Ganito na lang... Isipin mo tayong dalawa lang ang kumakanta okay tsaka magkamali man tayo sasaluhin tayo ng banda. Di ba mga kuya at ate" si Liam na lumingon pa sa mga ka banda namin. " Ou naman kaming bahala " sabay sabay nilang sabi. Lumapit sila sa amin ni Liam at nag group hug sila kaya naipit kami sa gitna ni Liam. Napangiti ako sa ginawa nila at feeling ko na nabawasan ang kaba ko ng madami. " Salamat mo mga kuya at ate first time ko kasi kakanta na may live band kaya siguro kinakabahan ako. Sanay kasi akong solo." Nakangiti ko nang sabi sa kanila. Maya maya ay tinawag na kami sa stage. Paglabas ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kadami ang tao sa loob ng gynasium. Parang nalula akong bigla buti na lang at nahawakan ni Liam ang kamay ko at saka bumulong. " Relax ka lang kaya mo yan" sabay alalay sa akin papunta sa mic ko at saka siya nagpunta sa kanyang mic. Nagpalakpakan ang mga nasa harap namin natanaw ko ang mga kaibigan ko na nasa bandang kaliwa na malapit sa stage at naka handa na ang mga phone sa pag video may hawak pa silang parang banner na may naka sulat na " GO LIAMZ". Narinig ko pa si Stef na sumigaw ng " Go LIAMZ". Nakita ko naman ang mga tropa ni Liam na nasa bandang gitna naka pwesto. Naroon si Carl at Natasha na magka akbay pa. Nakita ko ang pag ngiti ni Carl at kumaway naman pabalik sa kanya si Liam. Nagsimulang tumugtog ang banda... Naunang kumanta si Liam at nagtilian ang mga babeng estudyante na kinikilig sa boses niya. Napangiti ako ng bumaling siya sa akin at saka nagumipsang kumanta. Natahimik ang mga mga tao sa loob ng gymnasium. Nakinig lang sila at nanuod lang sa amin. Naririnig ko ding may mga sumasabay sa amin sa pagkanta. Napatingin ako sa gawi nila Carl at nakita kong nakatitig ito sa akin. Muli kong binalik kay Liam ang aking tingin hanggang matapos. Malakas na palakpakan at hiyawan nang matapos kami sa pag kanta. Lumapit sa akin si Liam at inakbayan ako, ganun din ang ginawa ng mga ka banda namin. Pag baba namin ng stage ay sinalubong kami ng baklang teacher na nangangasiwa sa program. " Oh my gosh that was undefinable, unexpected and most oh my gosh performance I've ever heard. Very good job to all. " sambit nito na halos hindi maka paniwala. " Salamat Sir " maiksing sabi ni Liam. " Next program kukunin ko kayo ulit ha. Oh my gosh talaga halos magiba ang gym dahil sa pagkanta nyo" sabi pa nito. Ngiti lang ang naisagot ko dahil sobrang saya ko na nagustohan ng mga tao ang ginawa namin. Sa back stage bigla akong napayakap kay Liam at naiyak. " Bakit anong nagyari? Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong niya sabay abot ng tubig sa akin. " Wala masaya lang ako...Sobrang saya ko. Salamat sa iyo Liam na ranasan ko ulit mag perform" sagot ko sa kanya. Nag group hug muli kami kasama ang banda at naipit na naman kami ni Liam sa gitna. Paglingon namin sa pinto ay may nakatayo doon. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Liam. Lumapit ito kay Liam saka nagsalita. " Wow best may igagaling ka pa pala. Congrats " . " Salamat best. Mgaling din kasi ang partner ko at ang banda ng school." Sagot nito kay Liam. Napatingin si Carl sa akin at nag lahad ng kamay. " Hindi pa ako napapakilala ng best friend ko sa iyo.. I'm Carl James Sebastian, Carl for short" Nakangiting sabi niya. " Amethyst, Love Amethyst Cepeda" sabay abot ko sa nakalahad niyang kamay. Naramdaman kong bahagya niyang pinisil ang kamay ko at nakangiti pa ding nakatitig sa akin. *End of flash back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD