Amethyst
Napabangon akong bigla nang makarinig ako ng mahinang katok mula sa pintuan ko.
Nagtataka naman ako dahil magisa lang naman akong nakatira sa condo unit kong ito.
Bigla akong kinabahan nang muli itong kumatok sa pinto.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto at nakinig.
" Amz its Liam open up please " tawag nito sa akin.
Napakawalan ko ang hiningang pinigil ko dahil sa kaba saka binuksan ang pinto.
" Oh my... ikaw pala yan Liam kinabahan naman ako sa iyo akala ko naman magnanakaw" sambit ko nang mabuksan ko ang pinto saka bumalik sa kama at nahiga muli.
" May magnanakaw bang kumakatok at ang gwapo ko namang magnanakaw kung ganun?" biro nito sa akin sabay upo sa tabi ko.
" Ewan ko sa iyo... Teka pano ka nakapasok dito? Tsaka bakit andito ka na ang aga aga?" tanong ko sa kanya.
" Amz hindi ka pa din ang papalit ng pin sa pinto mo malamang kaya nakapasok ako. At isa pa jan lang ako sa kabilang unit nakatira di ba?" sagot nito sa akin.
" Hmmm... Akala ko binenta mo na yan nung umalis ka. Kaya pala walang tao?" sabi ko sa kanya.
"Kumain na tayo nagluto ako ng sinigang na pata at adobong sitaw. Tanghali na kaya alam ko di ka pa kumakain" aya nito sa akin.
" Saan ka nagluto?" tanong ko sa kanya.
" Malamang sa yunit ko eh wala naman laman yang ref mo nang tignan ko kagabi" sagot niya.
" Andito ka kagabi? " gulat kong tanong.
" Oo ako kaya nag hatid sa iyo dito sa loob nakatulog ka kaya sa sasakyan" sagot niyang muli.
" Sino nagbihis sa akin? " sabay tingin ko sa suot kong malaking Tshirt at short na malaki na ngayon ko lang nakitang hindi sa akin.
" Ako din.." mabilis niyang sagot.
Pinanlakihan ko siya nang mata.
" Wag ka mag alala nakapikit naman ako habang ginagawa ko. " paliwanag niya sabay tawa ng malakas.
" Gag* ka bakit mo ko binihisan sira ulo ka ba?" galit na sabi ko sa kanya.
" Puro suka ang damit mo kagabi buti nga dinala pa kita sa toilet mo at hindi ka dito sa kama mo nagkalat." kunot noo niyang paliwanag.
" Kahit na.. Edi nakita mo ang ....bwisit ka" namumula na yata ako sa inis sa kanya.
" Hindi ko nakita pinalitan lang kita ng panlabas ung panloob mo di ko pinakialaman." Natatawa niyang sabi.
Sinilip ko ang bra at panty ko saka nag smile sa kanya.
" Sige na maligo ka na antayin kita dito sabay na tayo pumunta sa yunit ko" naka ngising sabi ni Liam.
Nang matapos kaming magtanghalian at magligpit ng kinainan namin niLiam sa bahay niya ay bumalik kami sa yunit ko.
Kasalukuyan kaming nanood ng movie sa NETFLIX . Nakahiga ako sa sofa at nakapatong ang ulo ko sa mga binti niya at siya naman ay nakasandal sa sofa at hinahagod ang aking buhok.
" Liam kelan ka pa naka balik?" tanong ko bigla sa kanya.
" Nung isang araw lang " Sagot niya na nakatingin lang sa tv ang mata.
" Hangang kelan ka dito? " tanong ko ulit.
" Until you ask me to leave again? "sagot niya.
Kunot noo ko siyang tinignan.Nagtataka ako sa sagot niya pero di ko na siya pinansin at nanuod na lang muli.
" Na miss kita " mahinang sabi niya sa akin.
" Ako din namiss kita " sagot ko naman sa kanya.
Dahan dahang bumigat ang talukap ng aking mga mata at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng may maamoy akong pizza, minulat ko ang mga mata ko at ginala sa paligid.
Madilim na sa labas at nakita kong may ilaw sa kusina ko. Nagtataka akong bumangon at nagtungo doon.
" Just in time mainit na ito" sabi ni Liam habang inilalabas ang pizza sa oven.
" Hmmm ham, bacon and cheese " sambit ko at nagtungo na sa bar table at naupo sa paharap niya.
"Just like your favorite " si Liam na naka ngiti sa akin habang nagsasalin ng juice at saka inabot sa akin.
" May gagawin ka ba bukas?" tanong ni Liam.
Umiling naman ako habang kumakain ng pizza.
" Great.. Samahan mo ko bukas?" aniya.
" Saan?" maiksing tanong ko.
" Mag grocery ako ng stock ko sa unit ko at dito sa unit mo. Halos wala nang makain " sagot niya.
" Wala naman kasi ako palagi dito. Sa labas ako madalas kumakain or nag oorder na lang minsan at magisa lang naman ako." paliwanag ko sa kanya.
" Hindi na ngayon, andito na ako " seryosong sabi niya sa akin.
" Aalis ka din naman di ba? Bakit ka nga pala umuwi ng Pilipinas? " tanong ko.
" Pinadala ako ng company dito para hawakan ang isang project dito at may merger na magaganap ako din hahawak nun" paliwanag niya habang kumakain ng pizza.
" Uhmmm.. Parang sa company din namin.. May nakabili ng stock ng isang stockholder. Kung alam ko lang na bebenta niya ako na lang sana bumili nun " sabi ko.
" You own 25% of it di ba?" tanong niya.
" Yeah.. But I want more." sagot ko.
" Why?" si Liam
" Simple lang.. I want them out.. I want him out " madiing sabi ko sabay titig sa kanya.
Nkipagtitigan lang siya sa akin na parang may binabasa sa king mga mata.
" Itabi mo na lang sa lagayan yung sobrang pizza saka ilagay sa ref. Magpahinga ka na muna maaga tayo bukas okay." sabi niya sabay tayo.
" Bakit maaga tayo?" tanong ko.
" Mag jogging tayo. Parang dati lang" sagot niya sabay ngiti sa akin.
Nakahiga na ako sa aking kama nang maisip kong mag open nang aking f*******:. Napansin kong madaming notification na naka tag sa akin at kay Liam.
' LIAMZ are back '
' #Liamz at last'
Binasa ko din ang ibang mga comments.
' I love this couple nung nasa college kami '
' Hope to see them perform '
' Sana sa homecoming kumanta sila '
' I love you both '
Napangiti ako at napatulala ng biglang may maalala ako.
*** Flash back...
Dumaan ang ilang araw matapos ang performance namin nung Foundation Day ay palagi pa din naming kasama si Liam.
Minsan kapag walang mga klase ay sumasama siyang tumambay sa amin sa malaking puno sa gitna ng school na naging paborito naming tambayan.
Madalas din niya akong isabay pauwi at kapag weekends ay nagpupunta pa din siya sa bahay.
Naging sobrang close namin sa isa't isa na pwedeng lahat masasabi ko sa kanya.
Nakatambay kami sa puno ng isang hapon dahil wala na naman kaming klase sa dalawang subject ng lapitan kami ni Carl.
Sinama niya si Liam kaya nagpaalam ito sa amin napansin kong mukhang galit na galit si Carl habang kausap niya si Liam sa malayo.
Lumipas ang ilang araw na hindi nagpakita sa amin si Liam.
Minsan tine text ko siya pero madalas seen lang niya at minsan walang reply.
Kapag tinatawagan ko naman sinasabi niyang busy siya at may lakad.
Nabalitaan na lang namin na nabuwag ang grupo nila Carl dahil nagka gulo daw.Hindi na namin inalam ang detalye dahil di naman kami interesado.
Nakatambay kami sa paborito naming tambayan ngayon dahil maaga natapos ang klase namin.
" Nasaan na kaya si papa Liam? " sambit ni Stef na nakasimangot.
"Oo nga ang tagal nang hindi nagpapakita sa atin nun, ano kayang nangyari?" si Kat.
" Hoy Amz may LQ ba kayong dalawa?" tanong ni Ava na naka simangot na din.
" Anong LQ ka jan. Hindi naman kami bakit kami mag LQ." Sagot ko habang nakahiga sa hita ni Ava.
" Bakit kaya hindi na nag papakita sa atin si papa Liam " si Trisha.
" Baka ayaw na tayong kasama ganun lang yun" sagot ko sa kanya.
"Nakita ko nga sila sa may gymnasium nakatambay kasam pa yung ibang mga kaibigan nila at si Carl nung isang araw" kwento ni Stef.
" Hayaan nyo na siya girls. Ano ba kayo okay naman tayo na wala siya" pahayag ko.
" Hmm nakakamiss lang kasi wala nang tumutulong sa atin sa mga assignment natin "si Trisha naman.
Hindi namin napansin na dumating na pala si Liam at nasa likod namin.
" Hmmmm... Parang pinaguusapan niyo yata ako " si Liam
" Oh speaking of papa Liam andito na siya oh" nakangiting sambit ni Kat.
" So ako nga ang pinaguusapan niyo.. Kayo ha pinupulutan niyo ba ako?" biro ni Liam.
" Na miss ka kaya namin kaya pinaguusapan ka namin" si Stef na naka smile na din.
Hindi ako nagsalita at nagpatay malisya lang na nakapikit. Hangang naramdaman kong may bumuhat sa ulo ko.
" May nagtatampo yata sa akin di ako pinapansin" sambit ni Liam na nakipag palit nang pwesto kay Ava.
Naka pikit pa rin ako at hindi siya pinapansin. Dahil totoo namang nagtatampo ako sa kanya.
" Miss galit ka ba sa akin?" tanong nito sa akin habang sinusuklay ang buhok ko ng kanyang mga daliri.
Hindi ko pa din siya pinapansin at nakikinig lang sa mga kaibigan kong nag bibiruan na about sa mga crush nila.
" Amz sorry na, galit ka ba? " tanong niyang muli.
Kinurot niya ang ilong ko kaya napamulat ako at napatayo bigla. Hinampas ko nang bahagya ang kanyang braso.
" Aray masakit yun Amz ha! "nakatawa niyang sabi sa akin.
" Bakit ka kasi nangungurot ng ilong ,masakit din kaya"sagot ko naman sa kanya habang hawak ko ang ilong ko na siguradong namumula na.
" Di mo kasi ako pinapansin kanina pa" paliwanag niya.
" Bakit ba kasi nandito ka mamaya hanapin ka ng mga barkada mo " inis kong sabi sa kanya saka umayos ng upo sa tabi niya.
" Hmmm..Nagtatampo ka nga.. May inasikaso lang ako pasensya naman.. Bati na tayo" paliwanag niya sabay akbay sa akin ng naka ngiti.
" Liam.." tawag ni Carl na hindi ko napansin kung kelan dumating at may iba pa itong kasama.
"Pwede ba kaming tumambay dto?" dugtong pa niya.
" Oo naman wala namang problema." Sagot ni Liam.
Pinakilala ni Liam ang mga kasama ni Carl na sina Mark, Josh at Ralph.