Amethyst
Habang tumatagal palagi na namin kasama sina Carl, sa canteen, sa pagtambay sa ilalim ng puno kahit sa pagpunta sa library.
Na ikwento nilang nabuwag na ang grupo nila dahil nakita ni Carl si Natasha na kasama ang isang barkada nila sa locker room at may ginagawang hindi maganda.
Kaya pala nawala si Liam noon ng ilang araw dahil sinamahan niya muna si Carl.
Unti unti kong nakilala si Carl, malambing at maasikaso din siya tulad ni Liam.
Mahilig siyang mangolekta ng mga sapatos na pang sports at mga designer Tshirt.
Mahilig din siyang maglaro ng video games at maglaro ng iba't ibang sports.
Naipakilala ko na din sila sa mga magulang ko at nagkataon pang kasosyo ng daddy ko sa isang negosyo ang daddy ni Carl.
Kapag nagkikita sila sa bahay ay tungkol sa business ang pinaguusapan nila.
Naimbitahan kaming muling kumanta ni Liam para sa Graduation Ball at nag request sila na dalawa o tatlong kanta kasama ang banda ng school.
Pumayag naman kami dahil kapalit naman nitp ay pagiging exempted nin sa finals sa Music subject namin ni Liam.
Napili ng banda na dalawang dance song at isang love song ang gagawin namin.
Sila na ang hinayaan kong mamili dahil mas alam nila ang gustong kanta ng mga ka edaran nila.
May tatlong buwan pa bago ang event kaya may dalawang beses lang kami sa isang linggo magpraktis tuwing Martes at Huwebes.
Naging busy kami sa school sa dami ng project at nalalapit na exam.
Isang hapon tumambay kaming muli sa ilalim ng puno dahil absent ang subject teacher namin.
Wala ang mga boys kaya kami lang ng mga kaibigan ko ang naroon.
" Amz may gusto ka ba kay Liam? " biglang tanong ni Stef sa akin.
" Huh? bakit mo naman natanong?" sagot ko sa kanya.
" Ou nga Amz pansin namin palagi kang nakatitig sa kanya kapag magkakasama tayo tapos iba pa ang mga ngiti mo" panunukso ni Ava.
" Hmmmm.. hindi naman siguro iba kayo lang nagbibigay ng ibang meaning" sabi ko.
" Alam mo Amz kitang kita na kaya sa mga mata mo na may gusto ka kay Liam" si Kat.
" Amz okay lang yan normal naman yun.. Tsaka sino ba hindi magkakagusto kay papa Liam bukod sa gwapo na eh mapagmahal at maasikaso pa " si Trisha.
" Siguro nga meron pero hindi pwede kasi mag kaibigan kami" pag amin ko sa kanila.
" Ano naman problema dun mas okay nga yun kasi kilala niyo ang isa't isa di ba? si Stef.
" Alam mo Amz wag mo pigilan yan baka kasi isang araw sumabog yan tapos di mo kayang ihandle " sambit ni Ava sabay akbay sa akin.
" Amz basta kahit ano pa yang nararamdaman mo sa kanya support kami lahat sa iyo " naka ngiting sabi ni Trisha.
" Hayaan na lang natin muna kung ano man ang narardaman ko para kay Liam ang importante masaya ako kasama siya " sabi ko.
Mabilis na dumaan ang mga araw, madalas wala si Liam kapag tumatambay at kami kapag tinantanong ko naman ang mga kaibigan niya sasabihin lang na may pinagkaka abalahan.
Nakakaramdam ako nang lungkot at nawawalan ng gana kapag wala siya.
Si Carl na din ang madalas na naghihintay sa akin kapag may praktis kami. Madadatnan ko na lang si Liam na nandun na sa Music Room.
Dalawang linggo na lang bago ang araw ng Graduation Ball kaya nag decide ang grupo na last praktis na daw para makapag relax na ang lahat.
Palagi naming kasama si Carl sa mga praktis at siya na din ang nag sasabay sa akin sa paguwi.
Matiyaga siyang naghihintay na matapos kami.
Excited ako palagi magpraktis dahil dun ko na lang nakakasama ng matagal si Liam bihira na kasi siyang magpakita sa amin.
Ramdam kong umiiwas siya sa akin at bihira niya din akong kausapin kapag nagkikita kami.
" Okay guys perfect naman natin ang mga kakantahin kaya one last round na lang tapos okay na tayo. " Si Kuya Yexel na gitarista ng banda.
" Sige twenty minutes break muna tayo tapos last salang na ulit" si Kuya Migs na drumer ng banda.
" CR muna po ako " sabi ko naman sa kanila.
" Samahan na kita Amz " alok ni Carl.
" Hindi na okay lang ako dito ka na lang saglit lang naman ako " naka ngiting sabi sa kanya.
Lumabas ako at patakbong nag tungo sa CR, dun lang ako nakahinga ng maluwag dahil naiinis ako sa hindi pagpansin sa akin ni Liam.
Pabalik na ako nang makita ko si Liam at Carl sa gilid ng pinto at narinig kong may pinag uusapan sila kaya nagtago muna ako ng bahagya para makinig.
" Liam may gusto ka ba kay Amethyst? " tanong ni Carl na ikinagulat ko ng bahagya.
" Bakit mo naman naitanong?" si Liam.
" Gusto ko si Amz. Liligawan ko siya. Okay lang ba sa iyo? " si Carl.
" Bakit ka sa akin nagpapaalam? Kaibigan ko lang naman si Amz" si Liam
" Gusto ko lang makasiguro na wala kang narardaman sa kanya, ayaw kong may masasaktan kapag niligawan ko siya " pahayag ni Carl.
" Hanggang pagkakaibigan lang ang meron kami kaya wag kang mag alala sa akin, gusto mo ba tulungan pa kita sa kanya." Bahagyang natatawang sabi ni Liam.
Hindi ko alam pero parang sinaksak ng libo libong karayom ang puso ko sa narinig ko.
Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit , isa lang ang sigurado ko may nararamdaman ako para sa kanya.
" Sabagay busy ka na nga pala kay..." dinig kong sabi ni Carl na hindi natuloy dahil may babaeng lumapit bigla sa kanila na hindi ko napansing dinaanan ako.
"Hi babe andito ka pala! kanina pa ako tumatawag at nag text sa iyo hindi ka naman sasagot " sabi ng babae sabay kawit ng kamay niya sa batok at halik sa labi ni Liam.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa nasaksihan ko.
Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko at pagpigil ko sa aking hininga.
Hindi pa din ako nakita ni Liam at Carl na nakatayo sa pinto. Nagulat na lang sila ng tawagin ako ni Kuya Yexel.
" Oh anjan na pala si Amethyst start na tayo para maaga tayo makatapos" sambit ni kuya Yexel.
Napalingon si Carl at Liam sa pinto kung saan parang napako ako sa pagkakatayo.
Napansin kong parang nagulat si Liam na naroon ako. Ngumiti lang ako at saka lumapit kay Carl para abutin ang tubig na hawak hawak niya at sabay uminom.
" Kanina ka pa ba nakatayo dun?" tanong ni Carl.
" Kadarating ko lang " maiksing sagot ko sa kanya.
" Ahmm. Amz si Fei nga pala, Fei si Amethyst kaibigan ko " pagpapakilala ni Liam sa babae.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa batok ni Liam at humarap sa akin saka naglahad ng kamay.
" Fei, Liam's girlfriend " saad ni Fei.
" Hi! Amethyst" maiksi kong sabi saka kinamayan si Fei at ngumiti ng bahagya.
" Okay start na tayo " sabay sabi ni ate Rose na siyang tumutugtog ng organ piano ng banda.
Tumango lang ako at lumapit na sa mic na gagamitin ko.
Hangang sa matapos kaming mag praktis ay hindi ko na sinulyapan si Liam.
Nang matapos kami ay kaagad akong nagpaalam sa mga kabanda ko at dali dali kaming lumabas ni Carl, siya na din ang naghatid sa akin.
Pag dating ko sa bahay ay nagtuloy ako agad sa aking kwarto. Nakaupo ako sa kama at tulala ng biglang may kumatok sa pintuan.
" Anak kakain na halika na" tawag ni mommy na nasa labas pa din ng pintuan.
" Okay po mom " sagot ko pero naka upo pa din at hindi kumikilos.
Bumukas ang pinto at pumasok si mommy, tumitig siya sa mata ko at lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.
" Love anak may problema ba? pwede mong sabihin sa akin." nagaalalang tanong ni mommy.
" Mom pano mo malalaman kapag gusto mo ang isang tao?" tanong ko kay mommy.
" Hmmm.. Alin bang gusto? Yung gusto mo siya dahil nagkakasundo kayo o yung gusto mo siya na para bang gusto mo ikaw lang ang nakikita niya at ikaw lang ang napapasaya niya?" tanong ulit ni mommy.
Tumingin lang ako sa kanya at nagsmile. Para bang binabasa niya kung ano ang nararamdaman ko.
" Love anak my gusto ka ba kay Liam?" naka ngiting tanong ni mommy.
" Hindi ko po alam.. Pero masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya kapag wala naman parang ang lungkot lang."Sagot ko.
" Anak gusto mo nga siya may special feelings ka para sa kanya kumpara sa mga ibang kaigan mo. Iba ang saya mo kapag siya ang kasama mo." Si mommy.
" Mommy may girlfriend na po siya" sabi ko at yumakap bigla kay mommy.
" Okay lang yun anak. Bata ka pa naman wag mo masyadong isipin na nasasaktan ka kasi may iba ng special sa kanya" tugon ni mommy habang hinahagod ang aking buhok.
" Dapat anak maging masaya ka kapag masaya siya kasi hindi naman natin pwedeng pilitin ang isang tao na gustuhin tayo sa paraang pagka gusto natin" dugtong pa niya.
" Mom salamat " saka ko hinigpitan ng husto ang yakap ko sa kanya.
" Siguro anak naninibago ka lang din sa nararamdaman mo kasi si Liam ang unang lalake na naging close mo na kaibigan kaya siguro nararamdaman mong special siya sa iyo." Paliwanag pa ni mommy.