Amethyst
Dumating ang araw ng Graduation Ball, si Carl ang sumundo sa akin sa bahay.
Suot ko ang isang red skatter dress na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko.
Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at saka itinali ng pataas.
Pag baba ko sa hagdan ay nakita kong kausap ni daddy si Carl sa sala.
Naka suot siya ng white polo na pinatungan ng varsity jacket na black at maong na pantalon at ang paborito niyang sports shoes.
Napatayo ito nang makita ako at saka inalalayan pababa.
" You look beautiful Amz" bulong niya sa akin.
" Carl please take care of my princess. Be here before midnight " si daddy na naka smile.
" Dad kakanta lang po ako dun.. Hindi po namin Prom night kung makabilin ka naman jan" biro ko kay daddy saka yumakap sa kanya.
" Ahhh hindi ba? Sa suot mo kasi parang aatend ka anak" natatawang sabi ni daddy.
Nakangiti lang si Carl habang nakikinig sa amin ni daddy.
Sa nakalipas na linggo sina Carl lang ang palagi naming kasama.
Hindi nagpakita si Liam simula nung last praktis namin, hindi na din ako nagtanong sa mga kaibigan ko.
Kapag week end nagpupunta sa amin si Carl para tumambay sa bahay at kulutin lang ako maghapon.
Nakarating kami sa Gymnasium ng school kung saan gaganapin ang Graduation Ball.
Madami dami na din ang mga students na nandun at nag papatugtog na din ang.
Nag deretso kami sa back stage kung saan napagusapan na magkikita.
Pag pasok namin sa pinto sabay sabay na napalingon sa amin ang mga nasa loob ng room.
Nakita ko ang mga ka banda ko na nasa isang gilid magkakasama at si Liam na kasama si Fei na naka upo sa isang single sofa.
Hinawakan ako ni Carl sa braso at inalalayan ako ni Carl palapit sa kanila.
" Andito na ang prinsesa natin, kumpleto na tayo" biro ni Kuya Yexel na lumapit at yumakap sa akin.
Lumapit din sina ate Rose, kuya Migs at Kuya Lloyd at nagbigay ng wlecome hug sa akin.
Si Liam naman ay nanatili lang naka upo kasama ang nakayakap sa kanyang bewang na si Fei. Ni hindi man lang ako pinansin.
" Ang ganda naman ng bunso namin, parang aatend ng prom" si ate Rose.
" Salamat po. Si Carl po ang pumili nito" sabi ko sabay baling ng tingin kay Carl.
" Bunso 8pm tayo kaya relax ka muna jan, may food at drinks dun sa gilid feel free to take anything " si kuya Migs.
Tumango lang ako sa kanya saka ngumiti.
Naupo kami sa malaking sofa ni Carl.
" Hi bro! kamusta ka na?" Si Carl na lumapit kay Liam para makipag fist bump saka umupo sa tabi ko.
" Okay naman" maiksing sagot ni Liam.
" Hi Fei ! " bati ni Carl kay Fei.
" Hi ! " maiksing tugon lang nito.
Hindi ko pinansin si Liam at Fei.
Sinuot ko na lang ang airpods ko at saka nakinig ng kanta na naka save sa phone ko.
Kinuha ni Carl ang isang airpod sa tenga ko saka nag tanong.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Carl.
" Hmmm medyo? palagi naman ako kinakabahan kapag nag peperform." Nakangiting sagot ko sa kanya.
" Magaling ka kaya dapat di ka na kinakabahan " sambit niya sabay pisil sa ilong ko.
" Aray... Ano ka ba ang hilig mo mangurot ng ilong " sabay hampas ko sa braso niya.
Tumawa ito sabay hawak sa kamay ko at kiniliti ako sa bewang...
Napalakas din ang tawa ko kaya pinagtinginan kami ng ibang tao na kasama namin sa loob.
" Tigilan mo nga ako Carl.. Nakakainis ka "sabay kurot ko sa braso niya.
" Ayan di ba nawala na kaba mo" natatawa niyang sabi sa akin.
" Parang mga bata " mahinang bulong ni Fei.
Nilingon ko ito at saka tinaasan ng isang kilay.
Hindi niya iyon nakita ngunit si Liam naka kunot noong nakatingin sa amin.
Nakipagtitigan ako sa kanya pero nauna na akong bumawi saka umupo ng maayos.
" Saglit kukuha lang ako ng tubig mo. Gusto mo bang kumain? " tanong ni Carl.
" Okay na ko sa tubig " naka ngiting sagot ko sa kanya saka siya tumalikod at nagpunta sa sulok kung nasaan nakalagay ang pagkain at inumin.
Lumipas ang isang oras nang tawagin kami ng organizer para umakyat sa stage.
Inabot ko kay Carl ang sling bag na dala ko dahil sabi niya siya na lang daw muna hahawak.
Nasa gilid na kami ng stage ng tawagin ako muli ni Carl.
" Amz pwed picture muna tayo? " tanong niya sa akin.
" Oo naman sige "sagot ko.
Humanap siya ng pwedeng pakiusapan mag picture sa amin at nang matapos ay binulongan niya ako.
" Good luck, kaya mo yan okay, sa harap lang ako ng stage " sabay halik sa kamay ko.
Napatigil ako saglit sa ginawa niyang iyon at naramdaman kong lumakas lalo ang kabog nang dibdib ko.
" Bunso halika na" tawag sa akin ni Ate Rose na naka smile pa mukhang nakita niya ang ginawa ni Carl.
Si Kuya Migs ang umalalay sa akin sa pag akyat sa stage.
Pumwesto ako sa harap ng mic ko at saglit na nilingon si Liam na nakaharap na sa mga tao.
Nag umpisa ng tumugtog ang banda. Kinanta namin ang 'Fire works ni Katie Perry'.
Naghiyawan at sayawan ang mga nakikinig sa amin.
Napatingin ako kay Carl na nasa banda gilid ng stage naka smile sa akin.
Sumunod naman naming kinanta ang ' Shape of you ni Ed sheeran' . Hindi pa din kami nagtitinginan ni Liam hangang natapos ang pangalawang kanta.
Sunod na namin kakantahin ang love song pero nagpahinga muna kami saglit para uminom , inabutan ako ni kuya Yexel ng tubig saka nagsalita.
" Guys after nito may special request daw yung dean okay lang ba sa inyo? " tanong niya.
" Okay lang basta kaya wala naman problema dun." si kuya Migs.
Muli kaming sumalang sa stage nagulat na lang akong bigla ng akbayan ako ni Liam paakyat muli sa stage. Napatingin ako sa kanya
" Tara na " maiksing sabi nito.
Inalalayan niya ako pabalik sa mic na gagamitin ko at saka ako huminga ng malalim.
Kinanta namin ang Opm song na ' I'll never go ng Nexxus ' theme song daw ito nila kuya Yexel at ate Rose kaya ito ang napili nila.
Hanggang matapos ang kanta namin ay hindi na nya ako muling tinignan o nilingon.
Nagpalakan at hiyawan ang mga nakikinig sa amin.
Maya maya ay lumapit si Kuya Migs at bumulong sa amin ni Liam.
May inabot itong print out na papel sa amin.
" Kaya nyo bang kantahin yan?" tanong ni kuya Yexel.
" Request yan ni Dean, alam niyo bang kantahin?" si ate Rose.
" Bunso, Liam kaya ba? si kuya Migs.
Tumango ako sa kanila pero kinakabahan dahil first time kong kumanta ng walang praktis, kung baga ay na on the spot kaming dalawa.
" Kaya namin, alam naman namin ni Amz yang kanta" naka ngiting sagot ni Liam.
" Okay tulad na lang ng dati ang pagpasok ok.Alam niyo kung saan kayo papasok at saan kayo magsasabay dba? "si kuya Yexel.
"Opo kuya " maiksing sagot ko at saka kami bumalik sa harap ng mic.
Nagsalita muna si kuya Yexel bago magumpisa...
" Here is a special request from our beloved Dean Santos. Para daw po sa kanyang asawa sana makanta namin ng maayos at para sa inyong lahat. Our last song for tonight NOTHING'S GONNA STOP US NOW. Thank you everyone and enjoy the song."
Nagsimula na ulit tumugtog ang banda. Tumingin ako kay Liam, nakatingin ito sa papel na hawak niya at saka sinimulan ang pagkanta...
Lookin' in your eyes
I see a paradise
This world that I've found is too good to be true
Standin' here beside you
Want so much to give you
This love in my heart that I'm feeling for you
Nilingon niya ako na parang nagbigay ng hudyat na ako ang susunod...
Let 'em say we're crazy
I don't care about that
Put your hand in my hand
Baby, don't ever look back
Let the world around us
Just fall apart
Baby, we can make it
If we're heart to heart
Nagsigawan muli ang mga nandun..Nilingon ko ang Dean namin na naka upo sa harap namin at nakayakap sa kanya ang asawa niya. Tumayo sila at nagpunta sa bandang harap ng stage at nagsimulang sumayaw.Sinundan naman ito ng ibang mga teachers at students.
Mas lalong lumakas ang sigawan at hiyawan ng magchorus na at sabay naming kinanta.
And we can build this dream together
Standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers
We'll still have each other
Nothing's gonna stop us
Nothing's gonna stop us
Napatingin ako sa pwesto ni Carl at nakikitang kong nageenjoy siya at sumasabay pa sa pagkanta.
Kinawayan niya ako saka kumindat sa akin napangiti naman ako sa ginawa niyang iyon.
Malakas na tilian, hiyawan at palakpakan ng matapos kaming kumanta.
Umakyat pa ang Dean namin sa stage at isa isang nagpasalamat sa amin.
Nalaman din namin na ngayon pala ang Anniversary ng pagkakakilala nila nung mga highschool pa sila.
Nagbalik kami sa waiting area, naroon na si Carl at may hawak hawak ng tubig habang naka ngiting naghihintay.
Lumapit ito sa akin ng makita niya ako at saka inabot sa akin ang tubig.
Inalalayan niya akong maupo sa mahabang sofa.
" Amz you are so good, I'm so proud of you " sabi niya sabay yakap sa akin.
" Thank you Carl " maiksing sa sagot ng naka ngiti ng pakawalan ako ni Carl.
Napalingon ako sa akin likod kung saan siya naka titig habang naka ngisi.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naghahalikan si Liam at Fei sa likod namin.
Nakaharap sa amin si Liam at nakapikit habang si Fei naman ay nakasabit ang mga kamay niya sa batok ni Liam.
Dumilat si Liam at nakita niya kaming nakatingin sa kanya kaya bahagya niyang tinulak si Fei.
Binawi ko kaagad ang tingin ko at inabot ang aking sling bag na naka patong sa gilid ni Carl.
" Uwi na tayo " baling ko kay Carl habang pilit na ngumingiti.
" Okay sige medyo pagabi na baka mapagalitan ako ng daddy mo " naka ngiti niyang sagot sa akin.
Inalalayan niya akong tumayo at saka nag paalam sa mga kabanda namin.
Si Carl lang ang nagpaalam kay Liam at Fei.
Nang makarating kami sa bahay ay hinatid niya ako hanggang sa may pintuan namin.
"Salamat sa pag sama sa akin Carl" naka ngiti kong sabi sa kanya.
" Masaya ako kapag kasama kita kaya walang ano man " tugon niya sa akin.
Papasok na sana ako sa pinto nang bigla ulit siyang nagsalita at nakita ko ang seryoso niyang mukha.
Lumapit siya sa akin ng konti at saka tumingin sa mga mata ko.
"Amz may saaabihin sana ako sa iyo" dugtong niya pa.
" Ahh ok ano yun? " nagtatakang tanong ko.
"Uhmmmm... Gusto ko sanang ligawan ka, matagal ko nang gustong sabihin sa iyo nag hahanap lang ako ng tamang panahon " seryosong nakatitig na sabi niya sa akin.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa narinig ko hindi ko alam kung bakit.
Nakatulala ako na naka tingin lang sa kanya at hindi alam kung ano bang dapat kong isagot.
" Amz di mo naman ako kailangan sagutin ngayon hayaan mo lang ako iparamdam sa iyo na mahal kita at kapag ready ka nang sumagot saka mo sabihin sa akin" naka ngiting sabi niya sa akin.
" Ahh okay pasensya na ngayon lang kasi may nagsabi sa akin ng ganyan kaya hindi ko alam isasagot ko " paliwanag ko.
" Okay lang basta payagan mo lang ako ligawan ka " si Carl.
Tumango lang ako at nagsmile sa kanya, may part ng pagkatao ko na natutuwa sa mga sinasabi niya.
Napangiti din siya at saka ako pinagbuksan ng pinto.
" Sige pasok ka na, kita tayo bukas ha, goodnight" sabi ni Carl.
" Goodnight " tugon ko sa kanya.