Amethyst
Mabilis na nagdaan ang mga araw, naging busy kami lahat sa pag rereview para sa final exam namin.
Sinabi ko sa mga kaibigan kong babae ang tungkol sa panliligaw ni Carl, at natuwa naman at kinilig ang mga ito.
Madalas kaming magkakasama ng mga kaibigan ni Carl, hindi na sumasama sa amin si Liam.
Minsan nakakasalubong namin ito sa school campus kasama si Fei at ang mga barkada nito.
May isang beses na nakita namin itong nag iisa sa Canteen na may dalang food tray ngunit na pa nganga na lang kami ng lagpasan niya ang grupo namin at nag tungo sa banda kaliwang table kung nasaan ang grupo nila Fei.
Nang matapos ang huli naming exam ay napag pasyahan naming tumambay muli sa may ilalim ng puno, wala pa sina Carl kaya kami kami lang muna.
" Amz alam mo bang girlfriend ni Liam yung Fei? " tanong ni Stef.
Tumango lang ako at saka nilabas ang headphone kong pula na niregalo sa akin ni Carl nung kaarawan ko.
" Bakit hindi mo sinabi sa amin?" dugtong ni Stef.
" Bakit ako ba dapat magsabi nun sa inyo? " sagot ko sa kanya.
" Hmmm.. Kaya pala hindi na siya sumasama sa atin " si Trisha.
" Ano pala plano niyo sa bakasyon" tanong ni Ava.
" Ako uuwi daw kami sa Pangasinan nila papa at mama mga isang buwan dw kami dun " si Kat.
" Ako din sa probinsya kami ng family ko sa Bataan may reunion daw tapos kasal ng kapatid ni mama " si Trisha.
" Ako naman isasama ni Mama sa Cebu may pinapagawa siyang rest house dun kaya malamang dun ako magbabaksyon sa lola ko" si Ava.
" Ako dito lang sa Manila darating mga kamag anak ni papa galing France kasama mga pinsan ko " si Stef.
" Ikaw Amz saan ka?" tanong sa akin ni Kat.
" Ako, dating gawi buntot lang... Kung nasaan ang meeting nila daddy out of the country dun ako." Naka ngiti kong sagot.
" Oh di ayos malamang andito ka din madalas sa Manila may makakasama ako " naka ngising sabi ni Stef.
Sinuot ko ang headphone ko saka nakinig sa music habang ang mga kaibigan ko ay naguusap usap pa din.
Hindi nagtagal dumating ang mga boys.
" Hi girls, kanina pa ba kayo dito? " tanong ni Mark sabay lapit kay Ava at umupo sa tabi niya.
" Hello tapos na kayo sa exams niyo?" tanong ni Kat.
" Oo natagalan lang dahil ang daming bilin ng last subject teacher namin." Sagot ni Josh.
" Hi Amz! " si Carl na bahagyang tinanggal ang headphone ko at tumabi sa akin.
Nagsmile lang ako sa kanya at saka kumaway sa iba pang mga kaibigan ko na kasama niyang dumating.
" So ano naman pinag uusapan niyo?" tanong ni Ralph na naka sandal sa puno at naka pamulsa.
" Tungkol sa plano para sa bakasyon " sagot ni Kat.
" So ano naman daw plano niyo sa bakasyon? " tanong ni Mark.
" Si Kat sa Pangasinan, si Trisha sa Bataan, si Ava sa Cebu tapos ako at si Amz dito dito lang sa Manila pero si Amz bubuntot buntot sa meetings ng daddy niya sa ibang bansa kaya in and out yan." sagot ni Stef habang tinuturo kami isa isa.
" Wala ba kayong out of town na magkakasama kayo?" si Josh.
" Wala hindi pa naman kami allowed sa mga outing na kami kami lang " sagot ni Ava.
"Bakit kayo ano mga plano niyo? "tanong naman ni Kat.
" Kami dun kami sa rest house nila Carl sa San Carlos tapos dito lang din tambay tambay kung saan saan" sagot ni Mark.
" Ay buti pa kayo pinapayagan kayo " naka ngusong sabi ni Stef.
" Sasama ka sa Paris sa daddy mo? " pabulong na tanong sa akin ni Carl sabay abot ng isang red rose sa akin.
" Salamat...Oo pero five days lang,business trip " sagot ko kay Carl.
Lumipas na ang mga araw at nagsimula na ang baksyon..
Sa text at video call na lang muna kami naguusap usap.
*group chat...
Stef : kamusta mga bakasyunista?
Ava : eto namamalengke kasama si mommy ang ganda dito sa Cebu. Someday madadala ko kayo dito.
Kat : ako naman nasa beach kasama mga pinsan ko nag swimming kami tapos may mga food din kaming dala.
Trisha : kami naman aakyat ng bundok.
Amz : ako naman nag iimpake.
Josh : kami nila Mark at Ralph eto naglalaro ng basketball.
Mark : Amz magtatanan ba kayo ni Carl? hahaha
Ralph : Carl wag mong papagurin yang si Amz hahaha..
Carl : mga gag* kayo sinama lang kami sa business trip sa Paris.
Josh : oh akala ko ba ayaw mo magtravel ng malayo hahaha..
Stef : wow naman ang layo naman ng bakasyonan niyong dalawa.
Amz : buti nga sumama si Carl sa daddy niya kung hindi malamang mabubulok ako sa hotel magisa.
Ava : kelan ba alis niyo?
Carl : mamayang gabi na.
Trisha : next month pag balik namin ng Manila kita kita naman tayo.
Kat : Oo nga kahit sa bahay na lang nila Amz ulit sleep over siguro papayagan naman tayo nun.
Josh : Maganda yan sige sabihan niyo kami kelan kayo babalik lahat.
Stef : bakit may seener lang tayo hmmmm..
Carl : hi Liam! kamusta ka na bro?
Ava : kamusta Liam?
Amz : guys sige na magiimpake pa ako. Chat na lang ako ulit mamaya.
Liam: I'm good. Ingat kayo lahat.
Ralph : Saan ka nag bakasyon?
Liam : Sa farm sa may Zambales kasama si Fei.
Pagkabasa ko ng chat ni Liam ay inoff ko na ang cellphone saka muling nagayos ng mga gamit ko sa maleta.
Mag hahating gabi na nang lumipad kami paalis ng Pilipinas.
Nasa business class ang mga magulang namin ni Carl kami naman ang magkatabi sa first class.
Bago kami umalis ay nag picture muna kami ni Carl sa airport saka sinend sa group chat.
Napuno na naman ng pang aasar at tuksuhan mula sa mga kaibigan namin ang chat box.
Si Liam naman ay hindi nakisali nagbabasa lang ng mga chat.
Siguro busy din siya kasama ang girlfriend niya.
Hindi naging boring ang buong flight dahil kay Carl, madami akong nalaman tungkol sa kanya at sa mga magulang niya,tungkol sa mga kaibigan niya at lalo na sa pinagsamahan nila ni Liam.
Nakatulog si Carl habang nanunuod kami ng movie na ' Remember Me', sa unang pag kakataon na titigan ko siya ng malapitan.
Napaka amo ng mukha niya habng natutulog, ang mga labi niyang mapupula at ang hugis ng mukha niya na sa edad niyang iyon ay pagkakamalan mong model sa isang magazine.
Ginising ako ni Carl nang malapit na lumapag ang eroplano, nagulat ako ng bahagya ng maramdaman kong nakayakap pala ako sa kanyang dibdib habang natutulog.
Nang makarating kami sa France ay nag derecho kami sa hotel kasama ang pamilya ni Carl.
Connecting room ang kinuha nilang room para sa amin ni Carl.
Naging busy ang mga magulang namin saga meetings at dinner party nila.
Samantalang kami naman ni Carl ay naging busy din mamasyal kasama ang driver na hired galing sa hotel.
Nagpunta kami sa iba't ibang tourist spots ni Carl sa mga museum, sa mga park at sumakay din kami ng tour boat na nagcruise sa ibat ibang historical places ng Paris.
Last day na namin sa Paris nang mapagpasyahan naming pumunta sa Eiffel Tower na sinadya namin na huling puntahan.
Magdidilim na nang puntahan namin ang tower, naglakad lakad kami sa park na malapit doon.
Nang mapagod ay naupo kami sa isang bench na naka harap sa Eiffel tower.
" Ang ganda talaga niya ano?" sabi ko kay Carl habang naka tingin sa tower.
" Oo maganda siya lalo na sa gabi nag iiba iba ang kulay niya" sagot nito.
" Nakaka bilib yung gumawa niyan noh bakit kaya nya isip magtayo ng ganyang tower"tanong ko kay Carl.
" Nung una temporary lang yan para sa mga Parisian, madaming may ayaw sa tower noon kesyo hindi daw
maganda kasi nasa gitna daw nang park, pero hindi nagtagal naging tourist spots na sya at ipinangalan sa engineer na nag design at gumawa sa tower" mahabang paliwanag ni Carl.
Naramdaman kong dahan dahan akong inaakbayan ni Carl, napatingin lang ako sa kanya at ngumiti.
Parang nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niyang ayos lang sa akin ang ginawa niya.
Nag stay pa kami ng ilang minuto bago magpasyang bumalik ng hotel.
Habang papunta kami sa sasakyan na medyo kalayuan kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya.
Ramdam ko ang init ng mga kamay niya sa kamay ko, napangiti ako ng lihim ng sulyapan ko siyang naka smile habang naglalakad kami.
Hindi ako tumutol sa ginawa niya at feeling ko kinikilig pa nga ako dahil napaka romantic ng paligid at first time ko ding maexperience ang lahat.