Dylan Dumaan ang mga buwan at araw naging malapit kami kay Amz, kapag nasa bansa ako ay kasama namin siya tuwing weekend. Nakikita kong masayang masaya si Jacob kapag kasama namin si Amz. Naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya, na para bang matagal ko na siyang kilala at kaya ko siyang pagkatiwalaan. Simula nang malaman kong hindi ko anak si Jacob at iwan kami ng dati kong asawa ay naging mailap ako sa ibang tao. Maging ang iba kong mga kaibigan noon ay hindi na rin ako madala sumama sa kanila. Sinikap kong maging makapangyarihan at kinatatakutan. Ngunit iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Amethyst. Unti unti kong nararamdaman na nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nagpasya akong mag tapat sa kanya ngunit nabalitaan kong bumalik ang dati nitong pagibig. Ilang linggong hindi

