Dylan Isinama ko si Liam sa mansion ko, nang makarating kami ay ipinakilala ko siya kay Jacob at nanay Dolores. Sinabi ko din kay nanay Dolores ang nangyayari at sinabihan kong wag niyang ipapa alam kay Jacob. Magtatanghalian na nang makatanggap ako ng balita sa kinaroroonan ni Rhod at Carl. Si Carl ay kasa kasama ni Natasha sa isang rest house dahil naging maselan ang pagbubuntis nito. Nakuha ko ang record ni Carl sa America at nalaman kong hindi nito kaya pang magka anak kahit kailan kaya nang sabihin sa akin ni Amethyst na buntis si Tasha ay sinabi ko ang totoo sa kanya. Pinasubaybayan ko si Tasha at naka kuha kami ng mga information at videos sa kanya na kasabwat si Carl sa plano ng kuya nito. Pinapasok ko si Liam sa loob ng library ko. " Maupo ka Liam " utos ko sa binata. "

