Liam Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Amethyst. 'Kung hindi nyo pa alam kasabwat ni kuya Rhod si Carl ' Paanong magagawa ni Carl iyon. Pinagkatiwala ko sa kanya si Amz, nagpaubaya ako kahit alam ko sa sarili kong mahal ko siya pero hindi ko kayang saktan ang kaibigan ko. Gusto ko si Amz noon pa, simula ng mabunggo ko siya sa Gymnasium ay gumawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya. Hangang sa isang araw may narinig akong kumakanta sa banyo ng mga babae. Nagtago ako at naghintay kung sino iyon, hanggang sa lumabas si Amethyst. Naging magkaibigan kami pati narin ang iba pa niyang kaibigang babae ,bihira na akong sumama kay Carl noon. Hanggang sa matiwalag na din ang grupo ni Carl at nakipag kaibigan din ito kay Amz kasama ng iba pa naming mga kagrupo. Hanggang sa

