Amethyst
*Present
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko, inabot ko ito saka pinatay.
Bumangon na ako at inayos ang kama ko,saka nagtungo sa banyo para maligo.
Pagkabihis ko ay lumabas ako ng kwarto, naka amoy ako ng kape kaya nagtungo ako agad sa kusina.
Naroon na si Liam na naka upo na sa bar counter at nagkakape habang hawak ang cellphone.
" Hmmm kailangan ko na bang palitan ang pinlock ng pintuan ko? " naka kunot noo kong tanong sa kanya.
" Good morning, ang aga aga ang sungit mo, ayan na kape mo pinagtimpla na kita at ginawan na din kita ng sandwich" sagot niya sa akin at saka tumayo at inabot sa akin ang kape na nasa flask at sandwich na naka balot.
" Tara na mahuhuli ka sa meeting mo " aya nito sa akin sabay hawak sa braso ko at hinatak ako palayo ng kusina.
Siya na ang kumuha ng bag ko at susi ng sasakyan ko at saka ako inalalayan palabas ng pintuan.
Nasa loob na kami ng sasakyan ng magtanong ako sa kanya.
" Teka nga bakit alam mo na may meeting ako ngayon tsaka bakit mo ako ihahatid kaya ko mag drive" naka taas ang isang kilay ko habang nagtatanong sa kanya.
"Kumain ka na lang jan okay" naka ngising sagot niya sa akin.
May itatanong pa sana ako ng marinig ko ang cellphone ko na nag riring sa loob nang bag ko.
Kinuha ko at sinagot nang makita ko na si Chris ang tumatawag.
" Hello Chris, bakit?" tanong ko.
" Good morning ma'am remind ko lang po kayo ng meeting niyo 8am with the board members po." Sagot niya.
" Yeah I know thank you, I'll be there in 10mins" sabi ko naman sa kanya habang binubuksan ko ang sandwhich na ginawa ni Liam.
" Okay po ma'am I will just wait at the Conference room na lang po?" tanong ni Chris.
" Yes please and just bring me the file I ask you to prepare last week in case they ask for it." sagot kong muli.
" Okay ma'am noted. Sige po see you soon bye." tugon naman niya.
"Thanks bye" sagot ko saka pinatay at binalik sa bag ang cellphone.
Nilingon ko si Liam na nakatuon ang pansin sa daan.
" Wala ka bang gagawin today?" tanong ko habang kumakain ng sandwhich.
" Meron naman may mga meetings ako this morning" sagot niya.
"Oh bakit nagabala ka pang ihatid ako? " tanong kong muli.
Ngumiti lang ulit ito at saka nagsabi " Tapusin mo na yan at malapit na tayo sa office ".
Kumain na lang ako at ininom ang kape na gawa ni Liam.
Napangiti lang ako dahil matagal tagal na din akong hindi nakaka pag almusal dahil minsan derecho na agad sa opisina at lunch na ako makaka kain.
Pag dating sa office ay pinarada ni Liam ang sasakyan ko sa harap noon at saka inabot sa akin ang susi.
Nagtinginan sa amin ang mga tauhan sa lobby nang makita kami ni Liam na patungo sa elevator.
" Okay na ko dito baka malate ka sa meeting mo" baling ko kay Liam na nakatayo sa gilid ko habang naghihintay ako na magbukas ang elevator.
Hindi ito sumagot sa akin hanggang mag bukas ang elevator at inalalayan niya akong makapasok dun.
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung anong balak ni Liam.
Nang magbukas ang elevator sa top floor ay derecho ako nagtungo sa Conference Room, naroon na si Chris at naghihintay sa may pinto.
Napansin kong naka buntot pa din si Liam sa akin kaya hinarap ko ito at saka sinabing " Baka gusto mong sumama sa akin sa loob ng meeting ko" biro kong sabi sa kanya.
Tumawa ito at saka may inabot mula sa isang babae ding nakatayo sa labas ng pinto.
Hinawakan niya akong muli at saka inalalayang makapasok sa pinto.
Pag pasok ng Conference Room laking gulat ko ng makita sina Carl at Rhod kasama si Natasha at ang iba pang member ng board.
Naupo ako upuang nasa gitna at nagulat ako ng maupo din si Liam sa tabi ko.
" Sorry late ba kami? Ang hirap kasi gisingin ni Ms Cepeda" naka ngising sabi ni Liam.
Tinaasan ko siya ng kilay ng tumingin ito sa akin.
" No your still early, na paaga lang din kami dito." Sagot ng isa sa board.
"Bakit hangang dito sumunod ka?" bulong ko kay Liam saka kinurot ng mahina ang braso.
" Sabi mo sumunod ako sa iyo " nakatawa niyang sagot sa akin.
" Ehemm.. Since we are all here pwede na din siguro tayong mag start" sabi ni Rhod na tumayo at naglakad sa harap ng white board.
" Wait I just want to ask something. As far as I remember this is a close board meeting only bakit may outsider? " nakataas na kilay na tanong ni Natasha na naka tingin kay Liam.
" Oh yeah..It's a close door meeting so are you refering to yourself ?" sagot ko sa kanya na nakataas dn ang kilay.
" Yes Ms. Natasha its a close door meeting so if you excuse us you have to leave the room now." sagot ni Rhod.
" Bakit ako lang? " baling nito kay Liam.
"If you are refering to Mr. Saavedra he is part of the board member, his company bought the share of Mr Hammilton " paliwanag ni Rhod.
Napa nganga ako sa narinig ko at bumaling kay Liam na pinipigil ang mapangiti,saka lumingon sa akin at nag smile sabay kindat.
Nginitian ko din ito saka yumuko at bahagyang umiling.
Walang nagawa si Natasha kaya tumayo ito.
" Okay babe I will just wait for you in your office " malanding sabi nito kay Carl saka humalik na ikinakalat ng lipstick niya sa labi ni Carl.
Nagtagis ang mga ngipin ko nang makita ko iyon.
Kinuyom ko ang aking mga kamay para pigilian ang inis ko.
Bigla ko naramdamang hinawakan ni Liam ang isang kamay ko saka ako biglang na himasmasan.
Umirap pa ito sa amin bago tuluyang lumabas.
" Mr Carl Sebastian baka gusto mong magpunas ng nguso mo bago tayo magumpisa sa meeting " saad ni Rhod na naka kunot ang noo.
Napatingin naman ako kay Carl na namumula na ang mukha.
Inabutan siya ng tissue ni Mr. Cruz saka ipinunas sa labi niya na napansin niyang puro lipstick pala.
"Okay without farther a do lets welcome our new board member here Mr. Liam Saaverdra." wika ni Rhod sabay turo kay Liam.
Tumingin ang lahat kay Liam at saka ito nag taas bahagya ng kanang kamay.
" We are here para malaman natin kung sino ang dapat maging CEO ng company ngayong wala na si Mr Hamilton." Saad ni Mr Cruz.
" I think its not necessary to ask. Leadership will goes to those who got the high share of the company." Sagot ni Mr Suarez.
" Mr. Hamilton used to be our CEO so now that Mr.Saavedra bought the share siya na ang magiging CEO." Sagot ni Mr Cruz.
" I does not goes like that we have to make a decision over this. My father owns 25% of the share so might as well na sa amin ang leadership." sabat ni Rhod.
" Yes Mr. Rhod Sebastian but to remind you na ang share na yun ay hinati sa inyo dalawa ni Carl." Si Mr Suarez.
" We can not give the leadership to the new comers of this company" sagot naman ni Rhod.
Tahimik lang kaming nakikinig sa usapan ng tatlo. Napapaisip ako kung ano ba ang purpose ni Liam para bilhin ang share ng kompanya.
Tumikhim si Liam at nag salita.
" First of all I am not here para kunin ang leadership at pamunuan ang company na ito dahil may mga hawak din akong sarili kong negosyo. Pangalawa I am here for pure business at palakasin ang palawakin ang sakop natin. Hindi na ako bago sa larangan na ito kaya maybe new comer is not an appropriate term."saad ni Liam habang naka titig kay Rhod.
" If it goes by the leadership siguro nga ang pinaka mataas na may share ang dapat mamahala and I believe she is more capable on doing that " dagdag pa nito sabay tingin sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko masyadong nasundan.
Pag lingon ko sa ibang mga kasama namin ay naka tingin din sa akin.
" She's been the left hand of Mr Hamilton at sa pag kaka alam ko bilyon na din ang naipasok ni Ms Cepeda sa kompanyang ito." dugtong pa ni Liam saka isa isang kaming binigyan ng folder.
Laman ng folder ang mga report na mga deal na naiclose ko from the start ako nag simula at mga on going project na hawak ko. Mayroon ding kung magkano lahat ang naipasok kong pera.
Napamulat ako nang makita ko iyon at hindi rin ako makapaniwala na nagawa ko ang mga iyon.
" I'm sorry hindi ko alam na ganito na pala kalaki ang naipasok mo dito sa kompanya Ms.Cepeda, I am so amaze of this " si Mr Cruz.
" Tama nga si Ms Cepeda ang dapat na maging next CEO ng kompany the records show it all" sang ayon ni Mr.Cruz.
" Yeah this is an amazing record but kakayanin ba niya na patakbuhin ang kompanya? " biglang sabat ni Carl.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya at talim ng titig niya sa akin.
" Why she wouldn't, Mr. Hamilton trained her so hard to be a leader without her knowing, without anyone knowing it " saad ni Liam.
" Isa pa hindi siya magiisa sa pag papatakbo ng kumpanya mind to remind all of you here that we are a team here. We will help her in every step of the way and in everything we could. Tama ba?" dugtong ni Liam na nakipagtitigan na din ngayon kay Carl.
" I agree she is capable of being the captain of the company. And I will be on her back I trust her " si Mr Cruz.
" I agree to Mr. Saavedra and Mr Cruz" pagsang ayon ni Mr Suarez.
"So any more objection for this matter?" si Liam na nakatingin pa din kay Carl.
" I also agree maybe dahil tahimik lang siya sa pag work and keeping her profile low kaya hindi siya napapansin sa lahat ng achievements niya , so congratulation to the new CEO of the CS Constraction Company Ms Love Amethyst Cepeda " saad ni Rhod.
Nagtayuan lahat ng mga board member at lumapit sa akin, isa isang kumamay sa akin at bumati.
Kinamayan din ako ni Carl at bahagya kong maramdaman ang pagdiin niya sa paghawak.
Napatingin ako sa kanyang mga mata ngunit blanko ang mga ito. Ngumiti siya at saka binitawan ang kamay ko.
Lumapit muli sa akin si Liam at saka ako niyakap bigla sa harap ng mga kasama namin.
" Congrats alam kong makakaya mo yan Ms CEO " nakangiting biro niya.
"You plan for this " naka taas kilay at naka ngiting sabi ko sa kanya.
" You deserve all the best in life " saad niya.
" Pero for now have lunch with me okay " dugtong pa niya.
" I will arrange the announcement for this and will send you all the details in your office okay" si Rhod na naka smile.
" Thank you Mr Sebastian" maiksing sabi ko sa kanya.
" Shall we, alam ko kung saan magandang kumain at mag celebrate" bulong ni Liam sa akin.
Nagpaalam na ang lahat at isa isang lumabas ng pinto.
" So how was the meeting babe. Ikaw na ba ang bagong CEO? " malanding tanong ni Tasha kay Carl.
" No. She is the new CEO" habang naka tingin sa akin.
Kumunot ang noo ng babae at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
" Bakit siya? "maarteng tanong pa muli nito.
" It's not for you to decide " nakataas kilay kong sagot sabay talikod habang naka hawak sa braso ni Liam at naglakad kami palayo sa kanila.
" That's my girl" naka ngiting bulong niya sa akin.