Episode 14

1631 Words
Amethyst PARTNERS IN CRIME. Nakarating kami sa bar na pag aari ni Mark at Ava. Nagtataka akong napatingin kay Liam na naka baba na at pinagbuksan ako ng pinto. " Liam ang aga ha babalik pa tayo ng office" nakatawang tanong ko kay Liam. " Lets go in. Naghihintay na sila" saka ako hinila papasok ng bar. Pag pasok ng bar ay isang malakas na Congratulation with confetti ang bumungad sa amin. Naroon lahat ng mga kaibigan ko maging si Carl pero wala si Tasha. May mga pagkain sa gitna ng dance floor na naka lagay sa mahabang lamesa na pinagdugtong dugtong. May mga nakaka kalat na balloon na red and white sa sahig at isang malaking bouquet ng pink rose. Kinuha iyon ni Liam at saka inabot sa akin. " For you Ms CEO." nakangiting sabi ni Liam. Isa isang lumapit sa akin ang aking mga kaibigan. " Congrats bessy alam ko kaya mo yan" si Ava sabay halik sa aking pisngi. " Dream come true, naalala ko pa sabi mo noon na you will be a CEO someday, so this is it" si Stef na yumakap ng mahigpit sa akin. " Congrats Amz we are so proud of you" si Kat " Amz you made it to the top, hard work paid. Congrats" si Josh na yumakap din. " Congrats Amz, what can we say Ms CEO " si Mark na humalik pa sa buhok ko. " Congrats bessyyy" sigaw ni Trisha na galing sa kusina kasama si Ralph at may dala dalang cake at wine. Yumakap din ang mga ito sa akin. Pag harap ko naman ay si Carl ang nakita ko na lumapit sa akin. " Amz, I may not know how you work hard for this pero ramdam ko naman sa sarili ko na I am proud of you for having this. Pasensya na kanina ha may nagutos lang kasi sa akin na magbigay daw ng show sa meeting." Si Carl na naka ngising nakatingin kay Liam. " Anyways... Congratulation Ms CEO. I will always be on your back no matter what. " Dugtong pa ni Carl sabay yakap sa akin at naramdaman kong humalik siya sa leeg ko at huminga ng malalim. Napatulala ako sa sinabi niya at may naalala bigla. *Short flash back* Matapos ang maghapong klase ay pumasyal kami sa park ni Carl hanggang abutan na kami ng gabi. Humiga kami sa damuhan sa may open space at tumingin sa langit. Nakahiga ang ulo ko sa isang braso niya at ang isa naman ay hawak ang kamay ko sa dibdib niya. " Love ang taas siguro ng mga star na yan ano" tanong ni Carl. " Ou naman wala pa yatang nakakapunta sa star" biro ko naman sa kanya. " Love alam mo kahit gaano pa kataas ang gusto mong abutin sa mga pangarap mo andito lang ako palagi. I will always be on your back no matter what" mahinang sabi niya sa akin. " Same here Love I promise na kahit gaano pa kalayo ang marating natin I will always be right next to you and will always love you" sagot ko naman. Hinalikan niya ako sa noo at saka niyakap ng mahigpit. * End of flash back* Humiwalay ng yakap si Carl ng mapansin nitong hindi ako gumagalaw. Tumitig ito sa mga mata ko, nakita kong masaya ang mata niya na parang kinakabisa ang lahat ng parte ng mukha ko. Nakatingin naman sa amin ang lahat ng mga kaibigan ko. Si Liam ang bumasag sa katahimikan at lumapit sa akin sabay halik sa pisngi ko. "Ms CEO kailangan na nating kumain at babalik pa tayo sa office" biro nito sabay kindat. Inalalayan niya ako maupo at saka tumabi sa akin. Si Carl naman ay sa harap namin umupo. Masaya kaming nagsalo salo at nag kwentuhan ng kung ano ano. Nagplano pa ang mga kaibigan ko na magouting daw para sa anniversary ni Mark at Ava. Nagbalik kami sa office nina Liam at Carl bago umalis ay nagpasalamat ako sa mga kaibigan ko at sa mga staff ng bar. Kinabukasan sabay ulit kaming nagpunta sa office ni Liam, dumeretso siya sa bagong opisina niya na ibinigay sa kanya ng kumpanya. Nagsimula na akong mag basa ng mga file na nakapatong sa lamesa ko ng biglang may kumatok. Maya maya ay pumasok si Chris na may dalang bouquet ng bulaklak ng pink tulip. " Ma'am may nagpapabigay po " saka inabot sa akin binilang ko ang bulaklak. " Galing daw kanino? Bakit eleven lang?" tanong ko. Biglang may kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Chris. Iniluwa nito si Carl na dala dala ang isang tulip. Napatingin si Chris sa akin na parang nagtataka. Maya maya ay sumenyas ito sa akin na lalabas na daw muna siya,tumango naman ako. " Hi! ahhh..Naiwan yung isang bulaklak dinaan ko lang" si Carl na naka smile sa akin. Lumapit ito sa harap ko at parang batang inabot sa akin ang bulaklak. Napatingin ako sa mata niya na kumikislap sa saya medyo namumula din ang pisngi nito. Inabot ko ang bulaklak at saka isinama bugkos, saka inamoy ang mga ito. " Hindi kita nabigyan kahapon kaya ngayon ko na lang ginawa." sambit nito. Ngumiti ako at nagpasalamat. Nilibot niya ang mga mata niya sa buong opisina ko. " Ang ganda naman pala ng opisina mo Ms CEO.Feeling ko nakarating na ako dito dati pa" sambit nito habang naglalakad kung saan saan sa loob ng opisina ko. Pasime kong isinara ang computer at laptop ko na naka bukas. Baka makita kasi niya ang picture namin na wallpaper ko. " Love Amethyst Cepeda " dahan dahan niyang basa sa isang Magazine na naka patong sa center table. " Love..Hmmm.. Love..." bulong pa nito. " Bakit Amz ang tawag sa iyo bakit hindi Love?" tanong nito sa akin. Napakagat ng ibabang labi ko ng bigkasin niya ang salitang 'love'. *Short flash back* Sinama ako ni Carl sa after party para sa team ng basketball matapos ang Sports Day. Naroon din sina Mark,Josh at Ralph, ang mga girls naman at si Liam ay hindi na sumama at umuwi na lang. Nasa isang table kami kasama ang mga kaibigan namin. " Amz grabe ang sweet mo palang sumagot, bihira mo hinarana mo pa si MVP Carl sa harap ng maraming tao" biro si Josh. " Kaya nga Amz ang lupit ng kanta kahit ako kinilig sa ginawa mo. Kaya pala ayaw mo iparinig sa kanya kapag nag praktis ka." Si Mark. Natawa Si Carl sa mga sinabi ng mga kaibigan niya. Saka yumakap sa akin at hinalikan ako sa aking noo. " What will I ask for, ganyan kami ka sweet sa isa't isa" nagmamalaking biro naman ni Carl sa mga kaibigan niya. " Kaya nga bro, kung ako sa iyo alagaan at mahalin mo si Amz habang buhay at kapag sinaktan mo yan pati kami makakalaban mo" biro naman ni Ralph. Nauna na kaming umalis ni Carl dahil ihahatid pa niya at dahil nakapangako siya sa daddy ko naihahatid ako bago mag ten. Tulad ng dati inihahatid niya ako sa pinto ng bahay namin. Yumakap ito ng mahigpit sa akin. " Amz thank you for trusting me " malambing na sabi ni Carl habang nakayakap sa akin. " Alam ko namang hindi mo ako sasaktan diba? " sabi ko habang nakayakap din sa kanya. " Hindi ko yan maipapangako kasi lahat ng ng relasyon dumadaan sa pagsubok, but we just have to trust in love and to God." Bulong nito na nakayakap pa dn. Napangiti ako sa sinabi niya at saka ko isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. " Hmm Amz, bakit Love ang tawag sa iyo ng parents mo? " tanong nito sa akin. " hmmm kasi sabi nila ang pwede lang tumawag sa akin nun ay yung mga taong mahal na mahal ako at sila daw yun" paliwanag ko sa kanya. " So pwede na kitang tawaging Love ,kasi mahal na mahal kita" sabay hawak sa mukha ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Kumislap ang mga mata niya at saka dahan dahang nilapit ang mga labi niya sa labi ko. Nang maglapat ang aming mga labi ay nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso at pinigil ko ang aking hininga. Bahagya niyang ginalaw ang kanyang labi at nararamdaman ko ang kanyang mga dila sa aking labi na parang nag uutos na gayahin ang kanyang ginagawa. Dahan dahan din aking tumugon sa kanyang halik, sa una ay banayad at nang tumagal ay naging mapusok. " I love you Love " sambit ni Carl habang habol ang hininga. " I love you too Love " sagot ko naman sa kanya. * End of flash back* " Ms Cepeda are you okay?" tawag sa akin ni Carl na nagpabalik sa aking malalim na pagiisip. " Oh sorry, may naisip lang ako bigla. Ano pla yung tanong mo? " sagot ko naman sa kanya. " Wala naman, I said I will go ahead , I see you around " sabi nito at naglakad patungo sa pinto. Bago ito lumabas ay humarap muli sa akin at nagsalita. " Busy ka ba ng lunch? Can I invite you out? "tanong ni Carl habang nakatayo sa may pintuan. Tumango ako ng bahagya saka ngumiti. " Is that a yes? or a no?" naka kunot noong tanong ni Carl. " Yes, I... I mean I'm not busy this lunch so I can go with you" bahagya pa kong nautal sa pagsagot. " Okay I will pick you up aroun 12pm?" tanong ni Carl ulit. " Yeah.. that would be fine 12 pm" sagot ko sa kanya sabay kagat sa ibabang labi ko. Nang makalabas na ito ng tuluyan ay naihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha at saka din ako nakahinga ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD