Episode 22

1601 Words
Amethyst Madaling araw na kaming natapos ng mga kaibigan ko. Naisipan kong buksan ang cellphone ko habang naghihintay kay Carl na nagshower saglit. Pag bukas ko ay madaming message akong natanggap mula sa aking sekretaryang si Chris at may isang hindi naka register na number. Unang binuksan ko ang message ni Chris. Chris : Ma'am nasaan ka po? Nagpatawag ng board meeting si Sir Rhod Sebastian on Monday morning nalaman ko lang sa isang sekretary ng isang board. Walang binigay sa aking memo about sa meeting may alam ka po ba dun? Chris : Ma'am you need to return ASAP. Naka usap ko ang Finance at Auditor ng company urgent daw na makausap ka nila. May inabot sa aking mga papers pasensya na pinaki alaman ko.. Mga cheque na naka intial under kay sir Rhod at unkown bank account number it cost billions of request to transfer to their account. Kailangan ng sign mo kaya hindi na iprocess. Please return po As soon as you can. Kumunot ang noo ko sa mga text ni Chris. ' Your making your move huh assh*le' bulong ng isip ko. Nagreply ako kay Chris Amz : I see you on Monday. Do not tell anyone that I'm coming. Sinunod kong basahin ang unknown number. Nagtaka ako kaya binuksan ko ang message. Unknown : Balita ko naka bakasyon ka. Sana hindi mo nakakalimutan ang mga pinagusapan natin noon. Alam mo naman ang magiging kapalit oras na may maka alam. Unknown : Wag na wag kang magkakamaling kalabanin ako. Alam kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Nagsend ito ng tatlong photo. Ang isa ay ang kotse ng kuya ko na basag ang salamin sa harap at likod. Ang isa ay ang mommy ko sa harap ng isang grocery store na may naka tutok na sniper na baril mula sa taas ng isang building. At ang pangatlo ay ang condo unit ko na naka bukas ang pinto at may naka upong lalaking naka itim at naka bonet sa sofa ko na may hawak na baril. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko at nanginig bigla ang kamay ko. Siyang labas naman ni Carl galing shower room at nagtatakang naka tingin sa akin ng mapansin niyang mabilis ang paghinga ko ay agad siyang lumapit. " Love bakit anong nangyari? tanong nito ng makalapit na sa akin. Bago ako sumagot ay may kumatok sa pintuan, si Carl na ang nagbukas nito. Pag bukas ay si Liam ang nasa labas at pina pasok agad ito ni Carl. " We need to go back tomorrow. Nagpatawag ang kuya Rhod mo ng board meeting. Amz , Carl may alam ba kayo about this? " tanong ni Liam. Umiling ako at saka nanginginig na inabot ko ang cellphone kay Carl. Umupo ito sa tabi ko sa kama at saka tinignan ang cellphone ko. Tuliro akong napasabunot sa buhok ko, feeling ko ano mang oras ay sasabog ang ulo ko sa mga nabasa ko. " Paano niya na open ang condo unit mo " tanong ni Carl sabay abot ang phone kay Liam. " F*ck... Nag uumpisa na siya " napamurang saad ni Liam. Maya maya ay may kumatok muli sa pintuan namin, si Mark at Ralph iyon. " Amz nag trigger ang alarm sa yunit mo " si Mark. " May naka pasok sa loob, mga lalaking may mga dalang baril nakita namin sa cctv" si Ralph. Niyakap ako ni Carl ng makita niyang niyakap ko ang aking mga tuhod at saka umiyak. " Shhh... Love please wag kang umiyak andito kami hindi ka niya masasaktan" aniya habang hinahagod ang buhok ko. " Mag pahinga na muna tayo, bukas tayo mag usap usap kung anong dapat natin gawin " si Liam. Isa isang nagpaalam ang mga kaibigan namin. Nakatulog akong nakasiksik sa mga bisig ni Carl. Linggo ng tanghali kami naka alis sa resort ni Josh, nakapag plano na kami kung ano ang gagawin namin. Napag pasyahan namin na sasabay ako sa van at ibaba mall na malapit sa penthouse para makuha ang sasakyan ko sa carpark at makauwi sa condo ko. Si Liam at Carl ang magkasama sa sasakyan at dumerecho sa mansion ng mga Saavedra. Si Mark at Josh ang nagpunta sa security na naka assign sa builiding ng condo para maconfirm kung paano nakapasok ang mga armadong lalaki sa yunit ko. Si Ralph na ang nag hatid sa iba pa naming mga kaibigan sa mga bahay nila. Pag pasok ko sa condo ay naka lock iyon, kaya pinindot ko ang passcode. Inihanda ko ang phone ko at tinawagan Si Liam at saka ko inilagay muli sa bag. Laking gulat ko ng makita kong naka upo si kuya Rhod sa may sala. " Kuya Rhod anong ginagawa mo dito" tanong ko sa kanya. " Wala naman, sinisigurado ko lang na dito ka pa din nakatira. Mukhang nagenjoy ka sa bakasyon mo? " saad nito habang naka dekwatrong naka upo sa sofa. Tinitigan ko ito ng masama at saka tuluyang pumasok sa loob. " Ngayon alam mo nang andito ako pwede ka na umalis" madiing sabi ko sa kanya. " Nakuha mo ba ang mga message ko sa iyo kagabi " tanong niya saka tumayo at humakbang palapit sa akin. Umatras ako ng bahagya ng malakapit siya ng tuluyan. " Umalis ka na! " sabi ko at akmang tatalikod na sa kanya ng bigla niyang hablutin ang braso ko. " Not so fast, Nung nakipag kita ako sa iyo gusto sana kitang makausap ng maayos noon pero anong ginawa mo umalis ka at tinalikuran mo ako, buti na lang magaling ang mga source ko kung saan ka nagpunta." Naka ngising sabi nito sa akin. Pinipilit kong kunin ang braso ko ngunit lalo niyang hinigpitan ang paghawak, kaya malamang magkakapasa ito. " Bakit ba kasi ayaw mong makipag cooperate sa akin na pigilan ang kasal ni Carl at Natasha? " tanong niya na naniningkit ang mata. " Ano bang mapapala ko kapag pinigilan ko ang kasal nila? " madiing tanong ko sa kanya. " Hmmm... Simple lang matatahimik na ang lahat. Akala ko pa naman matalino ka?" sagot nito. Sasagot sana ako nang makarinig akong may nagdoorbell sa pinto. Naningkit ang mga mata ni Kuya Rhod na tumitig sa akin. Binitawan niya ang kamay ko at saka muling umupo sa sofa na parang walang nangyari. Lumapit ako sa pinto na may malakas na kaba sa dibdib. Sinilip ko sa maliit na butas ng pinto kung sino ang nasa labas. Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko si Mark at Ralph ang nasa labas. Ngumiti ng mapait ang dalawa saka nagsalita. " Hi Amz! we miss you. Bakit di ka nagpapakita sa amin, kahit text or tawag ko di namin sinasagot " si Mark. Pinapasok ko ang dalawa sa loob. " Kuya Rhod? bakit nandito ka? " si Ralph na kunwari ay nabigla sa nakita. " Dinalaw ko lang siya. Sabi kasi ng sekretarya niya naka on leave siya. Baka kako may sakit. " sagot ni kuya Rhod. " Anyways mauuna na ako sa inyo. Mukhang ok naman si Amethyst kaya aalis na din ako." dugtong pa nito sabay tapon ng masamang tingin sa akin. Tumayo iyo at saka naglakad patungo sa pinto, ngunit nagsalita muli. " Amethyst magpahinga ka na, see you at the office tomorrow " may diin na sabi niya saka tuluyang lumabas. Pabagsak akong naupo sa sofa at saka inihilamos ang mga kamay ko sa king mukha. " Amz okay ka lang ba? " tanong ni Mark. Iniangat ko ang mukha ko at tumungin sa kanya, naramdaman kong tinuturo ng mga mata niya ang cellphone na hawak niya. Tumayo si Ralph at nagtungo sa kusina. Kinuha ko ang cellphone ko at saka binuhay. Mark : Go to the kitchen now. Pagkabasa ko ay saka ako tumayo at sumunod sa akin si Mark. Nakaupo na si Ralph sa upuan ng bar counter. " Amz your not safe here. May mga nilagay silang camera sa sala, sa dalawang room at isa malapit sa pinto. Itong kitchen lang ang wala." mahinang sabi ni Mark. " Ginalugad nila ang buong yunit mo buti na lang mas magaling kami magtago ng mga cctv hindi nila bakita " nakangising sabi ni Ralph. " Nalaman din namin kung paano niya nabuksan ang yunit mo." si Mark na kumuha ng baso at nagsalin ng alak na kinuha sa mini bar ko. " Nung naghanap kayo ng yunit ni Carl tinulungan kayo ni kuya Ralph na makakuha, kaya kilala niya kung sino ang nag install ng security lock mo." Saad ni Ralph na may hawak namang beer. " Kailangan mo ng lumipat Amz as soon as possible " si Mark. " Mas safe ka sa bahay niyo, bumalik ka na lang doon at magdagdag tayo ng security mo " si Ralph. " Hangga't hindi pa natin alam kung hanggang saan ang koneksyon ni kuya Rhod mahihirapan tayong kumilos "dugtong nito. " Ang sakit ng ulo ko, hindi ako makapag isip ng maayos " sabi ko sa kanila. Lumapit sa akin si Ralph saka minasahe ang balikat ko. " Magpahinga ka na muna ginagawa ni Carl at Liam ang lahat " saad nito saka ako inakbayan. " Paano ako makakatulog kung may cctv sa buong bahay ko pati ang kwarto ko" naiinis kong sabi. " Sa kabila ka na matulog, sa yunit ni Liam mas safe ka dun " si Mark. Tumango ako at tumayo saka nagtungo sa kwarto ko at kumuha ng mga gamit at saka bumalik sa kanila sa kusina. Maghahating gabi na nang iwan ako nila Mark at Ralph sinigurado nilang maayos ako bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD