Amethyst
Tahimik pa din ang lahat na nakikinig.Si Liam na nasa tabi ko ay seryosong nagiisip.
Si Carl naman ay panay ang haplos niya sa aking mga kamay habang hawak niya ito.
" Nung araw na lalabas na ko ng hospital nag pakita ulit si Kuya Rhod. May dala siyang mga papel nakalagay dun lahat ng mga address niyo at ng pamilya ko maging ang kuya ko na nasa Autria. Binantaan niya ako muli na kapag nagsalita ako si Carl ang uunahin niya dahil mas madali daw para sa kanya dahil nada comma naman daw siya." pagpapatuloy ko at saka ko tinignan si Carl sa mukha.
Nagiigting na ang mga panga nito sa galit, pero ramdam ko pinipigilan pa din niya.
" Carl nang malaman ko na nakaratay ka sa hospital pinilit kong lumabas sinabi ko lang sa doctor na magpapagaling na lang ako habang binabantayan kita. Kinontak ko ang tito kong nasa America para tignan ka at para makasigurado akong mabubuhay ka ".
"Walang araw na iniwan kita kahit tulog ka aalis lang ako kapag dumating sila ayaw kong nagiisa ka dahil baka kung anong gawin sa iyo ni Kuya Rhod. " dugtong ko.
" Nang magising ka at magka malay sobrang saya ko noon, pero nung hindi mo ako makilala at iba ang hinahanap mo parang sinaksak ako ng paulit ulit. Nakausap ko naman ang tito ko about sa iyo na possibleng mangyari yun kaya dapat kong ihanda ang sarili ko, kaso iba pala kapag actual mo ng narinig."
" Bago ka magka malay pumunta si Kuya Rhod sa akin, sinabi niya kapag nagising ka kailangan layuan kita, at kapag nalaman niya sinabi ko sa iyo ang lahat alam ko na daw ang mangyayari. Tumawag din sa akin si daddy noon nakakatanggap daw sila ng mga death treats kahit ang kuya ko".
" Naki pag deal lang ako sa kanya na hangga't wala kang malay ako ang magbabantay sa iyo. Lalayuan kita at hahayaan ka niyang mabuhay. Pero nagisip na ako ng paraan noon na kapag dumating si Liam sa kanya ko sasabihin ang lahat, pero nung dumating ka Liam palaging si Kuya Rhod ang kasama mo ni wala akong chance na makausap ka."
" Nang dumating si Natasha nung gising ka na, sinabihan ako ni Kuya Rhod na ililipad ka niya sa America susunod sana ako sa iyo noon pero nalaman niya kaya gumawa siya ng paraan para maalala niya ang deal namin".
" Ralph remember ng magkasunog sa taas ng yunit mo siya ang may gawa noon. Stef remember nung may nagflat ng apat na gulong mo siya din yun. Kat yung muntik ka ng mabangga, Josh nung may lumapit sa iyo para saksakin ka. Trisha naalala mo nung may bumaril sa kay fluffy yung aso mo habang nag lalakad kayo sa park. Mark, Ava yung car niyong naka park at pinaulanan ng bala"
" Lahat yun siya ang may gawa. He send me those photos. Na isend ko yun sa dating email ni Carl even mga records ng pagbabanta niya sa akin. I kept it all there sa laptop at cellphone mo dati. Dahil alam kong walang makakapag open nun at hindi siya maghihinala na andun lahat ng ebidensya. Kasi every time na pupunta siya sa opisina ko kinukuha niya ang cellphone ko at chinecheck niya lahat." Pagpapatuloy ko.
" Hindi ko alam na ganun na pala kalalim ang ginawa sa iyo" si Liam na naka huyom na ang mga kamay sa galit.
" Kaya ba ilang beses mo nang pinagtangkaan ang buhay mo Amz" si Josh na garalgal na ang boses.
" To protect us" dugtong nito.
" Oo kahit sobrang sakit na sa ulo halos mabaliw ako sa nangyayari sa akin. Tapos hindi ko pa alam kung ano na ang kalagayan ni Carl noon." Sagot ko kay Josh.
" Amz kahit na. Sana nagsabi ka para napagtulungan natin. Hindi yung pinapatay mo ang sarili mo" si Kat.
" Alam mo bang may cctv ka sa bahay mo?" si Mark.
" Natakot kami na baka isang araw di kami umabot sa iyo at may gawin kang iba" dugtong niya.
" Liam told me kung anong ginawa niyo, thanks guys I owe you all" nakasmile ko ng sabi sa kanila.
" Magbabayad siya sa lahat, lalo na sa ginawa niya sa mga magulang ko " si Carl na nagtatagis na ang mga bagang sa galit.
" Si Natasha kasama niya lahat sa plano. Nagplano sila na sa America ka nila tatapusin Carl. Dapat susunugin ka nila sa loob ng yunit mo tapos papalabasin nila aksidente yun, kaya nung araw na gagawin nila inilipad kita pabalik dito sa Pinas." bigalang sabi ni Liam.
"Natasha... Tinakot niya pa ako na kapag sumunod ako sa America sasabihin niya kay kuya Rhod at kahit ang pag dalaw ko sa iyo sa hospital bago ka umalis. Kailangan ko pang mag disguise as a nurse para makalapit sa iyo Carl" baling ko kay Carl.
" We have to make a plan. Pagisipan nating mabuti" saad ni Josh.
" Yes, I will look at my cctv the night na nagpunta ka doon. Parang may mali kasi na nalasing ka bigla" si Ava.
" I know.. Kung alam ko lang na buntis siguro ako hindi ako iinom" malungkot sa sabi ko.
" We have to becareful sa lahat ng kilos natin pagbalik natin sa Manila. Hindi tayo pwedeng mahalata na alam na natin lahat." Si Ralph.
" Carl anong plano mo?" tanong ni Kat.
" I will protect Amz kahit anong mangyari " seryosong sagot nito.
" Kailangan nating maka kuha ng ebidensya na kasabwat si Natasha" sambit ni Stef.
" Yung bruha na yun kapag nakita ko yun sabunutan ko talaga yun" dagdag pa nito.
Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko ng masabi ko ang lahat sa kanila. Pakiramdam ko nabuhay akong muli, pakiramdam ko nabumalik ang dating ako.
Hinapit ni Carl ang bewang ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
" Love I'm sorry wala ako para protektahan ka pero simula ngayon hindi na kita hahayaan masaktan, mahal na mahal kita " bulong nito sa akin.
" Mabuti pa kumain na muna tayo " saad ni Josh.
Tumayo na kaming lahat at nag tungo sa dinning area.
Matapos kumain ay nag inuman pa kaming lahat.
Nasa isang mini bar ang mga boys kami naman ay nasa sala naka upo.
Yakap yakap ako ni Ava .
" Amz Im so proud of you. Kinaya mo lahat yun ng mag isa ka lang" si Stef.
" Yeah Amz at napaka tapangg mo na sabihin sa amin lahat ng alam mo." saad ni Trisha na may hawak na beer.
"Amz thank you for protecting us, kahit na kapalit pa nun ang sarili mong kaligayahan. Thank you for everthing from now on we will protect you ..We will protect each other " naluluhang sabi ni Ava.
" Nang magka amnesia si Carl at mawala.. we felt we lost you also. Welcome back to us Amz... We all love you " si Kat.
" Group Hug" dugtong pa nito.
Nagyakap kaming lima ng biglang lumapit ang mga boys sa amin.
" Hmmm bakit hindi kami kasali sa group hug " natatawang biro ni Mark
" Babe pwede naman mamaya ako na hu-hug sa iyo ng madami " sagot sa kanya ni Ava na ikinatawa naming lahat.
" May na miss akong gawin " si Kat na kumindat kay Josh.
" Oh! alam ko yan nasa baba lang ang tv room tara." si Josh.
" Parang alam ko yan game ako jan " dugtong ni Stef saka tumayo at sumunod kay Josh.
Nagsitayo kaming lahat at sumunod sa dalawa.
Pag pasok namin sa Tv room ay namangha ako, isang parang maliit na sinehan na kakasya sa mga dalawampung tao ito.
May malaking flat screen tv at high tech na sound system.
May mahabang sofa at my mga naka kalat sa sahig na mga bean bag..
Inaya ako ni Carl na maupo sa isang malaking bean bag.
Nagdala pa nang maraming beer sina Josh at Ralph na may kasamang pulutan at mga prutas.
Dinalhan nila ng gatas si Ava at ang mangga na request nito.
" Gatas ka na muna Ava para healthy si baby bawal ka na sa alak okay " naka ngising biro ni Mark habang inaabot ang baso.
" So dating gawi ha, Josh na hanap mo ba yung sinabi ko sa iyo?" si Kat na nakatayo at hawak ang dalawang wireless na microphone.
Inabot niya sa akin ang isa at ang isa ay kay Liam.
" Liam solo muna si Amz okay, special request lang " saad ni Trisha na naka ngiting parang kinikilig.
Nag taka ako at saka ako tumingin sa screen ng tv.
Isinalang nila ang kantang ' I Like You So Much ' na kinanta ko para kay Carl noon.
Bigla akong napangiti at tumingin kay Carl na naka ngiti rin ng marinig ang kanta.
" I love you love " bulong nito sa akin saka ako nagsimulang kumanta.
Nakita kong naluha ang mga kaibigan kong babae habang kumakanta ako. Ang mga lalake naman at naka ngiti lang na naka tingin sa akin.
Si Carl ay hinapit ako sa bewang ng palapit sa kanya at saka yumakap sa aking likuran.
Nang malapit na akong matapos ay naluha na din ako ng tuluyan...
Humarap ako kay Carl at saka tinuloy ang kanta, umiiyak na din ito..
Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
'Cause, baby, you're the one, I don't know how
In a world devoid of life, you bring colours
In your eyes I see the light, my future
Always and forever I know, I can't let you go
I'm in love with you, and now you know
I'm in love with you, and now you know
Hinalikan ako ng banayad ni Carl sa labi at tumugon din ako sa kanya.
Natigil kami ng magpalakpakan ang mga kaibigan namin.
" I missed you voice Amz " si Ava na nagpupunas ng luha sa mata.
" It's been so long since the last time na kumanta kang galing sa puso " si Ralph.
Nagkantahan at inuman pa kami hanggang magka ayaan ng matulog dahil lumalim na ang gabi.