Episode 20

1697 Words
Amethyst " Saan ba ako magsisimula?" tanong ko sa kanila. Lahat ng mga mata nila ay sa akin nakatingin. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang magsalita. Tumingin ako kay Carl. " Carl bago ka maaksidente, few days ago nag away tayo.. It's about my decision na magpunta ng Canada at sundan sila daddy at mommy dun, pero ayaw mo. Inexplain ko naman sa iyo na three months lang naman ako dun pero ang sabi mo noon hindi pwede kasi wala ka doon, at hindi mo din pwede iwan ang pamilya mo dito lalo na at nakaka tanggap ng mga death treats ang parents mo. Sinabi ko pa nga sa iyo na mas okay na malayo muna ako sa iyo para maka focus ka sa kanila. But suddenly out of no where you just snap at me, nasampal mo ako noon and you just went out of the door. I was so shock ni hindi ko namalayan na umiyak na ako, andun tayo sa opisina ko noon nadatnan lang ako ni Chris na naka upo sa sahig dahil sa lakas ng sampal mo sa akin. She even wipe the blood on my lips." naluluha kong kwento. Napahigpit ang hawak ni Carl at tumingin ako sa mga kaibigan kong babae na galit ang mga mukha. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita. " I'm sorry love kung nasaktan kita noon" sabi ni Carl sabay halik sa gilid ng ulo ko. " Wag kayong magalit sa kanya. Siguro dahil siya ang naglilihi sa aming dalawa noon" nakangiting sabi ko. Sabay sabay na nag 'what' ang mga kaibigan namin maging si Carl ay parang naka kita ng multo ang reaksyon. " Hindi ko pa alam na buntis pala ako noon. I was trying to reach out to you Carl para makapag usap tayo. Palagi kitang inaantay sa penthouse pero hindi ka umuuwi " pagpapatuloy ko. " Wait.. Wait wait wait... May pent house kayo?" tanong ni Stef na nanlalaki ang mga mata. Tumango lang ako sa kanya. " Ahmmm we secretly live together" nakangiti kong sagot. " Three days ang nagdaan, hindi ka pa din nagpapakita sa akin. Kaya naisipan kong magtanong kay Kuya Rhod about you" Napalunok ako at tumingin kay Liam. Tumango lang ito ng marahan. " Kakatok na sana ako noon pero naka bukas ang pinto at may narinig akong nag uusap sa loob. Narinig ko kung paano nila gagawin ang pagpatay sa iyo at sa parents mo" naluluha kong kwento sabay tingin kay Carl. Kumunot ang noo nito. " Patay na ang mga magulang ko? Kelan pa? " tanong nito na salubong na ang mga kilay. Hinawakan ko naman siya ng mahigpit sa kamay. " The day na naaksidente ka " Si Liam. " Bakit hindi niyo sinabi sa akin? " mahinang sabi niya. " Dahil yun ang pinalabas ng Kuya mo " si Liam " Carl narinig ko sa kuya mo na dapat mawala kayong lahat para mapunta sa kanya ang mana, ang lahat ng ari arian ng pamilya mo. Ampon si Kuya Rhod yun ang sabi sa akin ni daddy noon dahil hindi magkaanak ang parents mo nung una kaya nag ampon sila. Nalaman ni Kuya Rhod ang laman ng Last Will ng daddy mo. Hindi siya pumayag na 10% lang ng lahat ang makukuha niya at naka saad doon na kapag namatay ka mapapa sa kanya ang lahat." paliwanag ko. " Bakit hindi mo sinabi sa akin agad" tanong ni Carl. " Dahil hindi ko alam kung nasaan ka. Kahit text at call ko sa iyo hindi ka sumasagot. Pagkatapos ng mga narinig ko nagpunta ako sa opisina ko nag isip ako kung sino ang sasabihan ko. Tinatawagan ko si Liam noon pero hindi siya sumasagot. Nung paalis na ako biglang pumasok sa opisina ko si Kuya Rhod. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin nalaman niyang narinig ko ang pinagusapan nila ng kausap niya noon. Nakita niya sa cctv na nakatayo ako sa labas ng pintuan niya. Nairecord ko ang usapan nila at sinend ko sa email mo tapos denelete ko agad sa phone ko pati ang call log ko binura ko din." patuloy kong pagsasalita. Napalunok ako at saka nagumpisang lumuha pero tinuloy ko pa din ang sasabihin ko. " Nung pumasok siya sa opisina ko pinipilit niyang kunin ang cellphone ko. Inabot ko naman sa kanya kasi wala na siyang makikita doon. Pinipilit niya akong paaminin kung anong mga narinig ko pero hindi ako nagsalita. Hangang sa hatakin niya ako pa upo sa sofa, tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ako maka sigaw pinilit niyang hubarin ang damit ko noon hangang sa masira. Tinatakot niya ako na kapag may naka alam sa mga plano niya papatayin niya din ang buong pamilya ko at ang mga kaibigan ko saka niya ako papatayin. Muntik na niya akong magahasa kung hindi lang pinilit buksan si Chris ang pintuan. Nakita niyang naka ibabaw sa akin si Kuya Rhod at sakal sakal niya ako." Gumagaralgal na ang boses kong nag sasalita. " P*** I*** yun gagahasain ka pa" si Josh na galit na galit na sa mga narinig. " Ako ang papatay sa kanya kapag nakita ko siya" si Ava na galit na din. Nakatitig lang sa akin si Carl. Nagpatuloy pa din ako. " Matapos nun, nagpasya ako na hahanapin kita kahit saan kahit na sira sira ang pangtaas ko. Pinahiram lang ako ni Chris ng jacket niya. Tinawagan ko kayo isa isa di ba, hinanap ko siya sa inyo kasi sabi ko importanteng makausap ko siya" tanong ko sa mga kaibigan ko. Tumango ang mga ito. " I remember that day Amz umiiyak ka pa nga noon. I even ask to help you pero sinabi mo wala ng oras kailangan mahanap mo agad si Carl " sambit ni Kat na nakahawak sa kamay ni Ralph. Huminga muna ako ng malalim saka pumikit nag mariin. Pinigilan kong maiyak at pinigilan kong magalit dahil naalala ko na naman ang lahat. Napabuntong hininga muna ako bago nagpatuloy saka tumingin kay Carl. " Naisipan kong pumunta sa mansion niyo Carl. Si manang Fe ang bumungad sa akin tinanong ko kung nandun ka sabi niya wala pero nakita ko ang sasakyan mo sa loob ng garahe niyo kaya nagtuloy tuloy ako sa kwarto mo." tuluyan ng lumuha ang mga mata ko. " Naka bukas yung pinto ng kwarto mo" habol hinga kong salita. " Nakita kita at si Natasha sa loob" pilit ko pa ding salita sa pagitan ng mga luha ko. " She was on top of you Carl. She is F*cking you and mukhang nag eenjoy ka samantalang ako nakikipag habulan na kay kamatayan makita ka lang." Humagulgol na ako ng tuluyan. Halos hindi na ako makapag salita sa sama ng loob at sa pag iyak ko. Pinainom muna ako ng tubig ni Liam na lumipat sa tabi ko. Si Carl naman ay hawak ang mukha niya na pilit inaalala ang mga nangyari. Napayakap ako kay Liam at umiyak ng husto. " Amz sana kahit kaming mga bestfriend mo sinabihan mo para nadamayan ka namin" naluluhang sabi ni Trisha. " Sorry Amz hindi namin alam na ganun pala ang pinagdaanan mo kaya pala lumayo ka sa amin" si Kat. " F*ck... F*ckkkkk..." Malakas na sigaw ni Carl saka tumayo at humarap sa bintana. Sinabunutan niya ang buhok niya at saka paulit ulit na nagmura. Nilapitan siya ni Ralph at Mark para pakalmahin. " Carl please stop " tawag ko sa kanya. Lumingon ito nang marinig niya ako at saka lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit at saka nagsabing " Love I'm sorry.. I'm really sorry ,hindi ko man maalala pero alam ko kung gaano kasakit para sa iyo " saad nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. " Madami ka pang dapat malaman Carl.. Just keep listening okay." sambit ko dito. Tahimik lang ang mga kaibigan namin, ang mga bestfriend ko ay kanya kanyang tahimik na lumuluha. Itinuloy ko ang pag sasalita. " Nang maka baba ako galing sa kwarto mo si manang Fe ang bungad sa akin. Nagsorry siya pero hindi ko na pinakinggan ang paliwanag niya hinubad ko ang engagement ring at inabot sa kanya saka mabilis na umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na yun. I was driving very fast handa na akong mamatay noon dahil sobrang sakit at sobrang lito ko. Ang dami daming nang yari, ang daming tumatakbo sa isip ko. Until makarating ako sa PIC naginom ako ng naginom doon pero tanda ko nakaka limang bote pa lang ako ng beer pero nahilo na ako agad. Not the usual me di ba kahit na isang kahon di naman ako malalasing. Siguro dahil sa sama ng loob at iba't ibang emosyon, kaya nagdesisyon akong umuwi na muna. Nang makasakay ako sa sasakyan ko napansin ko may itim na sasakyan sa labas ng bar" pagpapatuloy ko. " Napansin kong sinusundan ako ng sasakyan hagang sa way papunta sa condo ko sa takot ko nagpasya akong pumunta sa lumang bahay namin atleast doon hindi makakapasok ang sasakyan na sumunod sa akin. Binilin ko pa sa guard about sa sumusunod sa akin. Pag dating ko sa bahay namin nagpunta ako sa swimming pool at biglang nagdilim ang paningin ko" dugtong ko pa. " Dun ka namin nakita ni Mark na nakalutang sa tubig siguro kung nalate kami nang dating malamang wala ka na Amz" singit ni Ava na pinupunsan niya ang mga luha niya. Hinawakan ako muli ni Carl sa kamay ng mahigpit. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. " The next thing I know nasa hospital na ako at nang makausap ko ang doctor ko she told me, na nakunan ako, I was eight weeks pregnant at may nainom akong lason kaya nalaglag ang baby" saad ko na naka tingin kay Carl. " Sinabi ko sa doctor na hindi ko alam na buntis ako kaya nagsimula akong lalong maguluhan. Tapos dumating si Stef at Kat sinabi ang nangyari kay Carl at about sa parents niya." pagpapatuloy ko. " I started to blame my self sa mga nangyari kung sana nagsalita ako sa kahit isa man lang sa inyo, kung hindi ko inisip na madadamay kayo" saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD