After 1 year..... “Mira!” sigaw ko nang makita ko siyang nag-aayos ng mga balloons kasama ang mga kaibigan namin. Limang buwan noon nang mapagpasiyahan nina Azalea at Jewel na sumunod sa akin dito sa New Zealand kung nasaan sina Linnea at Mirabelle. Hindi namin tinanong ang dahilan kung bakit dahil kita sa mukha nila ang pagod. Nagsimula na rin silang maghanap ng trabaho noong isang buwan ang lumipas na pamamalagi nila rito. Nahirapan kaming mag-adjust dahil sa sobrang lamig. Hindi naman kasi kami sanay sa snow dahil wala namang snow sa Pilipinas. Tag-ulan at tag-init lang naman. Malaki nga ang pasasalamat ko dahil hinayaan ako ni Linnea na mamalagi sa kanilang bahay nila lalo pa at nandito ang mga magulang ni Linnea. Hiyang-hiya ako dahil mabilis ang pagdedesisyon ko at hindi pinag

