Chapter 40

1036 Words

“Happy Birthday to you.” Nagpalakpakan naman kaming lahat habang nakatingin kay Mico na ngayon ay nakangiti sa amin na halos mabura na ang kaniyang mga mata. Pagtingin ko sa mga kaibigan ni Eisley ay ang ilan dito ay mababakas sa mga mata nila ang pagtataka na hindi ko naman maintindihan. Lalo na si David dahil bahagya pang nangunot ang kaniyang noo at halos maging isang linya na rin ang kaniyang kilay habang nakatitig kay Mico. Imbis na pansinin ay nagsimula na kaming kumain habang si Mira naman ay nagpaalam na pupunta muna sa kuwarto niya upang palitan ang damit ni Mico dahil pinagpapawisan na naman dahil galaw ito nang galaw. “Kahawig ni Rowan si Mico,” saad ni David upang basagin ang katahimikan. Napatikhim naman si Rowan sa kaniyang narinig at nangunot ang kaniyang noo marahil ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD