Sinundan ko si Van nang lumabas ito ng bahay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil dumiretso ito sa sasakyang nakaparada ngayon sa tapat ng bahay nina Linnea at kaniyang nga magulang. Dumiretso siya sa passenger seat at binuksan ang pintuan nito habang matiyagang naghihintay at nakatingin sa akin habang ako ay papalapit sa kaniyang puwesto. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na halos mabingi ako sa sarili nitong musika at hindi ko alam kung naririnig na ba ito ngayon ni Van lalo na noong tumapat ako sa kaniya. Naamoy ko rin ang pamilyar niyang pabango na nagpapikit sa akin saglit bago pumasok sa kaniyang kotse na agad naman niyang isinara matapos akong makitang nakaupo na at komportable sa aking puwesto. Nagpasalamat din ako sa kaniya pagpasok niya sa loob at agad minaneho ang kan

