Isang linggo simula noong nalaman namin na buntis ako. Agad din naming ipinaalam sa mga magulang ni Van at mga malalapit na kaibigan namin tungkol sa pagbubuntis ko. Kaya minsan ay dumadalaw sila rito para magbigay ng mga prutas o simpleng pagkain kagaya ng mga cravings ko. Minsan din kasi ay hindi ako maasikaso ni Van dahil nagkaroon ng problema ang Restaurant niya pero naayos naman na niya ito agad. Nagkakaroon lang ng mga emergency meeting at kailangan niyang um-attend ng personal dahil mukhang matatagalan daw ang meeting at kailangan din ang presensya niya. Kaya ngayon, nandito ako sa kaniyang condo kasama si Mommy, Mommy ni Van na sobrang hands on sa pag-aalaga sa akin. “May gusto ka pa bang kainin? I can cook you a palabok or lomi,” alok ni Mommy. Sa totoo lang ay katatapos kong

