Isang oras ang lumipas magmula noong malaman namin ang result. Tinawagan na rin niya ang OB-Gyne para sabihing pumunta rito sa kaniyang condo. Mabuti na lamang ay nandito lang siya sa New Zealand dahil nagkaroon pala sila ng reunion dito kasama ang mga magulang ni Van. Sabi rin niya ay didiretso raw talaga siya rito sa condo namin dahil every month ay may check-up ako sa kaniya para sa mga nirereseta niyang pills. Sinabi rin ni Van ang tungkol sa pagiging delay ko kaya alam kong dala-dala niya ang mga gamit niya papunta rito ngayon. Narinig ko rin na kasama niya ang kaniyang asawa papunta rito dahil parehas din silang nasa medical field at kakailanganin niya rin ng tulong niya. Hindi nga lang ako sigurado kung anong klaseng trabaho ang mayroon siya. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng doo

